[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Jianbing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jianbing
Nagpapahid ang tindero ng sarsang hoisin sa jianbing na pinainit sa kalagatang panluto
UriTinapay
LugarTsina
Rehiyon o bansaShandong at Tianjin
Kaugnay na lutuinTsino
Pangunahing SangkapTrigo
Karagdagang SangkapItlog
Jianbing
Tradisyunal na Tsino煎餅
Pinapayak na Tsino煎饼
Kahulugang literalfried pancake

Ang Jianbing (Tsinong pinapayak: 煎饼; Tsinong tradisyonal: 煎餅; pinyin: jiānbǐng; lit.: "pinritong puto kawali") ay isang tradisyunal na Tsinong pagkaing kalye katulad ng mga krep. Isang uri ito ng bing na karaniwang kinakain para sa almusal at pinupuri bilang "isa sa mga pinakapopular na almusal sa kalye ng Tsina."[1] Ang mga pangunahing sangkap ng jianbing ay isang galapong ng trigo at harinang butil, mga itlog at mga sarsa.[1] Maaari itong talbusan ng iba't ibang mga palaman at sarsa tulad ng baocui (薄脆, manipis at malutong na pinritong galyetas), hamon, tinadtad o hiwang-kwadradong mustasang atsara, iskalyon at unsoy, sawsawang maanghang o sarsang hoisin depende sa kagustuhan ng tao. Madalas itong nakatiklop nang ilang beses bago inihahain.

Kumakalat na ang jianbing ngayon sa Kanluran sa mga lungsod tulad ng Lungsod ng New York, Seattle, Austin, Chicago at San Francisco, kung minsan ay may mga pagbabago para sa mga panlasa ng Kanluran.[2][3]

Nagmula ang jianbing sa Hilagang-Silangan ng Tsina. Maaaring mabakas ang kasaysayan nito pabalik 2,000 taon sa lalawigan ng Shandong noong Panahon ng Tatlong Kaharian (220-280 AD). Ayon sa mga alamat, nakaranas ang kanselor na si Zhuge Liang ng problema ng pagpapakain sa kanyang mga sundalo pagkatapos nilang mawalan ng kanilang mga wok. Iniutos niya ang mga tagaluto na maghalo ng tubig at harinang trigo upang gumawa ng galapong, pagkatapos ipagkalat ito sa mga kalasag, o mga patag na tansong kawaling malanday sa ibabaw ng apoy.[4] Itinataas ng putahe ang kasiglahan ng mga sundalo at tinulungan silang manalo sa labanan. Pagkatapos nito, ipinasa ang jianbing sa mga henerasyon sa lalawigan ng Shandong at unti-unting kumalat sa iba't ibang bahagi ng Tsina.[5] Dapat dawa ang mga hilaw na materyales na ginagamit sa mga sinaunang kawaling puto, at isa sa mga karaniwang pagkain ng mga sinaunang hilaga ang mga dawang kawaling puto. Noong sinaunang panahon, ginawa ang mga pankeyk mula sa 鏊 ("ao" - pinyin)[6]. Natuklasan na ang mga arkeolohikong diskubre noong sinaunang panahon, maliban sa mga sinaunang mga palayukang pigurin na pinetsahan ng higit sa 5,000 taon, pati na rin ang bakal na pala at tansong batingaw na pag-aari ng mga Dinastiyang Liao, Song, Jin, Xixia at Yuan. Gumawa ang mga taong Yangshao ng mga pigurin ng palayok at iba pa. Natagpuan din sa mga kagamitan sa pagluluto, na nahukay sa iba't ibang panahon, ang mga miyural ng mga pankeyk mula sa iba't ibang panahon, na nagpapakita ng tunay na pagkakaroon ng mga kawaling puto sa kasaysayan.

Mga dahilan para sa katanyagan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Niluluto ang jianbing
Inihanda ng isang tindero ang jianbing sa kalye
Ang isang nabuksan na jianbing na nagpapakita ng lahat ng mga sangkap sa loob.

Isa sa mga pinakapopular na almusal sa kalye sa Tsina,[7] madaling mahanap ang jianbing sa maraming lungsod. Nagpapaliwanag ang mga katangian ng jianbing sa katanyagan nito sa Tsina at sa Kanluran.

