Unibersidad ng Michigan
Ang Unibersidad ng Michigan (Ingles: University of Michigan) (U-M, UM, UMich, o U of M), o madalas na tinutukoy lamang bilang Michigan, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Ann Arbor, Michigan, Estados Unidos. Itinatag noong 1817 sa Detroit bilang ang Catholepistemiad, o Unibersidad ng Michigania, 20 taon bago ang Teritoryong Michigan ay naging isang estado, ang University of Michigan ay ang pinakamatandang pampamahalaang unibersidad sa estado. Ang unibersidad ay inilipat sa Ann Arbor noong 1837. Buhat nang maitatag ito sa Ann Arbor, ang university campus ay lalong pinalawak upang isama ang higit sa 584 pangunahing gusali na may isang pinagsamang erya na 34 milyong piye-kwadrado (781 acres o 3.16 km²), na nakakalat sa loob ng Gitnang Kampus at Hilagang Kampus. Meron ding ay may dalawang mga satellite campus ang unibersidad sa Flint at Dearborn, at isang Sentro sa Detroit. Ang Unibersidad ay isa sa mga nagtatag ng Association of American Universities.
42°16′37″N 83°44′17″W / 42.2769°N 83.7381°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.