[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Rotondang Mabuhay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Rotondang Mabuhay (Ingles: Welcome Rotonda) ay isang rotonda sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila. Matatagpuan ito mga ilang metro mula sa hangganan ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Maynila, sa sangandaan o bagtasan ng Abenida Eulogio Rodriguez, Sr., Abenida Mayon, Abenida Quezon at Bulebar Espanya.

Kilala ang Mabuhay Rotonda bilang sentro ng transportasyon. Nagsilbi itong isa sa mga unang terminal para sa mga dyipni habang nagsisimulang dumaan ang mga ito sa mga lansangan ng Kamaynilaan pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Nagsilbi rin itong hangganan ng Lalawigan ng Rizal bago ang 1975.[2] Ito rin ang tagpuan ng mga pagtitipon at protesta.[3][4]

Unang binuksan ang rotonda noong 1948, kasama ang marmol na bantayog na idinisenyo ni Luciano V. Aquino na itinayo sa gitna nito upang batiin ang mga bisita sa Lungsod Quezon na noo'y bagong-hayag na kabisera ng Pilipinas.[1] Pinapalibutan ng apat na mga leon ang monumento, at ipinapahiwatig nito ang mga direksiyong kardinal (hilaga, timog, kanluran at silangan).

Binago ni Alkalde Ismael Mathay, Jr. ang pangalan nito sa "Mabuhay Rotonda" noong Mayo 17, 1995,[1] kasunod ng isang inisiyatiba ni Rod Ongpauco, isang lokal na tagapangasiwa ng restoran, na paunlarin ang paggamit ng pananalitang Pilipino na "Mabuhay!" bilang isang paraan ng pagsasalubong sa mga dayuhang bisita sa Pilipinas.[5] Subalit kapuwang ginagamit nang palit-palitan ang salitang Pilipino at Ingles.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Mallari, Perry Gil S. (Marso 14, 2008). "Timeless memories of Welcome Rotonda". The Manila Times. Manila Times Publishing Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Marso 2008. Nakuha noong 3 Hunyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Partitioning of Rizal
  3. "Allies, critics of Arroyo snarl traffic at Mabuhay Rotonda". GMA News. Marso 14, 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mangosing, Frances (Mayo 1, 2014). "Labor Day protesters gather in Manila-Quezon City landmark". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Luna, Luis (Mayo 13, 1995). "Welcome Rotonda to have new name". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corporation. Nakuha noong 3 Hunyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)