[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Haiti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Haïti)
Republika ng Haiti
République d'Haïti (French)
Repiblik d Ayiti (Haitiyanong Kriolyo)
Watawat ng Haiti
Watawat
Eskudo ng Haiti
Eskudo
Salawikain: L'union fait la force
"Gumagawa ang unyon ng lakas"
Awitin: La Dessalinienne
"Ang Kanta ng Dessalines"
Location of Haiti
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Port-au-Prince
18°32′N 72°20′W / 18.533°N 72.333°W / 18.533; -72.333
Wikang opisyal
KatawaganHaitiano
PamahalaanUnitaryong republikang semi-presidensyal
• President
Ariel Henry (acting)
Ariel Henry (acting)
LehislaturaNational Assembly[a]
• Mataas na Kapulungan
Senate[a]
• Mababang Kapulungan
Chamber of Deputies[a]
Kasarinlan 
mula sa Pransiya Pransiya
• Declared
1 January 1804
• Recognized
17 April 1825
22 September 1804
9 March 1806
17 October 1806
• Kingdom
28 March 1811
9 February 1822
• Dissolution
27 February 1844
26 August 1849
• Republic
15 January 1859
28 July 1915 – 1 August 1934
29 March 1987
Lawak
• Kabuuan
27,750[1] km2 (10,710 mi kuw) (143rd)
• Katubigan (%)
0.7
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
11,470,261[2] (83rd)
• Densidad
382/km2 (989.4/mi kuw) (32nd)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $38.952 billion[3] (144th)
• Bawat kapita
Increase $3,185[3] (174th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $25.986 billion[3] (139th)
• Bawat kapita
Increase $2,125[3] (172nd)
Gini (2012)41.1[4]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.535[5]
mababa · 163rd
SalapiGourde (G) (HTG)
Sona ng orasUTC−5 (EST)
• Tag-init (DST)
UTC−4 (EDT)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+509
Kodigo sa ISO 3166HT
Internet TLD.ht

Ang Republika ng Haiti (bigkas: /hey·tí/; Pranses: République d'Haïti, bigkas /ha·í·ti/; Haitiyanong Kriolyo: Repiblik Ayiti; lumang ortograpiyang Tagalog: Hayti[6]) ay isang bansang matatagpuan sa Dagat Caribbean. Kahati nito ang Republikang Dominikana, sa nasasakupan nito sa pulo ng Hispaniola. Ayiti (lupain ng mataas na mga kabundukan) ang katutubong itinawag ng mga Taino o ng mga Amerindian para sa mabundok na kanlurang bahagi ng pulo. Pinakamataas na bahagi ng pulo ang Pic la Selle, na may taas na 2,680 metro (8,793 tal). Ang kabuuang sukat ng Haiti ay 27,750 kilometro parisukat (10,714 kilometro mi) at kabisera nito ang Port-au-Prince. Ang Haitian Creole at Pranses ang mga opisyal na wika nito.

Ang rehiyunal, historikal, at etnolingwistikong posisyon ng Haiti ay bukod tangi sa maraming mga kadahilanan. Ito ang kauna-unahang bansang naging malaya sa Latin Amerika, ang kauna-unahang bansang malayang pinamumunuan ng itim na lahi pagkatapos ng panahong kolonyal sa daigdig, at ang tanging bansa na lumaya sa isang matagumpay na pag-aaklas ng mga alipin noong 1804.[7] Kahit na mayroong pangkaraniwang ugnayang kultural ang Haiti sa mga kalapit bansa nitong Hispano-Karibyano, ito lamang ang nag-iisang bansang malaya sa rehiyon na predominanteng mananalita ng Wikang Pranses. Isa lamang ito sa dalawang malayang bansa sa Kanlurang Hating-lobo (ang isa ay ang Canada), na nagtalaga sa Wikang Pranses bilang punong wika; ang iba pang mga pook na nagsasalita ng Pranses ay pawang mga panlabas na sangay at teritoryo ng Pransiya.