Una, hindi kailanman 'niluluto nang pauna' ang jianbing. Upang mapanatili ang kalutungan nito, kailangang maghintay ang mga mamimili para sa kanilang pagkakataon, na kadalasan ay nagreresulta sa pila,[kailangan ng sanggunian] bagaman maikli ang oras ng paghahanda. Bahagi ng pagkahumaling ang maaaring panoorin ng mga mamimili ang pagsasama ng mga hilaw na sangkap upang bumuo ng putahe.[3]

Maaaring masiyahan ng jianbing ang mga kagustuhan ng iba't ibang tao dahil maaari itong gawin mula sa maraming iba't ibang sangkap at haluin sa iba't ibang mga sarsa, kusilba at lasa sa iba't ibang sukat.[8] Ayon sa mga tindero sa labas ng Pamantasang Normal ng Silangang Tsina,[9] bagaman gusto ng ilang mga mamimili ang maanghang na lasa at hindi gusto ng ilan ang unsoy, maaari silang gumawa ng kanilang sariling jianbing.

Isa ring dahilan ang pagiging mura ng jianbing para sa katanyagan nito, dahil mura mismo ang mga pangunahing sangkap.[8]

Bukod diyan, masustansiya ang jianbing na isang klase ng Bing.[1] Mayroon itong maraming sustansiya dahil maaari itong gawin mula sa mga balatong, monggo, black bean, letsugas, mani at itlog.

Maaaring gawin ang jianbing mula sa iba't ibang mga butil tulad ng trigo, bean, batad, mais, atbp. Naglalaman ito ng iba't ibang mga sustansiya ng butil mismo. Madaling kainin ang mga ito. Pangunahing pagkain ang mga ito para sa katawan upang lumakas muli. Pagkatapos, ibinababad ang mga ito ng iba't ibang mga gulay, itlog, karne at iba pang mga sangkap. May epekto ito ng pagpapahusay ng kakayahan ng nginunguyang ng ngipin.[10] Dahil mas mataas ang katigasan at kayamutan ng jianbing kaysa sa taro at iba pang mga pikolete, maaaring magpalakas ng ngipin ang pang-matagalang pagkonsumo ng jianbing. Masagana ang jianbing sa protina, almirol, krudo hibla, karbohidrata, karotina, kalsiyo, posporo, bakal, at potasyo. Tinatakpan ng upak ang lahat ng mga uri ng asidong amino, bitamina, at mga hilaw na materyales para sa jianbing. Naglalaman sila ng mas maraming krudo hibla at maaaring alisin ang dumi ng katawan.[11] Mayroon silang epekto ng pampaalis ng lason at pampalusog sa balat. Maaari rin nilang pabutihin ang sirkulasyon ng dugo upang mabawasan ang taba ng dugo, palakasin ang pali at kimkimin ang tiyan at tulungan ang panunaw.

Mga rehiyonal na baryante

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagmula sa Shandong ang tradisyunal na jianbing at umunlad sa Tianjin.[8] Karaniwang binubuo ang jianbing ng harina at itlog na may iba't ibang palaman at sarsa. Dahil marami ang mga baryante depende sa panlasa at kagustuhan sa iba't ibang mga rehiyon, karamihan ng mga lungsod ay may sariling mga bersyon ng jianbing. Ang Shandong na jianbing at Tianjin na jianbing ang dalawang pinakakaraniwang bersyon ng jianbing sa Tsina.[1]

Shandong na jianbing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mas malutong at mas matitigas ang jianbing mula sa lalawigan ng Shandong habang ang galapong nito ay gawa sa halo ng harina na higit sa lahat ay naglalaman ng mga magaspang na butil tulad ng mais, sorgo at dawa.[12] Sa mga lumang araw, karaniwang kinain ng mga tao ang Shandong na jianbing sa pamamagitan ng pagligid nito na may kasamang mga iskalyon o paghahain nito na may kasamang karne na sabaw.[13] Sa kasalukuyang panahon, mas masagana at naiiba ang mga laman ayon sa kagustuhan ng tao, halimbawa, ginagamit din ang mga kamote, letsugas at karne ng baboy bilang mga laman.

Jianbing guozi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang jianbing mula sa Tianjin ay isang transpormasyon ng jianbing na nagmula sa Shandong. Jianbing guozi din ang tawag dito[1] at tumutukoy ang Guozi sa kanyang palamang youtiao. Mas malambot ang Tianjin na jianbing dahil gawa sa harinang monggo ang krep nito, na naglalaman ng mas kaunting gluten. Gayundin, tinatalbusan ang Tianjin na jianbing ng youtiao (pritong kuwartang tungkod), habang ang estilong Shandong na ipinagbebenta ng mga tindero ay kadalasang tinatalbusan ng baocui (薄脆 malutong na pritong galyetas).

