[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

North Luzon Expressway

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa E5 expressway (Pilipinas))



North Luzon Expressway
dati ay North Diversion Road
Marcelo H. del Pilar Superhighway
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon (nakakahel ang North Luzon Expressway).
NLEX sa Barangay Paso de Blas, Valenzuela.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Tollways Management Corporation
Haba84.0 km (52.2 mi)
Umiiral1968–kasalukuyan
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga
  • N217 (Daang Mabalacat–Magalang) sa Mabalacat
  • E1 / E4 (SCTEX) sa Mabalacat
Dulo sa timog N1 / AH26 (EDSA) / N160 (Abenida Bonifacio) sa Palitan ng Balintawak, Lungsod Quezon
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Mga bayan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang North Luzon Expressway (NLE o NLEx), dating tinatawag na North Diversion Road at Manila North Expressway (MNEX), ay isang may takdang mabilisang daanan (expressway) na nagkokonekta sa Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon sa Pilipinas. Ito ay isang bahagi ng Expressway 1 (E1) ng sistemang mabilisang daanan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) at Daang Radyal Blg. 8 (R-8) ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan. Itinayo ito noong dekada-1960.[1]

Nagsisimula ito sa isang palitang trebol (cloverleaf interchange) sa EDSA—karugtong sa Abenida Bonifacio—sa Lungsod Quezon. Dadaan ito sa Caloocan at Valenzuela ng Kamaynilaan, Bulacan, at Pampanga. Sa ngayon, nagtatapos ito sa Labasan ng Santa Ines sa Mabalacat, at pinagiisa sa Lansangang MacArthur pahilaga patungo sa natitirang bahagi ng Gitnang at Hilagang Luzon. May isang panukala na derektang kukonektahin ang mabilisang daanan sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx) sa pamamagitan ng isang palitan na matatagpuan 3-kilometro hilaga ng kasalukuyang dulo nito sa Labasan ng Santa Ines. Ang bahagi ng mabilisang daanan sa pagitan ng Labasan ng Santa Rita sa Guiguinto at Palitan ng Balintawak sa Lungsod Quezon ay isang bahagi ng bagong pagkakalinya ng N1 (AH26).

Ang mabilisang daanan, kung isasama ang Abenida Andres Bonifacio, ay may kabuoang haba na 88 kilometro. Ang bahagi ng mabilisang daaanan ay may habang 84 kilometro.

Sa simula ito ay kontrolado ng Philippine National Construction Corporation o PNCC, ang pamamahala at pagpapanatili ng NLEX ay inilipat noong 2005 sa Manila North Tollways Corporation, isang sangay ng Metro Pacific Investments Corporation (dati, ito ay sangay Lopez Group of Companies hanggang 2008). Isang pangunahing pagpapaganda at pagsasaayos na natapos noong Pebrero 2005 ay ang pagiging hawig ng modernong kalidad sa mga mabilsang daanan sa Pransiya. Ang pangunahing kontratista ng pagsasaayos ay ang Leighton Contractors Pty. Ltd. ng Australya kasama ang Egis Projects, isang kompanya na kasama sa Groupe Egis ng Pransiya bilang subkontraktor para sa tarangkahan, telekomunikasyon, at sa mga paraan ng pangangasiwa ng trapiko. Upang mapanatili ang kaligtasan at kalidad ng mabilisang daanan, iba't ibang mga panuntunan ang nakalagay, tulad ng pagtakda sa kaliwang landas bilang panlusot na landas (passing lane) at pagbabawal sa mga trak na sobra ang karga.

Ang mabilisang daanan ay may mga tulay na tumatawid sa pitong mga ilog. Ang mga ilog na ito ay Ilog Tullahan sa Valenzuela malapit sa Palitan ng Smart Connect; Ilog Meycauayan, Ilog Marilao, Ilog Santa Maria at Ilog Angat sa lalawigan ng Bulacan; at Ilog Pampanga at Ilog Abacan sa lalawigan ng Pampanga.

Palitan ng Balintawak noong 1968.

Isa ang North Luzon Expressway sa mga proyektong pang-impraestruktura na naitayo sa ilalim ni dating Pangulo Ferdinand Marcos. Kilala ito dati bilang North Diversion Road at Manila North Expressway (MNEx).

Ang unang kahabaan ng mabilisang daanan, mula Palitan ng Balintawak hanggang Labasan ng Guiguinto sa Bulacan, ay naikompleto noong Agosto 4, 1968. Sa mga panahon na iyon, isa pa lamang itong may takdang mabilisang daanan sa pook-rural na binakod nang husto, na may apat na mga landas, siyam na magkakambal na tulay (twin bridges), isang daang pang-ibabaw (overpass) ng daambakal, pitong daang pang-ilalim (underpasses), at tatlong palitan.

Sa simula isang proyekto ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang NLEx, subalit ang pagtatapos sa malaking bahagi ng gawaing proyekto ay napunta sa CDCP upang manguna sa konseptong mabilisang daanan sa pagpopondo ng imprastraktura. Isinagawa ito sa ilalim ng plano ng pampribadong pagpopondo na ibinigay ng Batas Republika Blg. 3741.

