[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ika-10 Abenida, Caloocan

Mga koordinado: 14°39′3″N 120°59′21″E / 14.65083°N 120.98917°E / 14.65083; 120.98917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ika-10 Abenida
10th Avenue
Abenida Asistio (Asistio Avenue)
Ika-10 Abenida malapit sa Abenida Rizal
Impormasyon sa ruta
Haba2.2 km (1.4 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye Hizon sa Grace Park West (Barangay 64)
 
Dulo sa silanganKalye Kamantigue sa Grace Park East (Barangay 98)
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodCaloocan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Ika-10 Abenida (10th Avenue), dating kilala bilang Abenida Macario Asistio Sr. o sa payak Abenida Asistio (Macario Asistio Sr. Avenue / Asistio Avenue), ay isang pang-apatang kalye na hindi nahahati ng panggitnang harangan sa Caloocan, Kalakhang Maynila, na dumaraang silangan-pakanluran at naghahati sa Timog Caloocan. Tulad ng karamihan ng mga abenida sa lugar na ito ng Grace Park, tumatawid ito ng isang sistema ng halos-ganap na pinagtagpu-tagpong mga guhit ng mga kalyeng maybilang na tumakbo hilaga-patimog, kalakip ng iba pang mga abenidang maybilang na tumatakbo silangan-pakanluran.

Isang pambansang lansangan ang Ika-10 Abenida na ibinukod ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) bilang isang hindi nakanumerong pambansang daang tersiyaryo.[1]

Pangalan at kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pormal nang ipinalit ang pangalan sa Abenida Asistio bago ibinalik sa kasalukuyang nakanumerong pangalan sapagkat ito ang ikasampung abenida na tumatakbo silangan-pakanluran mula sa hangganan ng lungsod sa Tondo, Maynila. Ang dating pagbabago ng pangalan ay isinagawa noong 1984 bilang karangalan sa dating alkalde ng Caloocan na naglingkod noong 1962–1971 at ama ng isa pang alkalde ng Caloocan na si Boy Asistio, ngunit ito ay isinawalang-bahala at ibinalik mula noon.[2]

Ang Ika-10 Abenida at ang kasalukuyang distritong pampamahayan at pang-industriya ay dating isang palapagang pansibilyan bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinawag itong Hilagang Palapagan ng Maynila (Manila North Airfield) o Grace Park. Ang palapagang ito na binuksan noong 1935 malapit sa noo'y bagong-tayo na Bantayog ni Bonifacio (o Monumento) ay ang unang paliparang pangkomersiyo ng Maynila na nagsilbing himpilan ng Philippine Airlines para sa mga rutang domestiko nito. Isinara ang palapagan pagkaraan ng digmaan at ginawa itong pook pampamahayan at pang-industriya ng pamahalaang lungsod ng Caloocan.[3][4]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ika-10 Abenida sa lugar ng Barangay 91 sa Grace Park East

Dumadaan ang Ika-10 Abenida mula sa kanlurang dulo nito sa sangandaan ng Kalye M. Hizon at linyang daambakal ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) sa Grace Park West hanggang sa silangang dulo nito sa Kalye Kamantigue sa Grace Park East malapit sa Abenida Andres Bonifacio sa may hangganam ng lungsod at ng mga barangay ng Balingasa at Pag-Ibig sa Nayon sa Balintawak, Lungsod Quezon.

Hinahati ng Abenida Rizal ang abenida sa dalawang bahagi. Nasisilbi ring linyang panghati ang Abenida Rizal sa pagitan ng Grace Park West at Grace Park East. Sa kanlurang bahagi nito, nagsisimula ang Ika-10 Abenida sa silangan ng estasyong daangbakal ng ika-10 Abenida sa Barangay 64 at bahagyang liliko pahilaga bago tumbukin ang sangandaan nito sa Kalye Vibora. Tutuwid ito pagbagtas ng ilang mga kalye habang tumatahak ng direksiyon patungong Abenida Rizal. Kabilang sa mga palatandaang-pook sa bahaging ito ang pampublikong aklatan ng Caloocan, Mataas na Paaralan ng Caloocan at ang Mataas na Paaralang Agham ng Lungsod ng Caloocan. Sa silangan ng Abenida Rizal, tumatakbo ito ng halos-ganap na linyang tuwid papunta sa silangang dulo nito sa Kalye Kamatigue sa Grace Park East. Matatagpuan sa bahaging ito ang kampus-Caloocan Systems Plus College Foundation. Maaabot ang Bagong Gusaling Panlungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng Kalye 8 at Kalye 9, isang buong bloke sa timog ng Ika-10 Abenida.

Sa kanlurang dulo ng abenida, tutuloy ito bilang Kalye Padre Burgos sa poblasyon (kabayanan) ng Caloocan's poblacion at Barangay Dagat-Dagatan at nagbibigay ng daan papuntang Hugnayan ng Hudikatura ng Caloocan Judicial, Pamilihang Poblasyon ng Caloocan Poblacion, Gitnang Mababang Paaralan ng Caloocan at ang Katedral ng Caloocan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2017 Road Data: National Capital Region". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2018. Nakuha noong 2 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Corpus Juris. "An Act Changing the Name of 10Th Avenue (East and West) in the City of Caloocan, Metropolitan Manila, to Daang Macario B. Asistio, Sr". Nakuha noong 2 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Grace Park Airfield (Manila North)". Pacific Wrecks. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 2 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lazatin, Hannah (16 Mayo 2018). "A Rare Look at the Glory Days of the Manila International Airport". Town & Country. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 2 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°39′3″N 120°59′21″E / 14.65083°N 120.98917°E / 14.65083; 120.98917