Nikola Tesla
Nikola Tesla | |
---|---|
Kapanganakan | 10 Hulyo 1856[1]
|
Kamatayan | 7 Enero 1943[1]
|
Mamamayan | Imperyo ng Austria (10 Hulyo 1856–1867)[2] Estados Unidos ng Amerika (30 Hulyo 1891–7 Enero 1943)[2] |
Nagtapos | Gymnasium Karlovac[2] Technische Universität Graz[2] Pamantasang Carlos sa Praga |
Trabaho | imbentor,[2] electrical engineer,[2] pisiko[2] |
Asawa | none[2] |
Pirma | |
Si Nikola Tesla (10 Hulyo 1856 – 7 Enero 1943) ay isang imbentor, inhinyerong mekanikal at elektrikal. Malimit siyang tinatanaw bilang isa sa pinakamahahalagang mga tapag-ambag sa pagsilang ng pangkomersiyong kuryente at higit na kilala dahil sa kanyang "mapanghimagsik" na mga pagpapaunlad sa larangan ng elektromagnetismo noong huling bahagi ng ika-19 daang taon at maagang bahagi ng ika-20 daang taon. Ang mga patente at mga gawang teoretiko ni Tesla ang bumuo sa batayan o basihan ng makabagong mga sistema ng lakas ng kuryente ng nagpapalitang saloy o daloy (alternating current o AC sa Ingles), kabilang ang sistema ng maramihang yugto (polyphase system sa Ingles) ng pagpapakalat o distribusyon ng elektrisidad at ng motor na AC, kung saan nakatulong siya sa paglulunsad ng Ikalawang Rebolusyong Industriyal.
Links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- NikolaTesla.fr - More than 13,800 documents on Tesla
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Inhenyeriya at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.