[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Dayap

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Key lime
Ripe yellow Key lime
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Sapindales
Pamilya: Rutaceae
Sari: Citrus
Espesye:
C. aurantiifolia
Pangalang binomial
Citrus aurantiifolia
(Christm.) Swingle

Ang dayap (Citrus × aurantiifolia) ay isang hybrid ng citrus mula sa C. micrantha at C. medica. Ito ay may isang mabilog na prutas na  2.5 - 5 cm ang lapad. Ito ay dilaw kapag hinog ngunit karaniwang inaani habang ito ay kulay berde. 

Malapit sa dayap ay ang bilolo.[1]

Ang puno ng dayap ay ma palumpong at maraming tinik, at maaaring umabot ng 5 m ang tangkad. Marami itong sanga. Medyo mabilog ang dahon nito, at may habang 2.5–9 centimetro (0.98–3.54 pul)cm, kahawig ng dahon ng kahel (Citrus aurantium). Ito ang dahilan kung bakit ang siyentipikong pangalan ng dayap ay C. aurantifolia.

Ang mga bulaklak nito ay may lapad na 2.5 cm. Madilaw hanggang sa puti ang mga ito na may kaunting pagkakulay-purpura sa gilid. Buong taon namumulaklak at namumunga ang puno ng dayap, ngunit ito ay higit na mabunga mula Mayo hanggang Setyembre sa panghilagang hemispero.[2][3]

Paglilinang at pagpapalaganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bulaklak ng dayap.

Mahalagang mga factor ang klima at pagkahinog ng bunga sa pagtubo ng dayap. Kaya nitong tumubo sa mga lugar na may klimang mainit-init sa kahit anong buwan. Ang pagtubo nito ay pinakamahusay na mga maaraw na lugar na hindi bahain,[4][5] may mabuting sirkulasyon ng hangin, at may proteksyon mula sa malamig simoy ng hangin. Dahil mababaw ang mga ugat nito ay mainam na itanim sa mabatong lupa upang magkaroon ang mga ito ng mas magandang kapit. Mainam din ang pagtabas ng mga labis na sanga upang mapaganda ang pag-ikot ng hangin.[6]

Depende ang ani ng puno sa edad nito. Ang mga taniman ng dayap na lima hanggang anim na taon na ang tanda ay maaaring mag-ani ng 6 tonelada kada ektarya. Mas matagal ang kailangang hintayin bago mamunga ang mga punong nagmula sa punla, ngunit ito ay mas mabunga kaysa sa mga punong ginamitan ng grafting.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Dayap / Citrus aurantifolia / LIME: Philippine Medicinal Herbs / Philippine Alternative Medicine". Stuartxchange.org. Nakuha noong 2013-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. P. Golob; Food and Agriculture Organization of the United Nations (1999). "Alphabetical List of Plant Families with Insecticidal and Fungicidal Properties". The use of spices and medicinals as bioactive protectants for grains. Food & Agriculture Org. pp. 13–. ISBN 978-92-5-104294-6. Nakuha noong 19 Hunyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Citrus aurantiifolia Swingle.
  4. Morton, Julia F. (1987). "Mexican Lime". Fruits of warm climates. Purdue. pp. 168–172.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Home Fruit Production". tamu.edu.
  6. 6.0 6.1 Duke J.A., duCellier J.L. (1993): CRC handbook of alternative cash crops (page 139-145)