Kabilang sa mga karagdagang gawain na kinailangan ng pamahalaan ay ang pagtatayo ng Balintawak - Novaliches Interchange Complex, Palitan ng Tabang, at ang daang patumbok (approach road) ng mga daang pang-ilalim.

Noong 1976, itinayo ang karugtong ng NLT bilang bahagi ng programang panlansangan ng Pandaigdigang Bangko para sa Muling Pagsasaayos at Pagpapaunlad (IBRD) na may layuning maiugnay ang mga pangunahing sentrong panlungsod sa mga sentrong produksyon sa hilaga. Binubuo ito 50.9 kilometrong daang kongkreto na may apat na mga landas at Biyadukto ng Candaba.[2]

Noong 1989, sa panahon ni dating Pangulo Corazon Aquino, pinahaba nang 5 kilometro ang mabilisang daanan mula sa dulo nito sa Labasan ng Dau hanggang sa Labasan ng Santa Ines sa Mabalacat.

Isang bahagi ng NLEX noong 1999, na may kasamang dumaraang bus ng Dagupan Bus Company

Pangunahing pagsasaayos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simula noong 2003, sinimulan ang pangunahing pagpapaganda at pagsasaayos ng mabilisang daanan. Binubuo ito ng pagtatayo muli ng mga daan at pagtatayo ng mga bagong tarangkahang pambayad. Kabilang dito ang pagpapalawak ng bahaging Balintawak - Tabang mula anim hanggang walong landas, at bahaging Tabang - Santa Rita mula apat hanggang anim na landas. Nanatili sa apat ang bilang ng mga landas sa bahaging Santa Rita - Santa Ines. Ilan pa sa mga ibang proyekto ay paglatag ng aspalto at paggiba ng mga lumang tarangkahang pambayad (na pinalitan naman ng mga bagong tarangkahang pambayad na may kulay bughaw na bubong). Natapos ang mga ito noong Pebrero 2005, at ang mabilisang daanan ay mayroon nang mga makabagong katangian na ipapaliwanag sa ibaba.

Sa parehong taon (2005) ding inilipat ang pamamahala at pagpapanatili ng NLEX mula Philippine National Construction Corporation (o PNCC, na pagmamayari ng pamahalaan) papuntang Manila North Tollways Corporation na isang sangay ng Metro Pacific Investments Corporation.

Programang pagpapaganda ng mga daluyan ng tubig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kahabaan ng mabilisang daanan ay isinailalim sa isa pang pagsasaayos ukol sa mga sistemang daluyan nito. Kilala ang North Luzon Expressway na bumabaha tuwing tag-ulan, at ang layunin ng proyekto ay ang pagpapaayos ng mga daluyan ng mabilisang daanan para maiwasan ang pagbabaha. Sa mga panahong ito, isinara sa trapiko ang ilang mga landas nito. Nagdulot ito ng pagsisikip sa trapiko sa kahabaan ng mabilisang daanan at ang itinakdang hangganan ng tulin sa mga lugar ng pagtatayo ay ibinaba mula 80/100 km/h hanggang 60 km/h.

Sinimulan ang programa noong Pebrero 12, 2007 at natapos ito noong Oktubre 7, 2007.

NLEx sa Brgy. Hen. T. De Leon, Valenzuela, noong 2007, nang hindi pa itinatayo ang Palitang Smart Connect at mga Segment 8.1 at 9 ng NLEx.

Kamakailang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong ika-5 ng Hunyo 2010, binuksan ang NLEx Segment 8.1 o NLEX Mindanao Avenue Link, isang pang-apatang, 2.34 kilometrong daang sangay na dumadaan mula Abenida Mindanao papuntang Palitan ng SMART Connect sa Valenzuela. Ang daang sangay ay isang bahagi ng Hilagang Karugtong ng Daang C-5 at naglalayong makapagbigay ng isa pang pasukan sa mabilisang daanan mula Kalakhang Maynila at upang mabawas ang pagsisikip ng trapiko sa Palitan ng Balintawak. Noong ika-18 ng Marso 2015, binuksan naman ang NLEx Segment 9 o NLEX Karuhatan Link, na isang 4.06 kilometrong karugtong ng Segment 8.1 na dumadaan mula Palitan ng SMART Connect hanggang sa Lansangang MacArthur.

NLEx sa San Simon, Pampanga, na may apat na landas, noong 2007.

Isinagawa ang proyektong pagpapalapad noong 2016, na pinalapad ang bahaging Santa Rita–San Fernando sa anim na mga landas (mula sa dating apat na mga landas), at bahaging SCTEX–Santa Ines sa apat na mga landas (mula sa dating dalawang mga landas).[3]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing NLEx

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahagi ng NLEx malapit sa Palitang Trebol ng Balintawak.

