[go: up one dir, main page]

U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A woman drinking water in the summer heat.

Matinding Init

Maghanda sa Matinding Init

Maging Ligtas sa Panahon ng

Mga Sakit na Kaugnay ng Init

Kaugnay na Nilalaman

May mainit at may mainit! Ang matinding init ay isang panahon ng napaka-init at halumigmig na may temperaturang higit sa 90 degrees sa loob ng hindi bababa sa dalawa hanggang tatlong araw. Sa matinding init ang iyong katawan ay nagsisikap na mapanatili ang isang normal na temperatura, na maaaring humantong sa kamatayan. Ang matinding init ay responsable para sa pinakamataas na bilang ng taunang pagkamatay sa lahat ng mga panganib na nauugnay sa panahon.

feature_mini img

Mga matatanda, bata at ilang mga taong may partikular na sakit at malalang kondisyon ay mas nasa panganib mula sa matinding init.

feature_mini img

Pinapataas ng kahalumigmigan ang pakiramdam ng init.

Maghanda sa Sobrang Init

Image
Illustration of a man installing a window air conditioner on a hot day.
  • Matutunang makilala ang mga senyales ng sakit sa init.
  • Huwag umasa sa bentilador bilang iyong pangunahing pampalamig na device. Lumilikha ang mga bentilador ng daloy ng hangin at isang maling pakiramdam ng kaginhawaan, ngunit hindi binabawasan ang temperatura ng katawan o pinipigilan ang mga sakit na nauugnay sa init. 
  • Tukuyin ang mga lugar sa iyong komunidad kung saan maaari kang pumunta upang magpalamig tulad ng mga aklatan at shopping mall o makipag-ugnayan sa iyong lokal na departamento ng kalusugan upang makahanap ng sentro ng pagpapalamig sa iyong lugar.
  • Takpan ang mga bintana ng mga kurtina o shade.
  • Lagyan ng weather-strip ang mga pintuan at bintana.
  • Gumamit ng mga window reflector na partikular na dinesenyo para i-reflect ang init pabalik sa labas.
  • Magdagdag ng insulation para panatiliin sa labas ang init.
  • Gumamit ng powered na attic ventilator, o attic fan, para maregula ang lebel ng init ng tattic ng gusali sa pagpapalabas ng mainit na hangin.
  • Magkabit ng mga air conditioner sa bintana at mag-insulate sa paligid nito.
  • Kung hindi mo abot-kaya ang mga gastos mo sa pagpapalamit, weatherization o kaugnay ng enerhiyang pagkukumpuni sa bahay, kontakin ang Low Income Home Energy Assistance Program (LIHEAP) para sa tulong.

Manatiling Ligtas HABANG

Image
Illustration of a woman sitting under a tree drinking water.
  • Huwag kailanman iwan ang mga tao o mga alagang hayop sa nakasarang kotse sa mainit na araw.
  • Kung walang air conditioning sa bahay niyo, pumunta sa sentro ng pagpapalamig.
  • Mag-shower na malamig o maligo.
  • Magsuot ng maluwag, magaan, light-na kulay ng damit.
  • Bawasan ag paggamit ng oven niyo para makatulong na mabawasan ang temperatura sa tahanan niyo.
  • Kung nasa labas ka, maghanap ng masisilungan. Magsuot ng sumbrero na sapat ang lapad para protektahan ang mukha mo. 
  • Uminom ng maraming fluid para manatiling hydrated.
  • Iwasan ang mga aktibidad na mataas an enerhiya o magtrabaho sa labas, sa init sa tanghali, kung posible.
  • Kumustahin ang mga miyembro ng pamilya, mga senior at mga kapitbahay.
  • Magmatyag sa mga pulikat dahil sa init, pagkapagod sa init at heat stroke.
  • Pag-isipan ang kaligtasan ng alagang hayop. Kung nasa labas sila, siguruhin na marami silang malamig na tubig at makakapunta sa kumportableng masisilungan. Ang aspalto at maitim na semento ay maaaring napakainit sa paa ng iyong alagang hayop.
  • Ang mga heat wave ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kuryente. Bisitahin ang Power Outages para matutunan kung paano manatiling ligtas.

Mga Sakit na Kaugnay ng Init

Alamin ang mga senyales ng mga sakit na kaugnay ng init at mga paraan sa pagtugon. Kung may sakit ka at kailangan ng medikal na atensiyon, kontakin ang iyong tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan para sa payo at mag-shelter in place kung kaya mo. Kung nakakaranas ka ng medikal na emergency tumawag sa 9-1-1.

Makakuha ng higit pang detalyadong impormasyon tungkol sa mga sakit na kaugnay ng init mula sa CDC at National Weather Service.

Image
Illustration of a man with red skin, a temperature and a dizzy head.

HEAT STROKE

  • Mga Senyales:
    • Napakataas na temperatura ng katawan (mas mataas sa 103 degrees F) na kinuha sa bibig 
    • Mapula, mainit, at tuyong balat na walang pawis
    • Matulon, malaking pulso
    • Pagkahilo, pagkalito o kawalan ng malay-tao

Kung naghihinala kayo ng heat stroke, tumawag sa 9-1-1 o dalhin agad ang tao sa ospital. Magpalamig gamit ang anumang mga paraan na magagamit hanggang dumating ang medikal na tulong. Huwag bigyan ang tao ng anumang maiinom.

Image
Illustration of a man holding his arm, suffering from heat cramps.

Mga PULIKAT SA INIT

  • Mga Senyales: Mga pananakit ng kalamnan o mga spasm sa tiyan, braso o binti
Image
Illustration of a sweating woman holding her stomach and her dizzy head.

KAPAGURAN SA INIT

  • Mga Senyales: Matinding pagpapawis, pamumutla, pamumulikat ng kalamnan, kapaguran, panghihina, mabilis o mahinang pulso, pagkahilo, sakit ng ulo, pagkahimatay, pagduruwal, pagsusuka

Kung may senyales ka ng pamumulikat sa init o pagkapagod sa init, pumunta sa mas malamig na lokasyon at magpalamig sa pagtanggal ng sobrang damit at pagsipsip ng sports drinks o tubig. Tawagan ang iyong tagapaglaan ng pangangalaga ng kalusugan kung lumala ang mga sintomas o tumagal ng mahigit sa isang oras.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 07/30/2024

Return to top

This site works best with Javascript enabled.