[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kapakanang pampubliko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Welfare)
Tumuturo rito ang kapakanan ng bayan. Para sa ibang diwa, basahin ang pagkamakabayan at pagkamakabansa.

Ang kapakanang pampubliko, kapakanang pangmadla, o kapakanang pambalana (Ingles: public welfare) ay ang tulong na pampubliko, maaaring panandalian, o gawaing pangkawanggawa[1] na natatanggap ng isang tao o mga tao na hindi makapaghanapbuhay upang kumita ng salapi, anuman ang dahilan. Dahil sa ganitong kalagayan, dito pumapasok ang pamamagitan at pagtulong ng mga programang pangtulong na pampubliko ng pamahalaan at serbisyong panlipunan (mga palingkurang panlipunan). Kabilang sa mga suliraning nilulunasan ng mga programang pangkapakanang pampubliko ang kawalan ng pagkain, kawalan ng matutuluyan at matutulugan, at kawalan ng pangangalagang pangkalusugan. Mayroong dalawang tungkulin ang tulong na pangmadla:

  • Ang mabigyan ang isang mag-anak o isang tao na makatanggap ng regular na kitang salapi kung ang lahat ng iba pang pagkakakitaan ay natigil o nabawasan kaya't hindi sapat upang makapamuhay.
  • Ang matulungan ang mag-anak o isang tao na maging mas malakas o matatag at maging mas makatayo sa sariling mga paa.[2]

Samakatuwid, ang pinagtutuunan ng pansin ng kapakanang pampubliko, kilala rin bilang gawaing pangkapakanan o sistemang pangkapakanan ay ang kapakanan[3] o kabutihan, prosperidad (kasaganaan), at pagsulong ng buhay o kabuhayan ng mga indibiduwal at ng mga mag-anak.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Welfare - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Welfare, Public". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), tomo para sa titik W, pahina 120.
  3. Blake, Matthew (2008). "Welfare, kapakanan". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.