Ang Pangunahing NLEx (NLEx Main) ay ang pangunahing bahagi ng NLEx mula Palitan ng Balintawak hanggang Labasan ng Santa Ines. Kalinya nito ang Lansangang MacArthur mula Lungsod Quezon hanggang Mabalacat sa Pampanga. May walong landas ito mula Palitan ng Balintawak hanggang Palitan ng Balagtas, anim na landas mula Palitan ng Balagtas hanggang Labasan ng San Fernando, at apat na landas mula Labasan ng San Fernando hanggang Labasan ng Santa Ines. May mga tulay ang mabilisang daanan na tumatawid sa mga pitong ilog. Ilang bahagi ng mabilisang daanan ay nililinyahan ng mga billboard, kasama ang bahaging biyadukto nito. Maraming mga mataas na boltaheng mga linya ng kuryente sa itaas na pinatatakbo at pinananatili ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at iba't ibang mga kompanyang distribusyon ng kuryente ay gumagamit ng malaking bahagi ng ruta ng mabilisang daanan sapagkat ang mataong mga pamayanan ay sumasagabal sa pagtatamo ng ilalaang karaptan sa daan. Pinakakapansin-pansin sa mga linya ng kuryenteng ito ang linyang transmisyon ng Hermosa–Duhat–Balintawak mula Labasan ng San Fernando sa Pampanga hanggang Palitan ng SMART Connect sa Valenzuela.

Bahaging Balintawak-Balagtas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pahilagang landas ng NLEx sa lugar ng Lawang Bato-Lingunan, Valenzuela, noong Disyembre 2005 bago ang pagtatayo ng daang pang-ibabaw ng Dulalia.

Nagsisimula ang mabilisang daanan sa Palitang Balintawak bilang isang pisikal na karugtong ng Abenida Bonifacio. Ilang metro mula sa interkambiyong trebol na ito ay ang Lansangang Quirino, kasama ang isang labasang pahilaga na aakyat sa isang flyover. Maglilinya sa mabilisang daanan ang Daang Reparo mula Labasang Novaliches hanggang Liwasang Pang-ala-ala ng Eternal Gardens. Makikita ang Labasang Libis Baesa malapit sa liwasang pang-ala-ala ngunit nagsisilbi lamang ito sa patimog na landas. Lalapit ang mabilisang daanan sa Tarangkahang Pambayad ng Balintawak, at lalapad sa labimpitong mga landas at nagsisilbi lamang sa pahilagang landas. Matatagpuan ang mga tanggapan ng NLEX Corporation malapit sa tarangkahang pambayad. Isang bagong tarangkahang pambayad ay itinayo sa pagitan ng pahilaga at patimog na mga landas na naglilingkod sa mga sasakyang Class 1 at nabuksan noong 2017.

Babalik muli sa apat na mga landas ang mga pahilagang landas ng mabilisang daanan paglampas ng tarangkahan, tutuloy nang diretso, tatawid sa ibabaw ng Ilog Tullahan sa pamamagitan ng Tulay ng Tullahan, tutumbok sa Kalye Heneral T. De Leon, at dadaan sa Palitang Smart Connect. Simula sa bahaging ito maglilinya ang West Service Road sa mabilisang daanan. Dadaan naman ito sa mga pook-industriya at negosyo sa loob ng Valenzuela. Magsisimulang maglinya ang East Service Road sa mabilisang daanan bago tumungo sa Labasang Paso de Blas. Sa labasang ito, makikita ang isang gusali ng Puregold at Pamilihan ng Malinta. Tutuloy ang mabilisang daanan sa diretsong ruta, kasama ang isang pook serbisyo ng Caltex malapit sa daang pang-ibabaw ng Dulalia, hanggang sa pumasok ito sa lalawigan ng Bulacan.

Patimog na landas ng NLEx malapit sa Barangay Duhat, Bocaue.

Tatawid ito sa Ilog Meycauayan at pagkaraan ng ilang metro ay ang Labasang Meycauayan upang maglingkod sa lungsod. Isa pang daang panserbisyo na nangangalang St. Francis Service Road ay matatagpuan sa tabi ng patimog na landas ng mabilisang daanan. Dadaan naman ito sa mga pook-pamahayan at institusyon sa loob ng lungsod, babagtas sa Daang Lias, at tutuloy nang diretso. Sa bayan ng Marilao, may isang pook serbisyo ng Petron at pagkaraan nito ay ang Ilog Marilao at ang Labasang Marilao. Papasok ito sa Bocaue pagkaraan ng Labasang Marilao at babagtas sa daang pang-ibabaw ng Duhat. Makikita ang Philippine Arena sa bahaging ito ng NLEx. Liliko ang mabilisang daanan pasilangan upang makalingkod sa tarangkahang pambayad ng Bocaue. Kasalukuyang pinapalawak ang patimog na landas sa 22 mga landas na may 4 mula sa daang serbisyo kung kaya may kabuoang 26 mga landas. Sa gitna ng tarangkahang pambayad ay isang bagong-tayo na tarangkahan at daan. Liliko ito pakanluran, dadaan sa Labasang Bocaue, Ilog Santa Maria, at Tulay ng Taal, at tutuloy sa isang diretsong direksiyon hanggang sa Labasang Balagtas. Bago ito ay mga pook serbisyo ng Petron para sa patimog na landas at Shell para sa pahilagang landas. Paglampas ng pook serbisyo ng Shell ay ang Daang Sangay ng Tabang at Palitang Balagtas na binuksan noong Marso 20, 2012. Ito ang dating dulo ng unang bahagi ng NLEx mula 1967 hanggang 1976 nang pinahaba ito patungo sa Dau.

