[go: up one dir, main page]

Ang aspirin o aspirina, na kilala rin bilang asidong asetilsalisiliko (Ingles: acetylsalicylic acid, Kastila: ácido acetilsalicílico; dinadaglat na ASA), ay isang gamot salicylate (salicilatos) na karaniwang ginagamit bilang isang analgesiko upang makalunas ng mga kirot at pananakit, bilang isang antipiritiko upang nakapagpababa sa lagnat, at bilang isang antiimflamatorio (laban sa maga).

May bisa rin ang aspirin bilang antiplaka ng dugo (antiplatelet) na umaampat sa produksiyon ng thromboxane, na sa ilalim ng karaniwang kondisyones ay nagsasanib sa mga molekula ng mga plaka ng dugo (platelets) upang mamuo bilang isang patsa o sapin sa rabaw sa loob ng ugat ng dugo. Sa dahilang ang patsa ng plaka ng dugo ay maaring lumaki na maaring makabara sa daloy ng dugo, ginagamit ang mababang doses ng aspirin nang pangmatagalan upang maiwasan ang atake sa puso, istrok at pamumuo ng duo sa mga taong nanganganib sa pamumuo ng dugo. Napatunayan na kapag binigyan agad ng mababang doses ng aspirin matapos ang atake sa puso napabababa nito ang pag-ulit ng atake o pagkamatay ng kalamnan ng puso.

Ang pangunahing bisang di-mainam ng aspirin ay ulsera gastrika (sa bituka), pagdudugo ng tiyan at pamimingi (tinnitus) lalo kung mataas ang doses na ginamit. Sa mga bata, hindi na ginagamit ang aspirin upang ampatin ang mga sintomas ng trangkaso, bulutong-tubig, at iba pang sakit dulot ng mga virus baka humantong ito sa sindroma ni Reye.

Ang aspirin ang unang natuklasang kasapi ng uri ng gamot na kilala bilang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs), (mga gamot antiimflamatoriong di-esteroidal) na hindi lahat ay mga salicilatos, gayunman magkakahawig ang epekto at marami rito ay umaampat sa ensimang cyclooxygenase (ciclooxigenasa) bilang aksiyong mekanismo nito. Isa sa pinakagamiting gamot sa mundo ang aspirin na tinatayang 40,000 tonelada ang nakukunsumo nito bawat taon. Sa mga bansang ang aspirin ay markang registrada ng Bayer, ang karaniwang tawag (generic term) nito ay acetylsalicylic acid (ASA).


Medisina Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.