[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lee Kuan Yew

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lee Kuan Yew
李光耀
Ministrong Tagapagpayo
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
12 Agosto 2004
PanguloS.R. Nathan (1999-Kasalukuyan)
Punong MinistroLee Hsien Loong (2004-Kasalukuyan)
Nakaraang sinundanNilikha ang puwesto
KonstityuwensyaKonstityuwensya Pangkat ng Kinatawan ng Tanjong Pagar (Tanjong Pagar)
Unang Punong Ministro ng Singapura
Nasa puwesto
3 Hunyo 1959 – 28 Nobyembre 1990
PanguloYusof bin Ishak (1965-1970)
Benjamin Henry Sheares (1970-1981)
C.V. Devan Nair (1981-1985)
Wee Kim Wee (1985-1993)
DiputadoToh Chin Chye (1959 to 1968)
Goh Keng Swee (1968-1984)
S. Rajaratnam (1980-1985)
Goh Chok Tong (1985-1990)
Ong Teng Cheong (1985-1990)
Nakaraang sinundanNilikha ang puwesto
Sinundan niGoh Chok Tong
Nakakatandang Ministro
Nasa puwesto
28 Nobyembre 1990 – 12 Agosto 2004
PanguloWee Kim Wee (1985-1993)
Ong Teng Cheong (1993-1999)
S.R. Nathan (1999-Kasalukuyan)
Nakaraang sinundanS. Rajaratnam
Sinundan niGoh Chok Tong
Personal na detalye
Isinilang16 Setyembre 1923
Singapura, Imperyong Briton
Yumao23 Marso 2015(2015-03-23) (edad 91)
Singapura
Partidong pampolitikaPeople's Action Party (Partido ng Kilos ng Tao)
AsawaKwa Geok Choo
AmaChua Jim Neo
InaLee Chin Koon
Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay 李 (Li).

Si Lee Kuan Yew, GCMG, CH (Tsino: 耀; pinyin: Lǐ Guāngyào; POJ: Lí Kng-iāu; ipinanganak 16 Setyembre 1923; binabaybay din bilang Lee Kwan-Yew - 23 Marso 2015) at kilala rin bilang ang Ang Ama ng Singapore ay ang unang Punong Ministro ng Republika ng Singapore simula 1959 hanggang 1990. Siya ang gumawa sa Singapore mula sa mahirap na bansa tungo sa isang mayamang bansa at tinitingala ng napakaraming Pinuno sa buong mundo sa husay ng kanyang pamumuno at katalinuhan. Siya ang kapwa tagapagtatag at Unang Kalihim Heneral ng People's Action Party (PAP). Kanyang pinamunuan ang kanyang partido sa walong pagkapanalo sa halalan mula 1959 hanggang 1990. Pinamahalaan niya ang paghihiwalay ng Singapore sa Pederasyon ng Malaysia noong 1965.

Sa ilalim ng pamamahala ng pangalawang punong ministro ng Singapore na si Goh Chok Tong, nagsilbi si Lee Kuan Yew bilang Nakakatandang Ministro. Hinahawakan niya sa kasalukuyan ang puwestong Ministrong Tagapagpayo na nilikha ng kanyang anak na si Lee Hsien Loong, na naging pangatlong punong ministro ng Singapura noong 12 Agosto 2004.

Ayon sa kanyang sariling talambuhay, si Lee ay isang ikaapat na henerasyong Singaporeano. Ang kanyang lolo sa tuhod na Hakka na si Lee Bok Boon na ipinanganak noong 1846 ay lumipat mula sa Dapu County, probinsiyang Guangdong sa Tsina tungo sa Singapore noong 1863. Pinakasalan nito ang anak ng tindero na si Seow Huan Nio ngunit bumalik sa Tsina noong 1882 na nag-iwan sa kanyang asawa at tatlong anak. Itinayo ni Lee Bok Boon ang isang munting manor sa kanyang bayan at bumili ng manadarinate ngunit namatay pagkatapos ng 2 taon ng kanyang pagbabalik. Ang ama ni Lee Kuan Yew ay si Lee Hoon Leong na ipinanganak sa Singapore noong 1871 at nasa ilalim ng pananakop ng British. Siya ay nag-aral ng Ingles sa Raffles Institution hanggang standard V na katumbas ngayon ng mababang paaralang segundaryo sa Singapore ngayon. Si Lee Hoon Leong ay nagtrabaho bilang dispenser, isang hindi kwalipikadong parmasista at kalaunang isang purser sa steamship ng Heap Eng Moh Shipping Line na pag-aari ng negosyanteng si Oei Tiong Ham. Habang nagtatrabaho bilang isang purser, pinakasalan ng 26 taong gulang na si Lee Hoon Leong ang 16 taong gulang na si Ko Liem Nio sa Semarang, Java, Indonesia. Ito ay isang iisinaayos na kasal na kustombre noon.