Bahaging Balagtas-San Fernando

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahagi ng NLEx sa Barangay Santa Rita, Guiguinto, Bulacan. Makikita ang mga ilaw sa gitna ng mabilisang daanan kung saang dati itong damuhan na panggitnang harangan bago ang pagpapalawak noong 2016.

Kikipot sa anim (tatlo kada direksiyon) ang bilang ng mga landas ng mabilisang daanan simula sa Daang Sangay ng Tabang. Paglampas ng Palitang Balagtas, tutumbok ito sa Kalye Krus. Tutuloy ito sa isang diretsong ruta at dadaanin nito ang mga palayan sa dakong labas ng mga pamayanan ng Guiguinto, Malolos, at Pulilan. Tatawirin nito ang Ilog Guiguinto at dadaanin nito ang pook-serbisyo ng Shell of Asia, Metro Warehouse Bulacan, at Labasang Santa Rita – ang hilagang dulo ng bahaging AH26/N1 ng NLEX (liliko ang AH26/N1 sa Lansangang Doña Remedios Trinidad o Pan-Philippine Highway na susundan ang Daang Cagayan Valley patungong Baliwag at Cabanatuan). Tutumbok naman ang NLEx sa Kalye Mabini, tatawid sa mga Ilog Tabang at Angat, at dadaan sa Labasang Pulilan (kung saang tinutumbok nito ang Daang Panrehiyon ng Pulilan.

Biyadukto ng Candaba

Ilang metro pagkaraan ng Labasang Pulilan, dadaan ang NLEx sa Biyadukto ng Candaba (na opisyal na kilala bilang Tulay ng Pulilan–Apalit). Dadaan ang tulay sa mga palayan na matatagpuan sa loob ng mga bayan ng Pulilan, Calumpit at Apalit, at Ilog Pampanga bago matapos ang biyadukto. Tutuloy ang mabilisang daanan padiretso, dadaan sa mga pook-serbisyo ng Total at Caltex, Labasang San Simon, Ilog Abacan, Ilog San Fernando, Kalye Cosunjumi, at Palitang San Fernando. Makikita ang SM City Pampanga at Robinsons Starmills Pampanga mula sa bahaging ito ng mabilisang daanan.

Bahaging San Fernando-Santa Ines

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahaging pang-apatan na NLEx sa Pampanga.
Isang daang pang-ibabaw sa Labasang SCTEx, bago ang pagpapalawak noong 2016.

Pagkaraan ng Labasang San Fernando, kikipot sa apat na mga landas (dalawa kada direksiyon) ang NLEx. Tutuloy ito bilang isang diretsong daanan, at dadaan ito sa Paskuhan Village, Petron Lakeshore, Labasang Mexico, mga daang pang-ibabaw ng Acle at Biyabas, patimog na pook-serbisyo ng Shell, Raslag Solar Power Plant, Ilog Abacan at Ilog Quitangil, Labasang Angeles (dating kalahating trebol na palitan), Marquee Mall, dating kinaroroonan ng Tarangkahang Pambayad ng Dau, Tulay ng Sapang Bago, mga labasan ng Dau at SCTEx, at Daang Mawaque. Nagtatapos ito sa Palitang Santa Ines, na may kasamang tarangkahang pambayad upang magsilbing labasan. Dating pandalawahang daan ang bahaging SCTEX-Santa Ines ngunit naipalawak na ito sa apat na mga landas.

Daang Sangay ng Tabang

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Dulo ng Tabang Spur Road

Ang Daang Sangay ng Tabang (Tabang Spur Road) ay isang daang sangay ng North Luzon Expressway palabas ng pangunahing pagkakalinya ng mabilisang daanan at patungong Lansangang MacArthur sa Labasan ng Guiguinto. Ang kabuoan ng daang sangay ay nasa loob ng bayan ng Guiguinto. Nagsisimula ito sa isang palitan kasama ang Lansangang MacArthur at dadaan sa Tarangkahang Pambayad ng Tabang, kung saang matatagpuan ang mga tanggapan ng Tollways Management Corporation. Pagkaraan, tatawirin ito ang Ilog Guiguinto sa pamamagitan ng Tulay ng Guiguinto at pagkaraan ng ilog ay isang daang pang-ibabaw. Tutuloy ang daan pasilangan at tatawid dito ang isa pang daang pang-ibabaw na nangangalang Tabe 1 Overpass. Bahagyang liliko ito pakaliwa pagkaraan ng daang pang-ibabaw at tatawid nito ang dati at nakatiwangwang na linyang sangay ng PNR papuntang Cabanatuan at Ilog Sapang Ugong sa pamamagitan ng mga dating tulay ng PNR at Sapang Ugong. Liliko nang pasilangan ang daan para sa mga sasakyang papuntang timog at pakanluran para sa mga papasok sa daang sangay, kung saang nagtatapos ito at papasok sa Pangunahing NLEX.

