[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ursus maritimus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ursus maritimus
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Pamilya: Ursidae
Sari: Ursus
Espesye:
U. maritimus
Pangalang binomial
Ursus maritimus
Phipps, 1774[2]
Sakop ng polar bear
Kasingkahulugan

Ursus eogroenlandicus
Ursus groenlandicus
Ursus jenaensis
Ursus labradorensis
Ursus marinus
Ursus polaris
Ursus spitzbergensis
Ursus ungavensis
Thalarctos maritimus

Ang Ursus maritimus (Ingles: polar bear), ay isang malaking osong naninirahan sa Artiko. Unti-unti na itong nangangamatay dahil sa pag-init ng globo na nagdurulot ng pagkaunti ng yelo. Kaya't kapag lumalangoy ang mga polar bear, hindi sila nakapapamahinga, at nalulunod.

Isang oso ng hilagang polo.

Ang balat ng polar bear ay binubuo ng isang patong ng makapal na pang-ilalim na balat at isang panlabas na sapin ng pansanggalang na mga buhok, na lumilitaw na puti o may pagkakayumanggi subalit nanganganinag sa katunayan. Napapanatiling mainit ang kanilang pakiramdam dahil sa mabalahibong kabalatan.[3] Malalaksa sila at nakalalangoy din. Katulad ang kanilang sukat o laki sa isang pangkaraniwang oso ngunit may mas payat na leeg, mahahabang mga binti, at balahibo.

Karamihan sa kanila ang karniboro o kumakain ng karne. Karamihan sa mga kinakain nila ang mga karnerong dagat at isda. Kapag naninila ang mga osong polar, kalimitan silang naghihintay sa mga butas sa niyebe, kung saan umaahon o sumisilip upang huminga. Namumuhay silang nag-iisa. Pumipiling sa kanilang mga ina ang mga batang polar bear sa loob ng 1.5–2.5 mga taon, at nagiging nasa hustong gulang na kapag 5–6 mga taon na. Iniisip ng mga tao na umaabot sa 25–30 taong gulang sa kalikasan ang mga osong polar, subalit umaabot ng 45 mga taon ang buhay kung nasa mga soo o katulad na pook.

Isang nanay na osong polar na kapiling ang kanyang mga supling.

Nagtatalk ang mga lalaki at babaeng osong polo tuwing Abril o Mayo. Isinisilang ang osong tuta o sanggol na osong polo tuwing Disyembre kung kailan nasa proseso ng hibernasyon o namamahingang natutulog sa loob ng saglit napanahon ang ina nito. Nananatili sa lungga ang tuta na kapiling ang ina, at lumalabas na sila pagkaraan. Kailangan nilang kumain kaagad pagkatapos ng hibernasyon. Kung minsan, dahil sa pag-init ng globo, hindi ito maaari at namamatay ang mga tutang oso bago sila magkaroon ng pagkakataong mamuhay. Nililisan ng ina ang tuta pagsapit ng 2–3 mga taon.

  1. Schliebe et al (2008). Ursus maritimus. Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 9 Mayo 2006. Kabilang sa database ang isang mahabang katwiran kung bakit nanganganib ang uring ito.
  2. Phipps, John (1774). A voyage towards the North Pole undertaken by His Majesty's command, 1773 /by Constantine John Phipps. London :Nilimbag ng W. Bowyer at J. Nicols, para kay J. Nourse. p. 185. Nakuha noong 2008-09-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lockwood, pp. 10–16

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]