Kaalaman
Ang kaalaman ay ang pagkilala, kamalayan, at pag-unawa sa isang bagay, tulad ng katotohanan (kaalamang paglalarawan), kasanayan (kaalamang prosidyural), o bagay (kaalamang pagkilala). Madalas, nakukuha ang kaalaman sa iba't ibang paraan at pinanggalingan. Kabilang sa mga ito ang persepsyon, dahilan, alaala, testimonya, maagham na pag-aaral, edukasyon, at pagsasanay. Epistemolohiya naman ang tawag sa pilosopikal na pag-aaral sa kaalaman.
Maaaring tinutukoy ng kaalaman ang teoretikal o praktikal na pagkaunawa sa isang bagay.[1] Maaari itong panloob (tulad ng praktikal na kasanayan) o panlabas (tulad ng teoretikal na pagkaunawa); pormal o hindi; sistematiko o partikular. Katwiran ng pilosopong si Plato sa Theaetetus, may pagkakaiba ang kaalaman at tunay na paniniwala, na nagbigay-daan upang bigyan-kahulugan ang kaalaman bilang isang "makatuwirang tunay na paniniwala."[2][3] Ang problema ni Gettier, unang lumabas noong 1963, ang nagpalabas sa mga problema sa kahulugan na ito, at patuloy na itong pinagtatalunan sa larangan ng epistemolohiya simula noon.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "knowledge: definition of knowledge in Oxford dictionary (American English) (US)" [kaalaman: kahulugan ng kaalaman sa diksyunaryong Oxford (Amerikanong Ingles) (US)]. oxforddictionaries.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "The Analysis of Knowledge" [Pagsusuri sa Kaalaman]. Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 4, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paul Boghossian (2007). "7". Fear of Knowledge: Against relativism and constructivism [Takot sa Kaalaman: Laban sa relatibismo at konstraktibismo] (sa wikang Ingles). Oxford, Gran Britanya: Clarendon Press. pp. 95–101. ISBN 978-0199230419.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.