Dinala nito ang huling bahagi ng NLEx (noo'y North Diversion Road) hanggang sa pinahaba ang ruta patungong Angeles noong 1976.

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Mindanao Link (Bahaging 8.1) ng NLEx patungong Palitan ng Smart Connect sa kanluran.

Ang Mindanao at Karuhatan Link (mga Bahaging 8.1 at 9 ng NLEX) ay nagsisimula sa Lansangang MacArthur sa Valenzuela kung saan ang ugnay sa Bahaging 10 ng NLEX sa hinaharap ay itatayo. Aabutin nito ang Tarangkahang Pambayad ng Karuhatan at tutuloy pasilangan hanggang babagtasin nito ang Pangunahing NLEX sa Palitan ng Smart Connect. Ang lebel ng isang daan ay bababa pagkaraan ng palitan. Dadaan ito sa Kalye Que Grande, kung saan matatagpuan ang daang pang-ibabaw nito. Papasok ito sa Lungsod Quezon, at matatagpuan dito ang isa pang daang pang-ibabaw at paglampas nito ay ang Tarangkahang Pambayad ng Mindanao Avenue. Pagkaraan ng tarangkahang pambayad, magkakalinya ito sa Detour Road at tatapos sa Abenida Mindanao.

Bahaging 10 (Segment 10)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bahaging Sampu (Segment 10) ay isang naka-angat na mabilisang daanan na nagsisimula sa Bahaging 9 sa Valenzuela, at nagtatapos sa Daang C-3 sa Caloocan. Karamihan sa daan ay gumagamit ng umiiral na karapatan sa daan ng daambakal sa Caloocan, Malabon, at Valenzuela. Kaya umaabot ang taas nito sa 19 na metro (62 talampakan) upang magbigay ng espasyong-pahintulot o clearance para sa naka-angat na Daambakal ng Maynila–Clark.

Nagsisimula ang NLEX Harbor Link sa Labasan ng Karuhatan karugtong ng Bahaging 9. Ang bahaging malapit sa hilagang dulo ay dumadaan sa pook-pang-industriya at pook-pampamahayan kaya kinailangang gibain ang maraming mga kabahayan, gusali, at bodega. Susundan nito ang karapatan sa daan ng daambakal kung saang aakyat ito upang magbigay ng kinakailangang pahintulot sa lupa para sa biyaduktong nagdadala ng Daambakal ng Maynila–Clark sa hinaharap. Paglampas ng Daang Samson at ng mga tindahan ng bagon ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas sa Caloocan, pupunta sa kanan ng daanan ng daambakal ang NLEX Harbor Link, kaya kinailangan ding gibain ang marami pang mga kabahayan at gusali, kasama ang isang pampook na palengke. Nagtatapos ang mabilisang daanan sa isang palitan karugtong ng Daang C-3, kalakip ng natapos nang mga usbong upang madugtong sa landas na sangay sa C-3 na itinatayo pa, at sa NLEx-SLEx Connector Road sa hinaharap.

Mga panghinaharap na pagpapalawak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang NLEx Segment 8.2 ay magiging isang 7.85 kilometrong bahagi ng NLEx na mag-uugnay ng Segment 8.1 patungong Daang C-5 at Abenida Commonwealth. Unang maglilinya ang nakapanukalang bahagi sa Abenida Republic bago lumiko sa timog sa Abenida Luzon, at pagkaraan ay mag-uugnay ito sa Abenida Commonwealth. Kasama sa bahaging ito ang dalawang mga palitan sa mga Abenidang Mindanao at Regalado, isang ugnayang rotonda sa Abenida Kongresyonal, at tatlong mga lokal na bagtasan sa daan sa Lansangang Quirino at mga Abenidang Sauyo at Chestnut.[4] Inaasahan na pagkakompleto nito, malaki ang maitutulong nito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Abenida Commonwealth at Abenida Quezon - ang kinagisnang ruta ng mga motorista na galing sa hilagang-kanluran ng Kalakhang Maynila. Makakapagtipid din ito ng oras ng paglalakbay at gasolina sa mga sasakyan at makapagbabawas ito ng pagkaupod at pagkaluma sa mga sasakyan.

Ang itinatayong Segment 10 ng NLEx sa Sangandaan, Caloocan.

Ang NLEX Segment 10 ay isang 5.65 kilometrong nakaangat na mabilisang daanan na may apat na mga landas at tatakbo mula NLEX Karuhatan Link hanggang Daang C-3 karugtong ng R-10. Unang binuksan ito sa trapiko noong Marso 1, 2019, at matatapos ang bahaging R-10 pagsapit ng Enero 2020.

NLEX-SLEX Connector Road (Segment 10.2)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga panukala para sa pagtatayo ng isang nakaangat na mabilisang daanan na mag-uugnay ng NLEX sa South Luzon Expressway (SLEX).

Iniulat na tinanggap ng pamahalaan ang kusang panukala mula sa Metro Pacific Tollways Development Corp. (MPTDC) para magtayo ng 13.24 kilometrong daan. Ang MPTDC ay isang sangay ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) na nagpapatakbo ng NLEx.

