[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Daang Radyal Blg. 10

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

R-10
Radial Road 10
R-10 Road sa Tondo
Pangunahing daanan
Dulo sa timogIlog Pasig sa Lungsod ng Maynila
Dulo sa hilagaCircumferential Road 4 (C-4) sa Navotas
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Radyal Blg. 10 (Ingles: Radial Road 10), na mas-kilala bilang R-10, ay isang nakaplanong pinag-ugnay na mga daan at tulay na bubuo sa ikasampung daang radyal ng Maynila sa Pilipinas.[1] Pinaka-kanluran ito sa mga daang radyal sa hilaga ng Ilog Pasig, at dumadaan ito mula hilaga pa-timog (at gayon din naman timog pa-hilaga) malapit sa baybayin ng Look ng Maynila. Kapag natapos na ito, kokonektahin nito ang lungsod of Maynila sa Navotas at sa mga baybayin ng Bulacan, Pampanga, at Bataan sa Gitnang Luzon.

Sa kasalukuyan, tangi ang bahaging Pantalan ng Maynila - Navotas lamang ng R-10 ay yaong bahaging natapos.

Binubuo ang Daang Radyal Blg. 10 ng mga sumusunod na bahagi:

Bulebar Mel Lopez (Mel Lopez Boulevard)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagitan ng Anda Circle sa Port Area at Tulay ng Estero de Marala sa ibabaw ng Sapang Marala (Sapang Sunog Apog), kilala ang R-10 bilang Bulebar Mel Lopez, dating Daang Marcos o Lansangang Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ito ay ang tanging bahagi ng R-10 sa lungsod ng Maynila, na dumadaan sa hugnayan ng Hilagang Pantalan ng Maynila bago pumasok sa lungsod ng Navotas.

Daang Radyal Blg. 10 (Radial Road 10)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa loob ng Navotas, payak na kilala bilang Daang Radyal Blg. 10 (o sa madla, Road 10 o R-10). Naglilingkod ito sa Hugnayan ng Pantalang Pangingisda ng Navotas (Navotas Fish Port Complex) at ini-uugnay nito ang Tondo sa Daang Palibot Blg. 4 (C-4) paglampas ng Tulay ng Bangkulasi kung saang patungo ito sa Malabon, Timog Caloocan at Lungsod Quezon.

Daang Coastal ng Maynila–Bataan (Manila–Bataan Coastal Road)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang lansangan na nag-uugnay ng Maynila sa lalawigan ng Bataan ay ipinanukala bilang karugtong ng R-10.[2] Katulad sa R-1 at mga bahagi nito (Bulebar Roxas at Manila–Cavite Expressway), dadaan ang lansangan sa may baybayin ng Look ng Maynila sa hilaga ng Ilog Pasig. Mula sa kasalukuyang dulo ng R-10 sa C-4, Navotas, dadaan ang lansangan pahilaga sa mga bayan ng Obando, Bulakan, Malolos, Paombong, at Hagonoy sa lalawigan ng Bulacan, at hilagang-kanluran sa may baybayin ng Pampanga sa Macabebe, Masantol, Sasmuan, at Lubao, at tatapos sa Hermosa at Dinalupihan sa Bataan. Itatayo ang ipinapanukalang lansangan sa ibabaw ng mga palaisdaan at magsisilbi rin itong pang-hadlang ng mga baha para sa mga lalawigan sa tabing-dagat ng look.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 30 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gamboa, Rey (9 Hulyo 2013). "Numerous studies but job not done". The Philippine Star. Nakuha noong 31 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Balabo, Dino (21 Agosto 2012). "Manila-Bataan coastal road pushed". The Philippine Star. Nakuha noong 31 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)