Teorya ng tugtugin
Ang teoriya ng tugtugin o teoriya ng musika ay ang lahat-lahat na patungkol o tungkol sa pagsubok na maunawaan kung paano nagaganap o nangyayari ang tugtugin o musika. Ang taong gumagawa ng isang natatanging pag-aaral ng teoriya sa musika ay kilala bilang teorista ng tugtugin o teorista ng musika. Ilan sa mga teorista ng musika ang gumamit ng akustika, sikolohiyang pangtao, at sikolohiya upang mapag-aralan ang mga katangiang pag-aari ng musika at upang maipaliwanag ang kung paano at kung bakit napapansin o nadarama ang musika.
Sinusuri o sinisiyasat ng pag-aaral na ito ang wika at notasyon ng musika. Tinutunton at hinahanap nito upang mapag-alaman ang mga padron at mga kayarian sa mga tekniko ng mga kompositor sa kahabaan o sa loob ng mga henero, mga estilo, o mga kapanahunang pangkasaysayan. Sa malakihang diwa, dinadalisay at inuusisa ng teoriya ng musika ang mahahalaga o pundamental na mga sukatan o parametro o mga elemento ng ritmo ng musika, pati na ang harmoniya, tungkuling harmoniko, melodiya, istruktura, anyo o hubog, tekstura, at iba pa. Sa malawakan pa ring diwa, maaaring makasama sa teoriya ng musika ang anumang pagpapahayag, paniniwala, o konsepto o diwa ng o tungkol sa musika.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Boretz 1995, [pahina kailangan].
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.