[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Abatar (termino)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang abatar[1], mula sa Sanskrit na nangangahulugang "Ang nagmula sa itaas" (literal : "nanaog") ay ginagamit bilang katawagan sa mga Diyos (deva), partikular na sa Hinduismo, na nananaog sa lupa na may partikular na anyo, o di kaya nama'y ipinanganganak na mistulang ordinaryong nilalang, para sa isang misyon o upang ibalik ang Dharma.

Pinakakilala sa mga Diyos na maraming mga abatar si Vishnu (marami siyang abatar, ngunit may 10 pinakakilala). Sa bawat abatar niya, nagpapamalas siya ng iba't-ibang anyo. Ipinapalagay ng mga Vaishnava (mga tagasunod ni Vishnu) na si Vishnu ang pinakamataas sa lahat ng Diyos.

  1. Gaboy, Luciano L. Avatar, abatar - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.