Internasyonal na jianbing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinahain din ang jianbing sa Reyno Unido, Estados Unidos at Australya sa pamamagitan ng tinderong taga-Kanluran at mga batang negosyanteng Tsino.[14][15] Sa Estados Unidos, naging isa sa mga pinakabagong pagkahumaling ng pagkain ito at napakatanyag ito sa mga mamimiling Amerikano at Asyano, lalo na sa mga estudyanteng Tsino mula sa ibang bansa.[4] Pinukaw ang mga taga-Kanlurang tindero na magsimula ng negosyong jianbing pagkatapos na subukan ito sa Tsina.[16]

Maliban sa tradisyunal na Tsinong jianbing, naghahain ang ilang mga tindero sa Estados Unidos ng iba't-ibang mga bersyon nito upang bumagay sa panlasa ng mga Amerikano, tulad ng panggugulaying jianbing at jianbing na walang gluten.[16] Binibigyan din bilang karagdagan ang mga lamang may pagsasama ng kultura na tulad ng barbecue pulled pork, bacon, keso, hotdog at spam para makagawa ang mga mamimili ng kanilang sariling beryson ng jianbing.[16][17]

Bukod dito, magkakaiba ang mga laman ng jianbing na may bagong inobasyon. May fish floss jianbing ang Tai Chi Jianbing mula sa San Francisco, na gawa sa pinatuyong tuna. Nagbebenta ang isang food truck sa New York na tinatawag na "The Flying Pig jianbing"[14] ng iba't ibang mga pagpipilian na laman tulad ng tuyo na sinulid-baboy, tiyan ng baboy at kawayan. Sa isa pang tindahan na tinatawag na Mr. Bing,[17] ang galapong-krepe ay gawa sa harinang dawa, harinang hayang trigo at lilang kanin. Itinatampok din ang maraming mga kakaibang jianbing. Halimbawa, ipinapakilala ang cha chaan bing na may mantikilyang mani at kondensada, at bibing Peking bing[18] na may sarsang pato, mga tipak ng pipino at hiwa ng pato.

Sa Reyno Unido, nagdala ang Mei Mei's Street Cart, isang tindahan ng pagkaing kalye, ng jianbing sa eksenang pagkaing kalye ng London at Reyno Unido noong 2012 - idinala ang kanilang jianbing sa London, Manchester, Leeds, Sheffield at Brighton at nanalo ng dalawang parangal. Ibinebenta nila ang tradisyunal na jianbing sa tabi ng kanilang 'London' na jianbing na may mga laman tulad ng pritong manok at char siu na baboy, upang payamanin ang tradisyunal na jianbing at gawin itong isang mas masagang putahe.[19][20]

Ang dosa ay isang krepang Indyano na gawa sa mala-jianbing na galapong.

Ang Senbei ay isang meryendang Hapon na may pangalang may kaugnayan sa jianbing, at binabaybay gamit ang mga parehong Tsinong titik sa wikang Hapones, ngunit ibang pagkain talaga ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Jianbing: A Guide To China's Favorite Street Food | The World Of Chinese". Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2021. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "China's Answer to the Breakfast Sandwich Finally Arrives in New York". 23 Marso 2016. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Jianbing: Beijing's Crunchy, Eggy, Perfect Street Food". 8 Mayo 2015. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Food Cart Brings Newest U.S. Food Trend, Jian bing, to Eugene, UO Campus". 17 Pebrero 2016. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. "Jiānbing – Chinese-style crepes – 煎饼 | MOVABLE FEASTS". 22 Mayo 2014. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Jianbing origin: the historical taste of scorpion fried". Nakuha noong 25 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Vartanian, A.; Potter, C.; Heino, K. (2015). The Ultimate Paleo Cookbook: 900 Grain- and Gluten-Free Recipes to Meet Your Every Need. Page Street Publishing. p. 410. ISBN 978-1-62414-140-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 Gao, Weixi (2005). Food and Chinese: Essays on Popular Cuisine. Long River Press. pp. 158–159.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. DeLois, Jake. "DIY jianbing: How to make the perfect breakfast crêpe".
  10. Anonym, anonym. "What are the benefits of eating pancakes?". Website. Nakuha noong 27 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Mi, Duoduo. "The nutritional value of Jianbing _ the benefits of eating Jianbing". Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2019. Nakuha noong 26 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Shandong's signature food leaves global marks". 6 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 李民, 黃河文化百科全书编纂委员会 (5 Agosto 2009). 黃河文化百科全书. 四川辞书出版社 (nilathala 2000). p. 348.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Niu, Yue (25 Disyembre 2015). "Young entrepreneur brings Chinese pancakes to NYC". Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Rigby, Myffy (28 Abril 2015). "Mr Bing Gourmet Wrapz". Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 Wong, Katy. "Unique food cart brings jianbing to Seattle". Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Kis, Eva (11 Disyembre 2015). "Mr. Bing brings Chinese street food to Times Square". Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Yung, Vanessa (10 Oktubre 2013). "A crêpe escape in our own backyard". Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. http://www.meimeisstreetcart.co.uk[patay na link]
  20. http://foodanddrinkfestival.com/news/2014/sep/30/-gala-dinner-2014-/

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]