[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Water polo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang water polo ay isports na nilalaro sa tubig at may bola. Binatay ito sa isang katulad na laro, ang polo. Ang layunin ng laro ay mailagay ang bola papasok sa goal, ang tunguhin o puntahin upang makapuntos o makakuha ng iskor. Higit na mahalagang makaiskor kaysa sa kalabang pangkat. Isang larong may pangkat ang polong pantubig. Dalawang pangkat ang naglalaro sa tagisan, na binubuo ng apat na mga yugtong tinatawag na mga quarter o mga ikaapat na bahagi ng laro. Ang haba ng bawat yugto o period ay karaniwang nasa pagitan ng 5 hanggang 8 mga minuto, subalit dahil sa hindi binibilang ang dami ng oras na nagagamit sa mga foul o pandaraya o pagtaliwas sa panuntunan ng laro at mga palabas na mga paghagis, ang pangkaraniwang isang ikaapat na bahagi ay nagtatagal nang nasa 12 mga minuto sa 'tunay na panahon'. Bawat pangkat ay binubuo ng anim na mga manlalaro at isang tagapagtanggol ng tunguhin o goalkeeper. Kailangang may kasanayan ang mga manlalaro ng polong pantubig sa paglangoy, pagpapasa ng bola, mabilis na tugon ng katawan o mga reflex, at katalusan o kamalayan.

Kinakailangan ng mga manlalaro idala Binolang Fernandez sa goal.

LaroPalakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Laro at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.