[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pagkatuto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagkatuto ay ang paglinang at pagpapalakas ng kasalukuyang kaalaman, gawi, kakayahan, kaugalian, o kagustuhan at maari ring may pagsama-sama ng iba't ibang uri ng impormasyon. Ang abilidad na matuto ay maaari lang gawin ng mga tao, hayop at ilang mga makina. Ang pag-unlad sa loob ng isang panahon ay sumusunod sa kurba ng pagkatuto. Hindi ito nangyayari nang sabay-sabay, ngunit ito ay lumalaki at nahuhulma mula sa lumang kaalaman. Ang pagkatuto ay isang proseso imbis na koleksyon ng katotohanan at prosidyural na kaalaman. Ang pagkatuto ay lumilikha ng pagbabago sa mga organismo at ang mga pagbabagong  ito ay nagiging permanente.

Ang pagkatuto ng tao ay maaaring bahagi ng edukasyon, pansariling pag-unlad, pagaaral, o paglinag ng kakayahan. Ito ay maaaring nakatuon sa layunin at maaaring may kasama na motibasyon. Ang pag-aaral sa kumg papaano mamgyari ang pagkatuto ay kasama sa sikolohiyang pangedukasyon, sikolohiyang pangneurolohiya, teorya ng pagkatuto at pedagogy. Ang pagkatuto ay maaaring mapabilang sa resulta ng paulit-ulit na gawain o pagkukundisyon na makikita sa maraming uri ng hayop, o resulta ng mas komplikadong aktibidad tulad ng paglalaro na makikita lamang sa matatalinong hayop.

Ang pagkatuto ay maaaring mang yari nang may kamalay o wala. Ang pagkatuto na hindi maiiwasan o matatakbuhan ang mahirap o masakit na pangyayari ay tawag sa pagkatutong hindi sinasadya o learned helplessness.