[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Aisha

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
عائشة
Kapanganakanc. 613/614
Mecca, Hejaz, Arabia (present-day Saudi Arabia)
Kamatayanc. July 678 (aged 63–65)
Medina, Hejaz, Umayyad Caliphate (present-day Saudi Arabia)
LibinganAl-Baqi Cemetery, Medina
AsawaMuhammad (m. 620; died 632)
MagulangAbu Bakr (father)
Umm Ruman (mother)
Pamilya

Si Aisha bint Abu Bakr (612 - 678) (Arabe: عائشة‎ Transliteration: ʿāʾisha, [ʕaːʔɪʃæh]) o (A'ishah, Aisyah, Ayesha, 'A'isha, Aishat, Aishah, or 'Aisha) ang isa sa sa mga asawa at paboritong asawa ng tagapagtatag ng Islam na si Mahoma.[2] Si Muhammad ay ikinasal sa labing isa o labingtatlong asawa depende sa magkakaibang salaysay sa kung sino ang mga naging mga asawa ni Muhammad. Sa mga kasulatang Islamiko, ang pangalan ni Aisha ay may pangunang pamagat na "Ina ng mga mananampalataya" (Arabic: أمّ المؤمنين umm-al-mu'minīn), ayon sa mga deskripsiyon ng mga asawa ni Muhammad sa Qur'an.[3][4][5] Ayon sa paniniwalang Sunni, si Aisha ay may mahalagang papel na ginampanan sa sinaunang kasaysayan ng Islam sa parehong panahong nabubuhay pa si Muhammad at pagkatapos din ng kanyang kamatayan. Siya ay itinuturing na paboritong asawa ni Muhammad at aktibo sa maraming pangyayari sa kasaysayan ng Islam.

Pagpapakasal kay Mahoma

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iminungkahi ni Khawlah bint Hakim na si Muhammad ay ikinasal kay Aisha pagkatapos mamatay ng unang asawa ni Muhammad na si Khadijah bint Khuwayli. Ayon sa Briton na historyan na si William Montgomery Watt, si Muhammad ay umasa na palakasin ang kanyang kaugnayan kay Abu Bkr at ang pagpapalakas ng mga kaugnayan ay nagsilbing basehan ng pagpapakasal sa kultura ng Arabia.

Ayon sa mga tradisyonal na pinagkukunan, si Aisha ay anim o pitong taong gulang nang siya ay pagkasunduing ipakasal kay Muhammad. Ang pagpapakasal ni Muhammad at pakikipagtalik kay Aisha ay naganap nang si Aisha ay siyam na taong gulang.[6][7][8] Ayon sa Amerikanong historyan na si Denise Spellberg, ang edad ni Aisha ay nagpapatibay ng kanyang estado bago ang pagkakaroon ng menstruasyon at ng kanyang pagkabirhen. Ang isyu ng pagkabirhen ni Aisha ay mahalaga sa mga sumuporta sa posisyon ni Aisha sa debate tungkol sa paghalili kay Muhammad. Ang mga tagasuportang ito ay tumuring kay Aisha na bilang tanging birheng asawa ni Muhammad ay itinakda ng diyos kay Muhammad at sa gayon ay pinakakapani-paniwala sa debateng ito.

Akusasyon ng pangangalunya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang mawala ang kwintas ni Aisha sa kanyang pagbabalik sa isang paglalakbay. Kanyang iniwan ang kanyang mga kagamitan ngunit siya ay nawala at ang karabano ay lumisan ng wala siya. Siya ay naghihintay na iligtas at nakatulog. Sa sumunod na umaga, siya ay natagpuan ng isang batang nomad na nagngangalang Safwan at muli siyang dinala sa Medina. Ang mga tsismis ay kumalat sa pagiging hindi tapat ni Aisha at si Muhammad ay kumonsulta sa kanyang mga tagasunod kabilang si Ali na nagpayong hiwalayan niya na si Aisha. Si Aisha ay ipinagtanggol naman ni Usama bin Zayd Bin anak ni Zayd ibn Harithah. Ang posisyon ni Usama ay pinakinggan dahil siya ay inampong apo ng propeta ngunit dahil siya ay kasing edad lamang ni Aisha, ang kanyang pagtatanggol ay walang bigat sa desisyon. Pagkatapos nito, isang pahayag ang lumutas ng problema. Inihayag ni Muhammad na siya ay nakatanggap ng pahayag mula sa diyos na kumukumpirma sa kawalang sala ni Aisha at nag-utos na ang akusasyon ng pangangalunya ay suportahan ng apat na mga saksi. Ang mga pahayag na ito ang nagsaway sa mga mang-uusig ni Aisha na inutusan ni Muhammad na tumanggap ng apatnapung paglalatigo.[9][10]

Si Aisha ay namatay sa Medina sa edad na 65 noong 678 CE (58 AH), 17 Ramadan. Siya ay inilibing sa Jannat al-Baqi.

  1. Spellberg 1994, p. 157.
  2. Spellberg, p. 3.
  3. 33:6
  4. History of the Islamic Peoples: With a Review of Events, by Carl Brockelmann, Moshe Perlmann, Joel Carmichael; G. P. Putnams Sons, 1947
  5. Nabia Abbott, Aishah: the Beloved of Muhammad (University of Chicago Press, 1942) ISBN 978-0405053184
  6. Watt, "Aisha", Encyclopedia of Islam Online
  7. D. A. Spellberg, Politics, Gender, and the Islamic Past: the Legacy of A'isha bint Abi Bakr, Columbia University Press, 1994, p. 40
  8. Karen Armstrong, Muhammad: A Biography of the Prophet, Harper San Francisco, 1992, p. 157.
  9. Watt, M. "Aisha bint Abi Bakr". Sa P.J. Bearman, Th. Bianquis, C.E. Bosworth, E. van Donzel and W.P. Heinrichs (pat.). Encyclopaedia of Islam Online. Brill Academic Publishers. ISSN 1573-3912.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  10. Glubb (2002), p. 264f.