Pinakamahirap na bansa sa Amerika ang Haiti. Salungat sa mga palasak na paniniwala, gayunman, hindi ito ang pinakamahirap sa Kanlurang hating-globo. Sa iba't ibang okasyon, nakaranas ito ng mga kaguluhang pampolitika sa kabuuan ng kasaysayan nito. Ang pinakahuli ay noong Pebrero 2004, isang rebelyon ang pumwersang magpabitiw at magpatalsik kay Pangulong Jean-Bertrand Aristide, at isang pansamantalang pamahalaan ang namahala na may pagtitibay mula sa United Nations Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH).

Noong 12 Enero 2010, isang 7.0 magnitude na lindol ang yumanig sa Haiti at nagwasak sa kabiserang lungsod ng Port-au-Prince. Naiulat na 150,000 katao ang namatay at lumaon pangkatang inilibing, subalit ang tumpak na bilang ay mahirap alamin at ang mga ulat ng bilang ay pabago bago, at malaking bilang ang nawalan ng tirahan..[8] Ang palasyo ng Pangulo, Parlyamento, at iba pang mga mahahalagang estruktura ay nawasak, kasama ang hindi mabilang na bahay at negosyo.

Nagmula ang pangalang Haiti sa katutubong wikang Taíno na katutubong salita [b] para sa buong pulo ng Hispaniola na nangangahulugang "lupain ng matataas na kabundukan".[12]

Ang titik h ay walang tunong sa wikang Pranses at ang ï sa Haïti, ay isang tandang diyakritikal na ginagamit upang ipakita na ang kasunod na patinig ay hiwalay na binibigkas.[13]

Ibinalik ang pangalan sa Haiti ng rebolusyonaryong si Jean-Jacques Dessalines bilang opisyal na pangalan ng malayang Saint-Domingue, bilang pagkilala sa mga ninunong Amerindiyano.[14]

Sa wikang Pranses, Perlas ng Antilles(Le Perle des Antilles) ang naging palayaw ng Haiti dahil sa likas na ganda nito,[15] at dahil sa dami ng yamang nakuha ng Kaharian ng Pransya, dahil itinuring na pinakamayamang kolonya ito ng isang bansang Europeo noong panahong iyon.[16]

Pagkakahating Administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Haiti ay nahahati sa sampung Departamento. Ang mga departamentong ito ay nakatala sa baba, na kasama ang mga kabiserang lungsod na nasa loob ng panaklong.

Mga Departamento ng Haiti
  1. Artibonite (Gonaïves)
  2. Centre (Hinche)
  3. Grand'Anse (Jérémie)
  4. Nippes (Miragoâne)
  5. Nord (Cap-Haïtien)
  6. Nord-Est (Fort-Liberté)
  7. Nord-Ouest (Port-de-Paix)
  8. Ouest (Port-au-Prince)
  9. Sud-Est (Jacmel)
  10. Sud (Les Cayes)

Ang mga departamento ay nahahati pa sa 41 mga arrondissement (distrito), at 133 mga commune o barangay, na nagsisilbing ikalawa at ikatlong antas ng pagkakahating administratibo.

Haiti mula sa kalawakan
Mapa ng Haiti

Ang Haiti ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Hispaniola, ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Greater Antilles. Ikatlo sa pinakamalaking bansa sa Carribbean ang Haiti, pagkatapos ng Cuba at ng Dominican Republic (ang huli ay kahati ng Haiti ng 360 kilometro ng (224 mi) hangganan nito).