Ang kayamanan ng mga ninuno ni Lee Kuan Yew ay labis na bumagsak noong Dakilang Depresyon at ang kanyang amang si Lee Chin Koon ay naging isang mahirap na tindero. Tulad ni Lee, ang kanyang kapatid na si Dennis ay nagbasa ng batas sa University of Cambridge, at nagtayo ng isang law firm, Lee & Lee at kalaunang pumasok sa politika. Ang kapatid ni Lee na si Freddy ay naging isang stockbroker at ang isa pang kapatid na si Suan Yew ay nagbasa ng medisina sa University of Cambridge.

Si Lee ang kanyang asawang si Kwa Geok Choo ay ikinasal noong 30 Setyembre 1950. Nag-aral si Lee ng Wikang Tsino noong 1955 gayundin ng wikang Hapones at naging tagapagsalin noong pananakop ng Hapon sa Singapore. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalake at isang anak na babae. Si Kwa Geok Choo ay namatay noong 2 Oktubre 2010. Ang panganay na anak ni Lee na si Lee Hsien Loong na isang dating Brigadier-General ay naging Punong Ministro ng Singapore noong 2004. Si Lee Hsien Loong ay nag-aral sa University of Cambridge ng matematika at computer science.

Bilang Punong Ministro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Lee Kuan Yew ay may tatlong pangunahing pinag-ukulan: pambansang seguridad, ekonomiya at mga isyung panlipunan.

Pambansang seguridad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagiging marupok ng Singapore ay malalim na nadama na may mga banta kabilang ang mga komunista at Indonesia sa pananaw na komprontatsyon nito. Sa pagpasok ng Singapore sa United Nations, mabilis na hinangad ni Lee ang internasyonal na pagkilala sa kalayaan ng Singapore. Kanyang idinekalra ang isang patakaran ng neutralidad at hindi-paglinya na sumusunod sa modelong Switzerland. Sa parehong panahon, hiniling ni Lee kay Goh Keng Swee na palakihin ang Singapore Armed Forces (SAF) at humiling ng tulong mula sa ibang mga bansa gaya ng Israel para sa payo, pageensayo at mga pasilidad. Ipinakilala ni Lee ang konskripsiyon kung saan ang lahat ng mga may kakayahang lalakeng mamamayang Singaporean na 18 taong gulang pataas ay kailangang maglingkod sa National Service (NS) sa Singapore Armed Forces, Singapore Police Force o Singapore Civil Defence Force. Ang Singapore ay palaging nirarangguhan sa itaas na limang posisyon sa Global Competitiveness Report sa pagiging maasahan ng serbisyong kapulisan. Ang Singapore ay palaging nirarangguhan bilang ang pinakaligtas na bansa sa buong mundo.

Mga patakaran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad ng maraming mga bansa, ang Singapore ay may problema sa korupsiyon. Ipinakilala ni Lee ang isang batas na nagbibigay sa Corrupt Practices Investigation Bureau (CPIB) ng mas malaking kapangyarihan upang dakpin, hanapin, tumawag ng mga saksi at imbestigahan ang mga bank account at mga income-tax return ng mga pinaghihinalaang tiwali at kanilang mga pamilya.[1]

Naniwala si Lee na ang mga ministro ng pamahalaan ay dapat mahusay na nasasahuran upang mapanatili ang malinis at tapat na pamahalaan.

