Paracelsus
- Tungkol ito sa isang Suwisong manggagamot, huwag itong ikalito sa Paracelis na pangalan ng isang bayan sa Pilipinas.
Si Paracelsus [bigkas: /pa-ra-sel-sus/] o Paracelso [bigkas: /pa-ra-sel-so/] (ipinanganak 11 Nobyembre o 17 Disyembre, 1493 sa Ensiedeln, Suwisa – namatay sa 24 Setyembre, 1541 sa Salzburg, Austria) ay isang Swisong manggagamot, alkemista, astrologo, at panglahatang okultista.[1] Ipinanganak siya bilang Phillip von Hohenheim (ngunit ayon sa ensiklopedyang Who Were They? o "Sino Sila?", Theoprastus Bombastus von Hohenheim ang tunay niyang pangalan[1]), ngunit inangkin niya sa paglaon ang pangalang Philippus Theophrastus Aureolus Bombastus von Hohenheim. Sa paglaon pa, ginamit niya ang pamagat na Paracelsus. Ikinakabit sa kanya ang pagbibigay ng pangalang zincum para sa singk o zinc sa Ingles.[2] Siya rin ang itinuturing na Ama ng Anestisya o Ama ng Pampamanhid.[1]
Ukol sa pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilarawan ng ensiklopedyang Who Were They? si Paracelsus bilang isang "palalo", kaya't talagang pinakatawanan niya ang bahagi ng kanyang Bombastus na may kaugnayan sa pagiging "mayabang" o "hambog". Ang kanyang ugaling ito ang sa mga dahilan kung tinawag niya ang kanyang sarili bilang Paracelsus, na may kahulugang "kapantay o mahigit pa kay Celsus" (isang bantog na sinaunang Romanong manggagamot) o "mas mainam pa o mas magaling pa kaysa kay Celsus".[1]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman may ilan sa mga paniniwala ni Paracelsus ang maituturing na bilang superstisyon, marami rin siyang naiambag sa larangan ng panggagamot at pagtuturo ng medisina.[3] Kabilang sa kanyang mga konstribusyon ang mga sumusunod:
Bilang manggagamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang isang manggagamot, nakapagbigay sa Paracelsus ng mahahalagang mga abuloy sa larangan ng panggagamot. Kasama rin sa kanyang nagawa ang pagbibigay diin sa kahalagahan at pinakadiwa ng pagkakaroon ng kalinisan upang magkaroon ng mabuting kalusugan ang isang tao.[1] Siya rin ang unang manggagamot na nagdala ng kaalamang pangkimika sa panggagamot. Nagmungkahi siya ng bagong mga uri ng gamot, na inihahanda alinsunod sa mga patakaran ng agham, sa halip na naaayon sa pamahiin.[3] Ipinakilala niya sa medisina ang paggamit ng laudanum, sulpura, at merkuryo (elemento)merkuryo. Ginagamit pa sa kasalukuyang panahon ang mga sustansiyang ito.[1]
Bilang manunulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga inakdaan ni Paracelsus ang pagsulat ng unang aklat na may kaugnayan sa sakit ng tagapagmina o karamdaman ng minero, isang sakit na panghanapbuhay.[1]
Bilang alkimista
[baguhin | baguhin ang wikitext]Para kay Paracelsus, dapat na pag-aralan ng mga alkimista ang kung paano makakatuklas ng mga gamot, sa halip na paghahanap o paglikha ng ginto.[1]
Bilang tagapagturo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1527, naging isang propesor ng panggagamot si Paracelsus sa Pamantasan ng Basle (o Pamantasan ng Basel[3]). Bago simulan ang una niyang pagtalakay sa klase, sinunog niya ang mga aklat na sinulat ni Claudius Galen, na sumasagisag sa kanyang paniniwalang hindi lamang dapat bumatay ang isang nag-aaral ng medisina mula sa mga araling-aklat. Sa halip, dapat bigyan ng pansin ng mag-aaral ang pasyenteng tao.[1] Batay sa konseptong Griyego, ibinalik ni Paracelsus ang diwang "karanasan ang susi" para sa tamang pagbibigay-lunas sa isang may sakit. Dinala niya ang kanyang mga estudyante sa tabi ng mga higaan ng mga pasyente, sa halip na manatili lamang sa loob ng silid-aralan upang tumalakay ng mga paksa.[3]
Nagturo rin siya na gamit ang wikang Aleman, imbis na Latin.[3] Ikinagalit ng maraming kasama niya sa pagkapropesor kanyang pagkalaban sa mga ideya ni Galen, kasama na rito ang paggamit niya ng Aleman sa pagtuturo.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Paracelsus (1493-1541), ayon sa sangguniang ito, Theoprastus Bombastus von Hohenheim ang tunay niyang pangalan, Who was Paracelsus?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 99. - ↑ Habashi, Fathi, Discovering the 8th Metal (PDF), International Zinc Association (IZA).
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "Paracelsus, History of Medicine". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 205.