Ang hilagang panig ay binubuo ng Massif du Nord (Hilagang Massif) at ng Plaine du Nord (Hilagang Kapatagan). Ang Massif du Nord ay karugtong ng Cordillera Central sa Dominican Republic. Ito ay nagsisimula sa silangang hangganan ng Haito, sa hilaga ng Ilog Guayamouc, at umaabot sa hilagang kanlurang patungo sa hilagang tangway. Ang kababaang bahagi ng Plaine du Nord ay matatagpuan sa hilagang hangganan ng Dominican Republic, sa pagitan ng Massif du Nord at ng Karagatang Hilagang Atlantiko. Ang gitnang bahagi ay binubuo ng dalawang kapatagan at dalawang pangkat ng bulubundukin. Ang Plateau Central (Gitnang Kapatagan), na umaabot sa parehong bahagi ng Ilog Guayamouc, at sa timog ng Massif du Nord. Sa timog kanluran ng Plateau Central ay matatagpuan ang Montanges Noires, kung saan ang hilagang kanlurang bahagi nito ay sasama sa Massif du Nord. Ang pinakakanlurang bahagi nito ay tinatawag na Cap Carcasse.

Binubuo ang katimugang bahagi ng Plaine du Cul-de-Sac (ang timog silangan) at ang katimugang bulubunduking tangway na kilala bilang Tangway ng Tiburon. Ang kabundukan ng Chaîne de la Selle - ang karugtong ng katimugang bahagi ng mga bulubundukin ng Republikang Dominikana (ang Sierra de Baoruco) - ay umaabot mula sa Massif de la Selle sa silanganan at sa Massif de la Hotte sa kanluran. Sa bulubunduking ito, nakapaloob ang pinakamataas na bahagi ng Haiti, ang Pic la Selle na may taas na 2,680 metro (8,793 tal).[17][wala sa ibinigay na pagbabanggit].

Kalahati ng bilang ng mga bata sa Haiti ay hindi nabakunahan at 40% lamang ng populasyon ang may kakayahan makakuha ng pangunahing atensiyong medikal.[18] Kahit bago maganap ang lindol ng 2010, halos kalahati ng bilang ng namamatay ay dulot ng HIV/AIDS, mga komplikasayon sa baga, meningitis at pagtatae, kasama na ang kolera at tipus, ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan.[19] Siyamnapung bahagdan ng mga bata sa Haiti ay nakararanas ng mga sakit mula sa tubig at bulate sa tiyan.[20] Tinatayang 5% ng bilang ng mga matatanda sa Haiti ay nahawaan ng HIV.[21] Ang mga kaso ng tuberculosis (TB) sa Haiti ay sampung ulit na mas mataas kaysa sa ibang mga bansa sa Amerikang Latino.[22] May tinatayang 30,000 katao sa Haiti ang nararanas ng malaria taon taon.[23]

Isang silid aralan sa Cité Soleil

Ang sistema ng edukasyon sa Haiti ay nakabatay sa sistema ng edukasyon sa Pransiya. Ang Mas mataas na edukasyon, na nasa ilalim ng pananagutan ng Ministri ng Edukasyon, ay ibinibigay ng mga pamantasan at iba pang institusyong pampubliko at pampribado.[24] Mayo 15,200 paaralang elementarya sa Haiti, na 90% nito ay hindi mga publikong pinamamahalaan ng pamayanan, ng mga organisasyong relihiyoso o ng mga NGO.[25] Ang antas ng pagpapatala sa elementary ay 67%, at bibihira sa 30% ang nakaaabot ng ika-6 na baitang. Ang antas ng pagpapatala sa Mataas na paaralan ay nasa 20% ng mga maaaring italang mga kabataan. Ang mga organisasyong pangkawanggawa, kabilang ang Food for the Poor at Haitian Health Foundation, ay nagtatayo ng mga paaralan para sa mga bata at nagbibigay ng mga kinakailangang mga gamit sa paaralan. Ang antas ng kamuwangan sa Haiti ay nasa 52.9%.[26]

Ang lindol sa Haiti noong Enero 2010 ay isang malaking sagabal sa reporma ng edukasyon sa Haiti dahil ang limitadong mapagkukunan ng pondo ay inilaan sa pagliligtas ng buhay. Nananatiling nasa 50% ang antas ng kamuwangan.

