[go: up one dir, main page]

U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A volcano in the early stages of eruption with lava and smoke beginning to flow out of the opening

Mga Bulkan

Maghanda Ngayon

Maligtas Habang

Manatiling Ligtas Pagkatapos

Kaugnay na Nilalaman

Ang isang bulkan ay isang butas sa crust ng Daigdig na nagpapahintulot sa nilusaw na bato, mga gas, at mga labi na makatakas sa ibabaw. Sa panahon ng pagputok ng bulkan, maaaring dumaloy ang lava at ibang labi sa tulin hanggang 100 mph na sinisira ang lahat sa kanilang madadaanan. Ang abo ng bulkan ay maaaring maglakbay ng daan-daang milya at magdulot ng mga malubhang problema sa kalusugan.

feature_mini img

May 161 na potensiyal na aktibong bulkan sa Estados Unidos. Ang Alaska, Hawaii, California, at Oregon ang may pinakamaraming  bilang ng aktibong bulkan, ngunit ang ibang mga estado at teritoryo ay may mga aktibong bulkan din.

Ang pagsabog ng bulkan ay maaaring:

  • Magkontamina ng mga supply ng tubig.
  • Makasira sa makinarya.
  • Mabawasan ang pagiging makikita sa smog at mga nakasasakit na gas na maaaring banta sa mga mabababang lugar.
  • Pahirapin ang paghinga at mairita ang balat, mata, ilong at lalamunan.

KUNG NASA ILALIM KA NG BABALA NG BULKAN:

  • Makinig para sa impormasyong pang-emergency at mga alerto.
  • Sumunod sa mga utos sa paglikas o masisilungan. Kung pinayuhang lumikas, gawin ito nang maaga.
  • Bawasan ang pagkalantad mo sa abo sa paggawa ng sumusunod:
    • Limitahan ang iyong oras sa labas at gumamit ng dust mask o cloth mask bilang huling paraan kung dapat kang nasa labas.
    • Iwasan ang mga lugar na pababa ang hangin at mga lambak ng ilog na pababa sa bulkan.
    • Kumuha ng pansamantalang masisilungan mula sa abo ng bulkan sa lokasyon kung nasaan ka.
    • Takpan ang mga bakanteng bentilasyon at selyuhan ang mga pintuan at bintana.
    • Iwasang magmaneho sa makapal na abo. Kung kailangan mong magmaneho, panatilihing nakabukas ang mga bintana at huwag gumamit ng air conditioning system.
    • Huwag pumunta sa bubong mo para alisin ang abo.
    • Manatili sa loob hangga't hindi sinasabi ng mga awtoridad na ligtas lumabas.

Maghanda NGAYON

Image
illustration of an emergency supply kit including water, cleaning supplies, a book, canned food and a flashlight.
  • Alamin ang peligro ng lugar mo sa pagsabog ng bulkan.
  • Magtanong sa lokal na pangangasiwa sa emergency para sa mga plano sa paglikas at masisilungan, at para sa mga potensyal na paraan ng proteksyon mula sa abo.
  • Matuto tungkol sa mga sistema ng babala ng komunidad sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang libreng serbisyo na tinatawag na Volcano Notification Service (VNS) na nagpapadala ng mga abiso tungkol sa aktibidad ng bulkan.
  • Kumuha ng kailangang mga supply nang maaga pa man, kabilang ang hindi nabubulok na pagkain, mga supply sa paglilinis, at tubig para sa ilang araw, sakaling kailangan mo agad lumikas, o kung maputol ang mga serbisyo. Tandaan ang mga partikular na pangangailangan ng bawat tao, kasama ang gamot. Huwag kakalimutan ang mga pangangailangan ng mga alagang hayop para sa gamot at pagkain.
  • Kumonsulta sa iyong doktor kung mayroon kang mga problema sa paghinga.
  • Magsanay ng plano sa komunikasyon at paglikas sa lahat ng tao sa pamilya niyo. Magkaroon ng plano para sa mga alagang hayop at livestock.
  • Magkaroon ng shelter-in-place plan kung ang iyong pinakamalaking panganib ay mula sa abo.
  • Itago ang mga mahahalagang dokumento sa isang ligtas na lugar. Gumawa ng mga digital na kopya na protektado ng password.
  • Alamin kung ano ang sasaklawin ng iyong policy ng insurance ng may-ari ng bahay kapag sumabog ang bulkan.

Maligtas HABANG

Image
a volcano evacuation map
  • Makinig sa mga alerto. Nagbibigay ang Volcano Notification Service ng up-to-date na impormasyon tungkol sa mga pagsabog.
  • Sundin ang mga utos sa paglikas mula sa mga lokal na awtoridad. Lumikas nang maaga.
  • Iwasan ang mga lugar na pababa ang hangin at mga lambak ng ilog na pababa sa bulkan. Ang rubble at abo ay madadala ng hangin at gravity.
  • Kumuha ng pansamantalang masisilungan mula sa abo ng bulkan sa lokasyon kung nasaan ka kung may sapat kang mga supply. Takpan ang mga bakanteng bentilasyon at selyuhan ang mga pintuan at bintana.
  • Kung nasa labas,protektahan ang sarili mo mula sa nahuhulog na abo na maaaring makairita sa balat at makapinsala ng mga daluyan ng hininga, mga mata at mga bukas na sugat. Gumamit ng maayos ang sukat, certified na face mask tulad ng N95.
  • Iwasang magmaneho sa makapal na abo.

Manatiling Ligtas PAGKATAPOS

Image
Hand holding a phone showing text messages
  • Makinig sa mga awtoridad upang malaman kung kailan ligtas na bumalik pagkatapos ng pagsabog. Manatili sa loob hangga't hindi sinasabi ng mga awtoridad na ligtas lumabas.
  • Magpadala ng mga text message o gamitin ang social media para makipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan. Ang mga sistema ng telepono madalas ay abala pagkatapos ng sakuna. Gumawa lang ng mga emergency na tawag.
  • Iwasang magmaneho sa makapal na abo. Paliliparin ng pagmamaneho ang abo ng bulkan na maaaring makabara sa mga makina at mapahinto ang mga sasakyan.
  • Iwasang mahawakan ang abo kung may anumang mga problema ka sa paghinga. Ang mga taong may hika at/o iba pang kondisyon ng baga ay dapat mag-ingat sa mga lugar na may mababang kalidad ng hangin, dahil maaari nitong mapalala ang mga sintomas.
  • Huwag pumunta sa bubong mo para alisin ang abo maliban kung may patnubay o pagsasanay ka. Kung kailangan mong magtanggal ng abo, maging napakaingat dahil pinadudulas ng abo ang mga ibabaw. Mag-ingat na huwag mag-ambag ng karagdagang timbang sa isang overloaded na bubong.
  • Magsuot ng nagpoprotektang damit at mask kapag naglilinis. Ang mga bata ay hindi dapat tumulong sa mga pagsusumikap sa paglilinis.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 03/15/2022

Return to top

This site works best with Javascript enabled.