[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kalye Pioneer

Mga koordinado: 14°34′19″N 121°3′14″E / 14.57194°N 121.05389°E / 14.57194; 121.05389
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalye Pioneer
Pioneer Street
Impormasyon sa ruta
Haba1.6 km (1.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa timog-kanluran N1 / AH26 (EDSA) sa Barangka Ilaya, Mandaluyong
 
  • Kalye Reliance
  • Kalye United
Dulo sa hilaga-silangan N141 (Bulebar Shaw) sa Kapitolyo at San Antonio, Pasig
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Kalye Pioneer (Ingles: Pioneer Street) ay isang tagapagpatuloy ng Abenida Boni sa silangan ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) sa silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang haba nito ay 1.6 kilometro (o 1.0 milya). Sa malaking bahagi ng kahabaan nito, mayroon itong apat na linya (dalawa sa bawat direksyon) at sinasaklaw ang ruta mula sa sangandaan nito sa EDSA sa Barangka Ilaya, Mandaluyong (kung saan mangagaling ang trapiko mula sa tunel ng Abenida Boni), hanggang sa silangang dulo nito sa Bulebar Shaw sa hangganan ng mga barangay Kapitolyo at San Antonio sa Pasig, kalapit ng Sentrong Ortigas. Pagdaan nito, dadaan ito sa Robinsons Cybergate Complex kung saan matatagpuan ang gusaling pamilihan ng Forum Robinsons;[1] mga planta ng United Laboratories (UNILAB); at Greenfield District, isang mixed-use development sa timog ng Sentrong Ortigas sa may sangandaan nito sa Bulebar Shaw.[2] Ang Kalye Pioneer ay kinaroroonan din ng ilang bagong itinatayong kondominyum, mga sityo ng lunduyang pantawag, at ilang strip mall.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Robinsons Cybergate Complex comes alive". The Philippine Star. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "About GDC". Greenfield Development Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-30. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°34′19″N 121°3′14″E / 14.57194°N 121.05389°E / 14.57194; 121.05389