Populasyon ng Haiti (libo) mula 1961 hanggang 2003

Datapwa't 360 katao lamang bawat kilometro parisukat (940 bawat mi. parisukat) ang pamantungang dami ng tao sa Haiti, ang populasyon nito ay labis na nakatipon sa mga pook urban, mga baybayin at mga lambak. Ang populasyon ng Haiti noong 2008 ayon sa tantiya ng UN ay nasa 9.8 milyon,[27] na ang kalahati ng populasyon ay nasa gulang 20 pababa.[28] Ang pinakaunang pormal na senso ay ginanap noong 1950, at nagtala ng populasyon na 3.1 milyon.[29]

90-95% ng mga taga-Haiti ay mula sa lahing Aprikano; ang nalalabing 5-10% ng populasyon ay halos may lahing mulatto o may lahing halo. May maliit na bahagdan ng populasyon ang hindi Aprikano at pangunahing binubuo ng mga Kaukasyan/Puting Haitians; karamihan ay mga Haitiang Arabo,[30] at mula sa mga Kanluraning Europeo gaya ng Pransiya, Alemanya, Poland, Portugal, at Espanya.[31][32] Ang mga Haitians na may lahing Asyano (karamihan ay mula sa lahing Tsino) ay tintatayang nasa 400.[31]

Karamihan ng mga Haitian na may halong lahi ay naninirahan sa mga mayayamang bahagi ng kabisera, gaya ng Pétionville o Kenscoff. Marami ang ipinanganak sa timog-kanlurang bahagi ng Haiti, tulad ng: Jacmel, Les Cayes, Cavaillon. Noong panahong kolonyal ng bansa, ang mga pook na ito ay may malaking bilang ng mga Europeo kaysa sa hilaga, kung saan nakabukod sa ibang lugar, at ang lugar na ito ay may kakaunting lungsod at itinalaga upang gawing malalaking plantasyon na may malaking bilang ng mga aliping Aprikano.

Isa sa dalawang opisyal na wika ng Haiti ay ang wikang Pranses, kung saan ito ang pangunahing sinusulat, sinasalita sa mga paaralan, at ang wika ng pamahalaan. Ito ay sinasalit ng karamihan ng mga nakapag-aral na mga Haitian at ginagamit sa larangan ng kalakalan. Ang ikalawa ay ang Haitian Creole,[33] na sinasalita ng halos lahat ng populasyon ng Haiti. Ang Haitian Creole ay isa sa mga wikang nakabatay sa wikang Pranses, na naglalaman din ng mga salitang Aprikano, at impluwensiya mula sa Espanyol, at Taino. Ang Haitian creole ay may malapit na ugnayan sa Louisiana Creole. Ang wikang Espanyol ay sinasalita din ng iilan, subalit hindi it isa sa mga opisyal na wika.

Pangkalahatang Kristiyanong bansa ang Haiti, na may 80% ng mga Haitian ang nagpahayag na sila ay mga Katoliko Romano. 16% ng populasyon ay mga Protestante. May mga naniniwala din sa Haitina Vodou, na sa Haiti lang matatagpuan, at bumubuo sa 2/3 ng populasyon.[34]