Kilala bilang proyektong Connector Road, ang nakaangat na mabilisang daanan ay dadaan sa ibabaw ng mga riles ng Philippine National Railways hanggang sa matapos ito sa palitan nito sa Skyway Stage 3.

Magkokonekta ito sa Segment 10 sa hilaga at sa Skyway malapit sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa, Maynila sa timog. Pagnakompleto, magkakaroon ito ng apat na papasok at palabas na labasan: C-3 Road sa Caloocan, España at Quirino Avenue sa Maynila, at tatapos ito sa Labasan ng Skyway Stage 3 sa Santa Mesa, Maynila. Magbubukas ito sa trapiko sa Pebrero 2022.

Tinatayang aabot sa ₱17 bilyon ang halaga ng pagpapatayo ng proyekto, subalit bilang isang istrakturang "puro-nakaangat", ang halaga ng pagbibili ng lupaing right-of-way ay mababawas sa tinatayang ₱2.41 bilyon. Inaasahan na sisimulan ang pagtatayo kapag naitayo na ang Segment 10.

Binubuo ito ng tatlong bahagi na may tinatayang haba na 58 km, mula San Simon, Pampanga hanggang Dinalupihan, Bataan. Kokonektahin nito ang NLEX sa Subic Freeport Expressway sa Subic Bay Freeport Zone.

Sistema ng pagbabayad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tarangkahang Pambayad ng Bocaue.
Looban ng Tarangkahang Pambayad ng Balintawak.

May dalawang seksyion ang mabilisang daanan: ang seksyiong bukas (open section) at seksyiong nakasara (closed section).[5] Ang seksyiong bukas (sa loob ng Kalakhang Maynila) ay nagkakarga ng pantay na bayarin batay sa uri ng sasakyan (vehicle class). Ginagamit ang sistemang ito para mabawasan ang dami ng mga tarangkahang pambayad o toll barrier (at ng mga kaugnay nitong balakid pantrapiko) sa loob ng Kamaynilaan. Ang seksyiong nakasara ay nakabatay sa layo (o distansiya), at nagsisingil ito batay sa uri ng sasakyan at nilakbay na layo. Noong minodernisa ang mabilisang daanan, inumpisa ang isang sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng mga bayad (electronic toll collection o ETC) para sa mga sasakyang Class 1 upang maipabilis ang mga transaksyon sa mga toll booth. Sa kabilang banda, mga prepaid magnetic card naman ang itinakda para sa mga sasakyang Class 2 at 3. Ang mga ito ay pinalitan na ngayon ng isang pinagsamang sistemang ETC na pinapatakbo ng Easytrip Services Corporation. Magmula noong Oktubre 1, 2011, lahat ng mga bayarin (na pinapakita sa ibaba) ay may kasamang 12% VAT (Value Added Tax).

Uri ng Sasakyan Sistemang bukas
(Balintawak-Marilao)
Sistemang nakasara
(Bocaue-Sta.Ines)
Class 1
(Mga kotse, motorsiklo, SUV, dyipni)
45 ₱2.66/km
Class 2
(Mga bus, magaan na trak)
₱114 ₱6.66/km
Class 3
(Mga mabigat na trak)
₱136 ₱8.00/km

Mga kompanyang magkasosyo sa NLEx

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga numero ng mga labasan ay nakabatay sa kilometer post. Nagsisimula ang mga labasan sa Km 9 sapagkat ang NLEx ay isang pisikal na karugtong ng Abenida Bonifacio. Itinakda ang Liwasang Rizal bilang Km 0. Kasama sa mga nakatala rito ang mga pook pahingahan at serbisyo.

North Luzon Tollway/NLEX Main

[baguhin | baguhin ang wikitext]


RehiyonLalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Kalakhang MaynilaLungsod Quezon95.6Palitan ng Balintawak N1 (EDSA) / AH26 – CubaoTimog na dulo ng mabilisang daanan. Tumutuloy bilang Abenida Andres Bonifacio (N160). Madudugtungan sa hinaharap ng Metro Manila Skyway Stage 3.
95.6Novaliches N127 (Lansangang Quirino)Pahilagang labasan at patimog na pasukan.
Caloocan106.2Libis BaesaLibis, BaesaPatimog na labasan lamang.
106.2Manila North Expressway: Tarangkahang Pambayad ng Balintawak (kabayarang pansalapi) (1968–2005, tinanggal)
106.2Tarangkahang Pambayad ng Balintawak (May toll plaza A at toll plaza B. Easytrip at kabayarang pansalapi. Pahilaga lamang.)
Valenzuela116.811Palitan ng Smart Connect E5 (NLEX Mindanao Avenue/Karuhatan Link) – Mindanao Avenue, ValenzuelaPalitang hugis dahon ng Clover
148.7Mapulang LupaMapulang Lupa, Paso de Blas, ParadaPahilagang labasan lamang. Tinanggal.
159.315Paso de Blas (Valenzuela) N118 (Daang Paso de Blas) – Paso de Blas, Maysan, Bagbaguin, NovalichesPalitang diyamante
169.9Caltex Valenzuela NLEX (patimog)
171117Lawang BatoLawang Bato, PunturinPahilagang labasan lamang.
Magiging Labasang Canumay sa hinaharap.
171117LingunanLingunan, Canumay, Lawang BatoPatimog na labasan lamang.
Gitnang LuzonBulacanMeycauayan191219LibtongPahilagang labasan lamang.
201220Meycauayan N117 (Daang Malhacan, Daang Iba) – MeycauayanPalitang nakatuklap na diyamante
211321PandayanPandayanPatimog na labasan lamang.
Marilao231423Marilao (tinanggal)MarilaoPahilagang labasan lamang. Pinalitan ng panibagong labasan gamit ang parehong pangalan ilang metro sa hilaga.
231423MarilaoMarilaoPalitang nakatuklap na diyamante
2415Palitang NLEX-C6Magdudugtong sa ipinapanukalang C6 expressway. Uri ng palitan ay hindi pa tukoy.
Bocaue261626Ciudad de VictoriaBocaue, Santa MariaBahagyang nakabukas. Nag-uugnay papuntang Ciudad de Victoria at nagsisilbing panandaliang ruta papuntang Santa Maria. Kasalukuyang itinatayo ang karagdagang mga daan patungo sa palitan.
2616Ciudad de VictoriaPahilagang labasan lamang. Pinalitan ng kasalukuyang Labasan ng Ciudad de Victoria.
2817Tarangkahang Pambayad ng Bocaue (May toll plaza A at toll plaza B. Easytrip at kabayarang pansalapi. Patimog lamang.)
281727BocaueBocaue, Santa MariaPalitang nakatuklap na diyamante
TambubongTaal, Tambubong (Bocaue), Santa MariaWalang rampa sa labasang patimog. Binuksan magmula noong Marso 13, 2020.
3019Petron Bocaue NLEX (patimog)
Balagtas3019Palitang Balagtas-NFExNakasarang palitan. Ang paggawa ay pansamantalang itinigil noong 2011 dahil sa mga pagkakaantala sa paggawa sa mga proyekto sa lugar.
3119Shell Balagtas NLEX (pahilaga)
322032Tabang N1 / N2 (Lansangang MacArthur) – Tabang, Guiguinto, MalolosPalitang kalahating-Y. Pahilagang labasan at Patimog na pasukan.
332134BalagtasBalagtasPalitang kalahating-Y. Pahilagang labasan at Patimog na pasukan.
Guiguinto3622Palitang NLEx-NLEExNagdudugtong sa ipinapanukalang provincial spur road ng North Luzon East Expressway. Uri ng palitan ay hindi pa tukoy.
3723Shell of Asia (pahilaga)
382438Santa RitaPlaridel, Baliwag, CabanatuanPalitang nakatuklap na diyamante. Hilagang dulo ng pagkakasabay ng ruta ng AH26.
Plaridel4226Petron NLEX Plaridel (pahilaga)
Pulilan452845Pulilan N115 (Daang Panrehiyon ng Pulilan) – Pulilan, Calumpit, Baliwag, MalolosPalitang diyamante
Hangganan ng Pulilan - ApalitTulay sa taas ng Ilat Candaba
PampangaApalit5534Total (Apalit NLEX northbound)
San Simon563556San SimonSan Simon, Santo TomasPalitang diyamante
San Fernando6239Caltex San Fernando NLEX (patimog)
654065San Fernando N3 (Abenida Jose Abad Santos) – San Fernando, Olongapo, Mexico, Gapan, Pampanga's BestKalahating palitang hugis dahon ng clover at kalahating palitang nakatuklap na diyamante. Patungong SM City Pampanga at Sky Ranch Pampanga.
Mexico7144Petron Mexico NLEX (pahilaga)
724572MexicoMexico, Dalisdis (Mexico), Panipuan (San Fernando)Palitang trumpeta.
Angeles815081Angeles (nakasara)Angeles, MagalangPalitang kalahating-trebol, umiral mula 1984 hanggang sa giniba ito noong 2005. Pinalitan ito ng kasalukuyang labasan na ilang metro lamang sa hilaga.
815081AngelesAngeles, MagalangPalitang trumpeta, patungong Marquee Mall.
Mabalacat8251Tarangkahang Pambayad ng Dau (tinanggal)
835283Dau Exit N215 (Dau Access Road) – Dau, MabalacatPalitang trumpeta.
855385SCTEX E1 / E4 (SCTEX) – Clark Airport, Lungsod ng Tarlac, Baguio, SubicPalitang kalahating T/kalahating trumpeta./kalahating Y. Pahilagang labasan at patimog na pasukan. Magiging palitang trumpeta sa hinaharap.
8754Tarangkahang Pambayad ng Santa Ines (Easytrip at kabayarang pansalapi, mula Marso 18, 2016)
885588Santa Ines N213 (Daang Mabalacat–Magalang) – Clark Airport, Baguio (sa pamamagitan ng Concepcion), LuisitaHilagang dulo ng mabilisang daanan
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       Pagkakasabay ng ruta
  •       May toll
  •       Pagbabago sa ruta
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tarangkahang Pambayad ng Mindanao Avenue sa NLEx-Mindanao Link.


LalawiganLungsod/BayankmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
Lungsod Quezon N128 (Mindanao Avenue)Silangang dulo ng mabilisang daanan. Dugtungan ng NLEX Segment 8.2 sa hinaharap.
Tarangkahang Pambayad ng Mindanao Avenue (Easytrip at kabayarang pansalapi)
ValenzuelaPalitan ng Smart Connect E1 (NLEX) – Manila, BaguioPalitang hugis dahon ng Clover na may mga landas na kolektor.
Captain CruzParada, MaysanPakanluran lamang.
M. Delos ReyesKaruhatan, ParadaPasilangan lamang.
Tarangkahang Pambayad ng Karuhatan (Easytrip at kabayarang pansalapi. Pasilangan lamang.)
Karuhatan N1 (MacArthur Highway)Palabas sa Karuhatan, Valenzuela patungong Lansangang MacArthur.
CaloocanC-3 Road N130 (Daang C-3)Kanlurang dulo ng mabilisang daanan. Dumurugtong sa NLEX Segment 10.1 at sa NLEX Segment 11/Connector Road ng hinaharap.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       May toll
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Daang Sangay ng Tabang (Tabang Spur Road)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tarangkahang Pambayad ng Tabang

Ang buong ruta matatagpuan sa Guiguinto

kmmiLabasanPangalanMga paroroonanMga nota
N1 (MacArthur Highway)Kanlurang dulo ng Daang Sangay ng Tabang. Hangganan ng mabilisang daanan
Tarangkahang Pambayad ng Tabang (Easytrip at kabayarang pansalapi)
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       May toll

Mga Labasan sa Hinaharap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
KM# Labasan Uri ng Palitan Lugar Mga karagdagang detalye
TBD NLEx–SLEx Connector: Quirino Exit Ramp Maynila  Ito ang magiging Entry/Exit Ramp sa Abenida Quirino, Paco, Maynila. Ang labasang ito ay nagdadala ng mga motorista sa karaniwang paglilinya ng hilagang karugtong ng Ikatlong Yugto ng Skyway na daraan sa ibabaw ng Daang C-2, ilang bahagi ng Lansangang Osmeña, at papuntang South Luzon Expressway; maaari na ito ay may kaunting labasan at dahil diyan isa itong mas-mabilis na ruta.
TBD
NLEX Connector (Segment 11)
España Toll Plaza Ang tarangkahang pambayad na ito ay nasa NLEX Connector. Ito ang magiging Entry/Exit Ramp sa Abenida Rizal, Santa Cruz, Maynila. Ang labasang ito ay nagdadala ng mga motorista patungo sa hilagang ekstensyon ng Metro Manila Skyway na dadaan sa ibabaw ng Daang C-2, ilang bahagi ng Lansangang Osmeña, at papuntang South Luzon Expressway; maaari na ito ay may kaunting labasan at dahil diyan ay mas-mabilis na ruta.
TBD NLEx–SLEx Connector: España Exit Ramp Ito ang magiging Entry/Exit Ramp sa Bulebar Espanya, Sampaloc, Maynila. Ang labasang ito ay nagdadala ng mga motorista patungo sa hilagang ekstensyon ng Metro Manila Skyway na dadaan sa ibabaw ng Daang C-2, ilang bahagi ng Lansangang Osmeña, at papuntang South Luzon Expressway; maaari na ito ay may kaunting labasan at dahil diyan ay mas-mabilis na ruta.
TBD C-3 - Caloocan Interchange Direksiyonal T Caloocan (South)
TBD
NLEx Segment 10
Malabon Exit Ramp Ito ang magiging Entry/Exit Ramp sa Daang C-3, Abenida Dagat-Dagatan, Caloocan
TBD
NLEx Segment 10
Navotas Interchange Direksiyonal T Navotas
TBD
NLEx Segment 10
Radial Road 10 Toll Plaza Ang tarangkahang pambayad na ito ay nasa NLEx Segment 10.1.
TBD
NLEx Segment 10
Manila North Harbor Exit Ito ang magiging pasukan papuntang Manila North Harbor at Skyway sa pamamagitan ng NLEx Segment 11 o NLEx-SLEx Connector Road.
TBD
NLEx Segment 8.2
Regalado Toll Plaza Lungsod Quezon Ang tarangkahang pambayad na ito ay nasa NLEx Segment 8.2. Papalitan nito ang kasalukuyang Tarangkahang Pambayad ng Mindanao Avenue kapag natapos na ang NLEx Segment 8.2 sa hinaharap.
TBD
NLEx Segment 8.2
Congressional/Luzon Avenue Exit (Dulo ng mabilisang daanan) Ang labasang ito ay nasa dulo ng NLEx Segment 8.2/NLEX–C5 Link, ito ay papuntang C-5 Congressional/Luzon Avenue.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/PPP/projs/NLEX_harbor_link
  2. https://pncc.ph/projects_slex.htm
  3. "MNTC to start P2.6-B NLEX road-widening project this month". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-03-03 sa Wayback Machine.
  4. "MNTC". Manila North Tollways Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2017. Nakuha noong 15 Oktubre 2017. {{cite web}}: Text "Projects" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 16 October 2017[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-09. Nakuha noong 2017-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]