Noong mga huling 1960, nabahala si Lee na ang lumalaking populasyon ng Singapore ay maaaring magpabigat sa umuunlad na ekonomiya at sinimulan ang isang kampanyang pagpaplano ng pamilya na Stop at Two. Ang mga mag-asawa ay hinikayat na magpakapon pagkatapos ng kanilang ikalawang anak. Ang ikatlo o ikaapat na mga anak ay binigyan ng mas mababang mga prioridad sa edukasyon at ang gayong pamilya na higit sa dalawa ang anak ay nakatanggap ng mas kaunting mga ekonomikong tax rebate.

Nakilala ni Lee na ang Singapore ay nangailangan ng isang malakas na ekonomiya upang makapagpatuloy bilang isang malayang bansa. Kanyang inilunsad ang isang programa na gawing industriyalisado ang Singapore upang baguhin ito sa isang pangunahing tagapagluwas ng natapos na kalakal. Kanyang hinikayat ang pamumuhunan ng dayuhan at nakuha ang mga kasunduan sa pagitan ng mga unyon ng manggagawa at pangangasiwang pangnegosyo upang masiguro ang kapayapaan sa paggawa at tumaaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa. Kanyang pinabuti ang mga serbisyong pangkalusugan at welfare at binigyang diin niya ang pangangailangan ng pakikipagtulungan, disiplina, at paghihigpit sa paggastos at pagtitipid sa bahagi ng mga aberaheng mamamayang Singaporean.[2]

Patakaran hinggil sa populasyon ng Singapore

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa takot ni Lee na ang lumalagong populasyon ng Singapore ay maging pabigat sa umuunlad na ekonomiya, sinimulan niya ang kampanya ng pagpaplano ng pamilya na "Tumigil sa Dalawa". Ang mga mag-asawa ay hinikayat na magpa-kapon pagkatapos ng ikalawang anak. Ang ikatlo o ikaapat na anak ay bibigyan ng mas mababang prioridad sa edukasyon at tatanggap ng kakaunting mga rebate na ekonomiko. Noong 1983, hinikayat ni Lee na ang mga lalake sa Singapore ay dapat lamang pumili ng mga babaeng may mataas na edukasyon. Nabahala siya sa dami ng mga lalake na hindi kasal. Ang ilang mga seksiyon ng populasyon lalo na ang mga babaeng tapos ng kolehiyo ay nabahala sa pananaw ni Lee. Ang isang ahensiya na nagtutugma sa magkasintahan ay nilikha para sa mga tapos ng kolehiyo, ang Social Development Unit (SDU). Sa programa ng Mga Tapos sa Kolehiyong Ina, ipinakilala ni Lee ang mga pagpapahimok o insentibo gaya ng mga rebate sa buwis, libreng pag-aaral at mga prioridad sa pabahay para sa mga inang tapos kolehiyo na may 3 o 4 na anak na nagbabaliktad sa nakaraang patakaran na "Tumigil sa Dalawa" noong dekada sisenta at sitenta. Noong mga 1985, ang patakaran ay naging matagumpay at ang panganganak ay sobrang baba kaya ang panghihimok ay nilapat pati sa lahat ng mga may asawang babae at nagdagdag pa ng mga karagdagang pagpapahimok sa tinatawag na Baby Bonus scheme.

Impluwensiya sa Pinuno ng Tsina na si Deng Xiaoping

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang dalawin ng Tsinong si Deng Xiaoping ang Singapore noong 1978, si Xiaoping ay humanga sa pag-unlad ng Singgapore sa ilalim ni Lee Kuan Yew mula sa isang mahirap na bansa at naging inspirasyon kay Xiaoping sa pagbubukas at modernisasyon ng ekonomiya ng Tsina. Si Xiaoping ang naglunsad sa Tsina noong 1978 mula sa isang planadong ekonomiya tungo sa isang ekonomiyang pamilihan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lee, Kuan Yew (2000). From Third World to First. HarperCollins Publishers, Inc. pp. 159–163, 647. ISBN 0-06-019776-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.britannica.com/EBchecked/topic/334621/Lee-Kuan-Yew
  3. https://money.cnn.com/2015/03/23/news/economy/lee-kuan-yew-singapore-china/