  1. 1.0 1.1 1.2 The National Assembly currently has zero members, with all 30 seats in the Senate and all 119 seats in the Chamber of Deputies vacant since all previous members have served their terms as prescribed by the Haitian Constitution and no election has been held to fill those vacated seats.
  2. The Taínos may have used Bohío as another name for the island.[9][10][mula sa sariling paglalathala?][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Country Summary". Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2023. Nakuha noong 1 Setyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng CIA.gov.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Haiti". The World Factbook (sa wikang Ingles) (ika-2024 (na) edisyon). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 22 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Haiti)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Nakuha noong 15 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gini Index". The World Bank. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Hayti". Concise English-Tagalog Dictionary.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Country profile: Haiti". BBC News. 2010-01-19. Nakuha noong 2010-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Cave, Damien (23 Enero 2010). "More Than 150,000 Have Been Buried, Haiti Says". New York Times. Nakuha noong 2010-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Guitar, Lynne; Ferbel-Azcárate, Pedro; Estevez, Jorge (2006). "iii: Ocama-Daca Taíno (Hear me, I am Taíno)". Indigenous Resurgence in the Contemporary Caribbean. New York: Peter Lang Publishing. p. 41. ISBN 0-8204-7488-6. LCCN 2005012816. Nakuha noong 10 Hulyo 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Edmond, Louisket (2010). The Tears of Haiti. Xlibris. p. 42. ISBN 978-1-4535-1770-3. LCCN 2010908468. Nakuha noong 10 Hulyo 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Senauth, Frank (2011). The Making and Destruction of Haiti. Bloomington, Indiana, USA: AuthorHouse. p. 1. ISBN 978-1-4567-5384-9. LCCN 2011907203.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Haydn, Joseph; Vincent, Benjamin (1860). "A Dictionary of Dates Relating to All Ages and Nations: For Universal Reference Comprehending Remarkable Occurrences, Ancient and Modern, The Foundation, Laws, and Governments of Countries-Their Progress In Civilization, Industry, Arts and Science-Their Achievements In Arms-And Their Civil, Military, And Religious Institutions, And Particularly of the British Empire". p. 321. Nakuha noong 12 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Stein, Gail (2003). The Complete Idiot's Guide to Learning French. Alpha Books. p. 18. ISBN 978-1-59257-055-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Martineau, Harriet (2010). "The Hour and the Man: A Fictional Account of the Haitian Revolution and the life of Toussaint L'Ouverture". p. 12. ISBN 9789990411676. Nakuha noong 12 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Eldin, F. (1878). "Haïti, 13 ans de séjour aux Antilles" (sa wikang Pranses). p. 33. Nakuha noong 21 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Haiti, the First Black Republic". library.flawlesslogic.com. Nakuha noong 2015-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Map of Haiti". Elahmad.com. Nakuha noong 24 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Haiti Survivors Face Outbreaks of Diarrhea, Malaria (Update1)". BusinessWeek. 14 Enero 2010.
  19. "Haiti earthquake could trigger possible medical 'perfect storm'". CNN.com. 13 Enero 2010.
  20. "ENVIRONMENT: Haiti Can't Face More Defeats Naka-arkibo 2012-01-15 sa Wayback Machine.". IPS ipsnews.net. Nobyembre 13 , 2008.
  21. "Haiti's Aids and voodoo challenge". BBC News. 20 Nobyembre 2003.
  22. "Haiti Introduction". Globalsecurity.org.
  23. "Haiti and Dominican Republic Look to Eradicate Malaria". FOXNews.com. 8 Oktubre 2009.
  24. "Education in Haiti; Primary Education". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-23. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Education: Overview". United States Agency for International Development. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-17. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Haiti". The World Factbook. Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-31. Nakuha noong 2019-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Country profile: Haiti, BBC News, 10 Nobyembre 2008. Retrieved 2010-02-16.
  28. New Haiti Census Shows Drastic Lack of Jobs, Education, Maternal Health Services Naka-arkibo 2013-05-14 sa Wayback Machine., United Nations Population Fund (UNFPA), 10 Mayo 2006. Retrieved 2010-02-16.
  29. Haiti - Population, Library of Congress Country Studies. Retrieved 2010-02-16.
  30. The Upper Class, Library of Congress Country Studies. Retrieved 2010-02-16.
  31. 31.0 31.1 Joshua Project. "Aimaq, Firozkohi of Afghanistan Ethnic People Profile". Joshua Project. Nakuha noong 2010-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "The Virtual Jewish History Tour: Haiti". Jewishvirtuallibrary.org. Nakuha noong 2010-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "creolenationallanguageofhaiti". Indiana.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-13. Nakuha noong 2010-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Haiti Kids Taken by Americans Reportedly Have Families" Associated Press on Fox News, 2010-01-31.


Mga bansa sa Karibe

Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago

Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands