[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024
Mapa ng mga dinaanan ng bagyo sa panahong ito
Hangganan ng panahon
Unang nabuoMayo 23, 2024
Huling nalusawHindi pa tukoy
Pinakamalakas
PangalanEnteng (Yagi) at Julian (Krathon)
 • Pinakamalakas na hangin195 km/o (120 mil/o)
(10-minutong pagpanatili)
 • Pinakamababang presyur915 hPa (mbar)
Estadistika ng panahon
Depresyon33
Mahinang bagyo21
Bagyo7
Superbagyo2 (di-opisyal)
Namatay1,153 kabuoan
Napinsala$26.8 bilyon (2024 USD)(PHP1.6 trilyon)
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko
2022, 2023, 2024, 2025, 2026

Ang panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024 ay ang panahon ng bagyo na taunang nagaganap sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Bagamat taunan, nagiging aktibo ito pagsapit ng buwan ng Mayo hanggang Oktubre. Ang unang bagyo na nabuo at pinangalanan sa loob ng lugar ng responsibilidad, Aghon, ay nabuo noong Mayo 22 na kalaunan ay tumama sa Pilipinas at lumakas bilang ang unang matinding bagyo ng taon.

Limitado ang artikulong ito sa Karagatang Pasipikong nasa itaas ng ekwador sa pagitan ng 100° silangan at ika-180 meridyan. Sa loob ng bahaging ito ng Pasipiko, may dalawang pangunahing ahensiyang nagpapangalan sa mga bagyo na nagiging dahilan para magkaroon ng dalawang pangalan ang iisang bagyo. Papangalanan ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapon (Japan Meteorological Agency, JMA) ang isang sama ng panahon kung ito ay may 10-minutong napapanatiling bilis ng hangin na hindi bababa sa 65 kilometro kada oras (40 milya kada oras) saanman sa nasasakupang lugar, samantalang pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga dumadaan na bagyo o nagiging depresyong tropikal (tropical depression) sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad sa pagitan ng 135° sa silangan hanggang 115° sa silangan at sa pagitan ng 5° hilaga hanggang 25° hilaga kahit na wala pang binibigay na pangalan ang JMA. Ang mga minamanmanan na depresyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos ay binibigyan ng isang numero at hulaping "W."

Ginagamit ng artikulong ito ang pangalan na binigay ng PAGASA. Para naman sa mga bagyong di pinangalanan ng PAGASA, gagamitin ang pangalan nito sa buong mundo, nang ''nakapahilis''.

Mga pagtataya sa panahong 2024
Petsa ng pagtataya ng TSR Bagyo Malubhang bagyo Matinding bagyo ACE Sanggunian
Kadalasan (1991–2020) 25.5 16.0 9.3 301 [1]
Mayo 7, 2024 25 15 7 225 [1]
Hulyo 5, 2024 24 14 7 211 [2]
Agosto 7, 2024 24 14 7 177 [3]
Petsa ng Pagtataya ng PAGASA Sakop Bagyo Sanggunian
Enero 15, 2024 Enero-Marso 0-2 bagyo [4]
Enero 15, 2024 Abril-Hunyo 2-4 bagyo [4]
Hunyo 26, 2024 Hulyo-Setyembre 6-10 bagyo [5]
Hunyo 26, 2024 Oktubre-Disyembre 4-7 bagyo [5]
Panahon ng 2024 Ahensiya Bagyo Mahinang bagyo Matinding bagyo Sang.
Aktwal na aktibidad JMA 33 21 7
Aktwal na aktibidad JTWC 23 18 9
Aktwal na aktibidad PAGASA 12 9 3

Taon-taon naglalabas ang iba't ibang mga ahensiyang pampanahon ng maraming bansa ng kani-kanilang mga pagtataya patungkol sa kung ilan ang mabubuong bagyo sa isang panahon, o di kaya'y ilang bagyo ang makakaapekto sa isang partikular na bansa o rehiyon. Kasama sa mga ahensiyang ito ay ang Konsorsyo sa Peligro ng Bagyo (Tropical Storm Risk Consortium) ng University College London, ang PAGASA ng Pilipinas, at ang Kawanihang Sentral ng Panahon ng Taiwan.

Noong Mayo 7, inilabas ng Tropical Storm Risk (TSR) ang unang pagtataya nito para sa 2024 season, hinulaan na ang tropikal na aktibidad para sa 2024 ay mas mababa sa average na may 25 na pinangalanan bagyo, 15 na bagyo at 7 na malalakas na bagyo. Ito ay sa kadahilanan ng kasalukuyang El Niño sa panahong iyon, na inaasahan na mapalitan sa mahina o katamtamang La Niña sa kalagitnaan ng taon.[1] Sa kanilang pagtataya sa Hulyo, ibinaba nila ang inaasahang mga bagyo para sa taong ito.[2] Pagdating ng Agosto, pinatili nila ang mga bilang ng bagyo ngunit ibinaba ang ACE dahil sa mabagal na pagsisimula ng aktibidad sa taong ito at mababang aktibidad noong unang bahagi ng Agosto. Inaasahan din nila, dahil sa pagkakaroon ng negatibong kondisyon sa Pasipiko noong 2020, posibleng maitala ang pinakababang limang-taunang aktibidad simula noong 1965.[3]

Sa pagtataya naman ng PAGASA para sa unang kalahati ng taon, 0-2 na bagyo ang inaasahang mabubuo o papasok sa kanilang lugar ng responsibilidad para sa buwan ng Enero hanggang Marso habang 2-4 na bagyo naman para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo.[4] Sa kanilang pagtataya naman para sa nalalabing bahagi ng taon, 6-10 na bagyo ang inaasahan nila para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre at 4-7 na bagyo mula Oktubre hanggang sa katapusan ng taon.

Bagyong JulianBagyong EntengBagyong CarinaBagyong Aghon

Walang nabuong bagyo sa halos limang buwan hanggang sa Mayo 22 nang may nabuong isang tropikal na depresyon sa timog-silangan ng Palau. Ito ay kalaunang pinangalanang Aghon ng PAGASA. Sumunod ay nag-landfall si Aghon nang siyam na beses sa Pilipinas: Isla ng Homonhon; Giporlos, Eastern Samar; mga Isla ng Basiao at Cagduyong ng Catbalogan, Samar; Batuan, Masbate; Masbate City; Torrijos, Marinduque; Lucena at Patnanungan, Quezon. Nang maglaon, ito ay binigyan ng pangalang Ewiniar ng JMA at sa kalaunan ay lumakas bilang isang typhoon sa Dagat Pilipinas. Kumilos ito papunta sa bansang Hapon at naging extra-tropikal na bagyo nong Mayo 30. Sa parehong araw, isang panibagong depresyon ang nabuo sa timog-kaliwa ng Haikou at pinangalanang Maliksi ng JMA. Kinabukasan ay tumama din ito sa Tsina at nalusaw noong Hunyo 2.

Pagkatapos ng isang buwan ng inaktibidad, isang depresyon ang nabuo ng Hulyo 13 at pinangalanang 03W ng JTWC na kalaunan ay nag-landfall sa bansang Vietnam. Sumunod, dalawang depresyon ang nabuo sa magkabilang-gilid ng Pilipinas; ang depresyon sa kanluran ay pinangalanang Butchoy habang ang nasa silangan ay pinangalanang Carina. Pagkatapos ay agad ding lumabas ng PAR ang bagyong Butchoy at lumakas bilang bagyong Prapiroon habang ito ay patungo ng Hainan habang lumapit naman sa Luzon ang bagyong Carina na lumakas din bilang bagyong Gaemi. Noong Hulyo 21, nag-landfall sa Hainan si Prapiroon habang patuloy na lumalakas at kumikilos na pa-hilaga si Gaemi. Pagkatapos ay lumakas pa si Prapiroon sa Golpo ng Tonkin at naglandfall sa Hilagang Vietnam. Dahil sa magandang kondisyon ng kinalalagyan ni Gaemi, mabilis itong lumakas at naging isang super-bagyo, ayon sa PAGASA, habang tinutumbok nito ang bansang Taiwan. Nang hatinggabi ng Mayo 25, nag-landfall si Gaemi sa Taiwan at tuluyan na ding nakalabas ng PAR pagkatapos ng ilang oras.

Nasa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

1. Bagyong Aghon (Ewiniar)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Aghon (Ewiniar)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 2 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoMayo 23
NalusawMayo 30
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 140 km/h (85 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 175 km/h (110 mph)
Pinakamababang presyur970 hPa (mbar); 28.64 inHg

Ang Bagyong Aghon ay ang unang bagyong pumasok sa Pilipinas sa taong 2024. Ito ay unang namataan bilang Low Pressure Area (LPA) sa layong 350km hilaga ng bansang Papua New Guinea sa Karagatang Pasipiko. Ito ay kumikilos sa bilis na 10kph sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at naging isang ganap na bagyo sa layong 250 kilometro sa silangan ng Dinagat Islands sa Mindanao. Naminsala ang Bagyong Aghon sa mga bansang Pilipinas, Taiwan at Japan matapos nitong tahakan ang Dagat Pilipinas sa Karagatang Pasipiko.

4. Bagyong Butchoy (Prapiroon)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Butchoy (Prapiroon)
Malubhang bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoHulyo 19
NalusawHulyo 25
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 110 km/h (70 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 110 km/h (70 mph)
Pinakamababang presyur980 hPa (mbar); 28.94 inHg

Namataan ang LPA ng magiging Bagyong Butchoy sa silangan ng Mindanao. Unti-unti itong umakyat at tinawid ang Visayas at Timog Luzon hanggang sa nakalabas ito ng Kanlurang Karagatan ng Pilipinas. Pagdating ng 8 p.m. (12:00 UTC) ng Hulyo 19, nabuo ito bilang isang depresyon sa may 535 kilometro kanluran ng Lungsod ng Tanuan sa Batangas.

5. Bagyong Carina (Gaemi)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Carina (Gaemi)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoHulyo 19
NalusawHulyo 27
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 165 km/h (105 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 230 km/h (145 mph)
Pinakamababang presyur919 hPa (mbar); 27.14 inHg

Namataan ang isang LPA sa malayong silangan ng Silangang Visayas sa Dagat Pilipinas noong Hulyo 19. Pagdating ng 8 p.m. (12:00 UTC) sa parehong araw na iyon, nabuo ito bilang Bagyong Carina. Kalaunan ay lumapit ito sa Luzon at lumakas na kung saan ay pinangalanang Gaemi ng JMA ang bagyo. Bago ito tumama sa Taiwan, lumakas ito na kung saan ay idineklara ng PAGASA na naging isang super-bagyo si Carina.

10. Bagyong Dindo (Jongdari)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Dindo (Jongdari)
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 17
NalusawAgosto 21
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 75 km/h (45 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 65 km/h (40 mph)
Pinakamababang presyur998 hPa (mbar); 29.47 inHg

Namuo ang isang LPA sa silangang bansa ng Taiwan na pinalangang Jongdari ng JMA at Dindo ng PAGASA sa Pilipinas, Ika 11 Agosto ay kumikilos sa direksyong hilaga ay patuloy na tinatahak ang mga bansang Korea.

16. Bagyong Enteng (Yagi)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Enteng (Yagi)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 31
NalusawSetyembre 8
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 195 km/h (120 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 260 km/h (160 mph)
Pinakamababang presyur915 hPa (mbar); 27.02 inHg

Namataan ng JMA ang isang LPA sa layong 540km (330 mi) sa direksyong hilagang silangan ng Palau sa Karagatang Pasipiko. Habang nasa Dagat Pilipinas ang Bagyong Enteng na nasa bahagi ng Baler, Aurora ay lumakas ang bagyo na nasa kategoryang Malubhang bagyo (Severe tropical storm) habang tinatawad ang malaking bahagi ng Hilagang Luzon partikular sa CAR hanggang sa lumabas ito sa Rehiyon ng Ilocos at patuloy na tinatawid ang Dagat Luzon. Habang patuloy na kumikilos ang bagyo mula kategorya 2 hanggang 4 ay nakaalerto ang lalawigan ng Hainan sa posibleng pagtama ng bagyo, na itinaas sa #Signal 8. partikular sa iba pang lungsod sa Hong Kong at Shenzhen, Setyembre 6, 2024 ng maglandfall ang bagyo sa Hainan.

20. Bagyong Ferdie (Bebinca)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 1 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 9
NalusawSetyembre 18
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 140 km/h (85 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 140 km/h (85 mph)
Pinakamababang presyur965 hPa (mbar); 28.5 inHg

Ika Setyembre 9 ay isang sirkulasyon ang namataan ng JMA, ang nabuo sa malawak na Karagatang Pasipiko ay patuloy na tinatahak ang direksyon sa Guam, Setyembre 12 ng pumasok ito sa PAR ng Pilipinas at pinangalanang lokal ng PAGASA bilang #FerdiePH sa pangalang internasyonal na Bebinca. Ay bagyo ay kumikilos sa bilis na 100km at may lakas na 75kph, habang patungo sa direksyon sa Dagat Silangang Tsina at inaasahang tatama sa lungsod ng Shanghai, Ika Setyembre 16 ng manalasa ang bagyo sa lungsod na nasa Kategoryang 1, #Signal No. 5.

21. Bagyong Gener (Soulik)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Gener (Soulik)
Bagyo (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 15
NalusawSetyembre 20
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur992 hPa (mbar); 29.29 inHg

Ika Setyembre 15 sa silangang bahagi nsa Baler, Aurora ay may namamataang isang sama ng panahon bilang LPA (Low Pressure) na kumikilos sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 75kph, Setyembre 16, 11:35 pm ng gabi ng mag-land fall ang bagyo sa bayan ng Palanan, Isabela at lumabas sa bahagi ng Sinait, Ilocos Sur ika 5pm ng hapon, Habang patuloy na tinatahak ang direksyong sa Kanlurang Dagat Pilipinas.

22. Bagyong Helen (Pulasan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Helen (Pulasan)
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSeptyembre 15
NalusawSetyembre 21
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 85 km/h (50 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 110 km/h (70 mph)
Pinakamababang presyur992 hPa (mbar); 29.29 inHg

Ika Setyembre 16 ay namataan ng JMA ang isang sirkulasyon na nabuo sa bahagi sa Saipan sa Guam na pinangalanang "Pulasan" habang kumikilos sa direksyon pa hilagang kanluran sa bilis na 100kph at tinatawid ang bahaging PAR sa Pilipinas na pinangalan ng PAGASA na pre-Helen PH, Ang bagyo ay patuloy na kumikilos habang tinutumbok ang lalawigan ng Fujian sa Tsina sa ika Setyembre 19, 2024.

23. Bagyong Igme (17W)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Igme (17W)
Depresyon (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 20
NalusawSetyembre 21
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 55 km/h (35 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur1002 hPa (mbar); 29.59 inHg

Namataan ang isang LPA sa 530km silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, Ika Setyembre 20 ng maging isang ganap na bagyo na pinangalanan ng PAGASA bilang IgmePH. Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang Kanluran pa Taiwan.

27. Bagyong Julian (Krathon)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Julian (Krathon)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 26
NalusawOktubre 4
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 195 km/h (120 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 240 km/h (150 mph)
Pinakamababang presyur915 hPa (mbar); 27.02 inHg

Isang sirkulasyon bilang LPA ang namataan ng JMA sa silangang bahagi sa Taiwan sa Dagat Silangang Tsina at Kapuluan ng Ryukyu sa Japan, naganap bilang isang bagyo na pinangalanang Krathon na hango sa bansa sa Thailand, at bagyong JulianPH sa Pilipinas, kumikilos ang bagyo na direksyong paikot mula pa timog silangan pabalik sa direksyon pa hilaga, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 75 klm silangan ng Basco, Batanes na nasa Kategoryang 3.

32. Bagyong Kristine (Trami)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Kristine (Trami)
Malubhang bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoOktubre 19
NalusawAktibo
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 95 km/h (60 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 85 km/h (50 mph)
Pinakamababang presyur985 hPa (mbar); 29.09 inHg

Namataan ng JMA ang isang sirkulasyong nabuo ika Oktubre 20 sa kanlurang bahagi ng isla ng Marianas sa Guam, ay kumikilos sa direksyong pa timog kanluran sa bilis na 30kph.


33. Bagyong Leon (Kong-rey)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Leon (Kong-rey)
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoOktubre 24
NalusawAktibo
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 65 km/h (40 mph)
Pinakamababang presyur994 hPa (mbar); 29.35 inHg
Mga bagyo sa bawat buwan ng 2024
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Buwan Bagyo
Enero N/A
Pebrero
Marso
Abril
Mayo Aghon
Hunyo N/A
Hulyo Butchoy, Carina
Agosto Dindo, Enteng
Setyembre Ferdie, Gener, Helen, Igme, Julian
Oktubre Kristine, Leon (aktibo)
Nobyembre Marce (unused), Nika (unused), Ofel (unused)
Disyembre Pepito (unused), Querubin (unused), Romina (unused)

Nasa labas ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

2. Bagyong Maliksi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Maliksi
Bagyo (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoMayo 30
NalusawHunyo 1
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur998 hPa (mbar); 29.47 inHg

Nabuo si Bagyong Maliksi bilang isang depresyon sa timog-silangan ng Haikou sa bansang Tsina noong Mayo 30. Ito ay mabagal na kumilos pa-hilaga hanggang sa pinangalanan ng JMA ang bagyo nang Maliksi nang sumunod na araw. Ngunit, pinatili ng JTWC ang pagiging depresyon nito hanggang sa mag-landfall ito sa Tsina ng madaling araw ng Hunyo 1. Ito ay nalusaw bilang LPA pagkalipas nang isang araw habang kumikilos pa-silangan patungong Taiwan.

3. Bagyong 03W

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong 03W
Depresyon (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoHulyo 13
NalusawHulyo 15
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 55 km/h (35 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 45 km/h (30 mph)
Pinakamababang presyur1000 hPa (mbar); 29.53 inHg

6. Bagyong Ampil

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Ampil
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 4
NalusawAgosto 19
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 155 km/h (100 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 215 km/h (130 mph)
Pinakamababang presyur950 hPa (mbar); 28.05 inHg

Noong Agosto 3, sinimulan ng JTWC na subaybayan ang isang lugar ng convection 976 km (606 mi) silangan ng Kadena Air Base noong Agosto 3. Sa 18:00 (UTC) sa parehong araw, itinalaga ng JMA ang sistema bilang isang lugar na may mababang presyon. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang sistema ay na-upgrade sa isang tropikal na depresyon. Humina ang depresyon at huling nabanggit ng JMA noong Agosto 7. Ang kaguluhan ay lumiko sa timog ng Ryukyu Islands sa loob ng ilang araw bago ito muling itinalaga ng JMA bilang isang tropikal na depresyon noong Agosto Pagkalipas ng ilang oras, kinilala nila ang sistema bilang isang tropikal na depresyon, na itinalaga ito bilang 08W. Hindi nagtagal, napansin ng JMA na lumakas ito at naging tropical storm at pinangalanan itong Ampil

7. Bagyong Maria

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Maria
Malubhang bagyo (JMA)
Kategorya 1 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 5
NalusawAgosto 14
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 100 km/h (65 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 130 km/h (80 mph)
Pinakamababang presyur980 hPa (mbar); 28.94 inHg

Isang sirkulasyon ang namataan ng JMA sa layong 150km timog ng Tokyo-Yokohama sa Japan, ng maging isang ganap na bagyo noong Agosto 5 na pinangalanang Maria at tinatahak ang direksyong hilagang kanluran, patungo ang bagyo sa lalawigan ng Miyagi at patuloy na tinatahak ang direksyon sa lungsod ng Sendai.

8. Bagyong Son-Tinh

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Son-Tinh
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 10
NalusawAgosto 14
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 75 km/h (45 mph)
Pinakamababang presyur944 hPa (mbar); 27.88 inHg

9. Bagyong Wukong

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Wukong
Bagyo (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 12
NalusawAgosto 15
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur1002 hPa (mbar); 29.59 inHg

14. Bagyong Shanshan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Shanshan
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 4 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoAgosto 21
NalusawSetyembre 1
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 175 km/h (110 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 215 km/h (130 mph)
Pinakamababang presyur935 hPa (mbar); 27.61 inHg

17. Bagyong Hone

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Hone
Depresyon (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 1 (pumasok)
NalusawSetyembre 8
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 55 km/h (35 mph)
Sa loob ng 1 minuto: (subtropikal) 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur1004 hPa (mbar); 29.65 inHg

18. Bagyong Leepi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Leepi
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 2
NalusawSetyembre 6
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 65 km/h (40 mph)
Pinakamababang presyur1002 hPa (mbar); 29.59 inHg

24. Bagyong Cimaron

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Cimaron
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 24
NalusawSetyembre 27
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 65 km/h (40 mph)
Pinakamababang presyur1002 hPa (mbar); 29.59 inHg

25. Bagyong Jebi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Jebi
Malubhang bagyo (JMA)
Kategorya 1 (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoSetyembre 25
NalusawOktubre 2
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 110 km/h (70 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 130 km/h (80 mph)
Pinakamababang presyur985 hPa (mbar); 29.09 inHg

28. Bagyong Barijat

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagyong Barijat
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)

Larawan sa labas ng mundo

Mapa ng daanan
NabuoOktubre 5
NalusawOktubre 11
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 85 km/h (50 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 95 km/h (60 mph)
Pinakamababang presyur990 hPa (mbar); 29.23 inHg

Iba pang Sistema

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 11. Isang depresyon ang nabuo sa Dagat Pilipinas noong Agosto 19 ngunit nalusaw noong Agosto 22. Ngunit, nabuo muli ito bilang isang depresyon noong sumunod na araw habang binabaybay ang dagat sa timog ng Hapon. Dahil sa paparating na Bagyong Shanshan, kumilos and depresyon pa-timog kanluran hanggang sa nalusaw ito noong Agosto 26.
  • 12. Isang depresyon ang nabuo sa kanluran ng Kyushu noong Agosto 19 na kalaunan ay kumilos pa-hilaga at nalusaw sa parehong araw.
  • 13. Noong Agosto 20, isang depresyon ang nabuo sa timog-silangan ng Hapon na agad ding nalusaw.
  • 15. Isang depresyon ang nabuo muli sa timog-silangan ng Hapon noong Agosto 30 at nalusaw din ito noong 2 a.m. ng Agosto 31 (18:00 UTC Agosto 30).
  • 19. Noong Setyembre 4, isang depresyon ang nabuo sa Dagat Pilipinas. Ito ay huling minarkahan ng JMA noong 8 a.m. ng Setyrembre 6 (00:00 UTC) na kung saan ay humina ito bilang isang LPA. Pagkalipas ng tatlong araw araw, minarkahan ito muli bilang isang depresyon na kung saan ay kumilos ito papunta sa Silangang Tsina hanggang sa tumama ito noong Setyembre 11. Nalusaw ito kinabukasan.
  • 26. Noong Setyrembre 26, may nabuong depresyon sa kanluran ng Guam ngunit ito ay nalusaw kinabukasan.
  • 29. Isang depresyon ang nabuo sa kanluran ng Guam noong Oktubre 6. Dahil sa kalapitan nito sa isang depresyon na magiging Bagyong Barijat, nagkaroon ng Fujiwhara effect sa pagitan ng dalawang bagyo na naging sanhi para ang depresyon ay kumilos pa-silangan at mahigop sa sirkulasyon ng pangalawang bagyo kinabukasan.
  • 30. Noong Oktubre 12, may nabuong depresyon sa hilagang-silangan ng Mukojima. Dahil sa pagkakaroon ito ng parehong tropikal at ekstra-tropical na katangian ay itinuring ito ng JTWC na isang sub-tropikal na sistema. Kalaunan, tuluyan ito naging ekstra-tropikal at huling minarka na ito ng JMA bilang isang depresyon noong Oktubre 14.
  • 31. Noong Oktubre 16, isang depresyon ang nabuo sa hilaga ng Mikronesia ngunit ito rin ay agad humina bilang isang LPA sa parehong araw. Ang nagmulang LPA mula dito ay nag-ambag sa pamumuo ng Bagyong Kristine.

Pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gagamitin ng PAGASA ang mga pangalang huling ginamit noong panahon ng 2020, kung saan 22 ang pumasok sa Sakop na Responsibilidad nito. Ang mga pangalang Aghon, Querubin, Romina and Upang ay inaasahang gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon sa taong ito, matapos nitong palitan ang mga pangalang Ambo, Quinta, Rolly at Ulysses.

  • Ferdie (2412)
  • Gener (2415)
  • Helen (2414)
  • Igme
  • Julian (2418)
  • Kristine (2420)
  • Leon (aktibo) (2421)
  • Marce (unused)
  • Nika (unused)
  • Ofel (unused)
  • Pepito (unused)
  • Querubin (unused)
  • Romina (unused)
  • Siony (unused)
  • Tonyo (unused)
  • Upang (unused)
  • Vicky (unused)
  • Warren (unused)
  • Yoyong (unused)
  • Zosimo (unused)
Auxiliary list
  • Alakdan (unused)
  • Baldo (unused)
  • Clara (unused)
  • Dencio (unused)
  • Estong (unused)
  • Felipe (unused)
  • Gomer (unused)
  • Heling (unused)
  • Ismael (unused)
  • Julio (unused)


Internasyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang JMA ang nagpapangalang sa mga bagyong may taglay na 65 kilometro kada oras o higit pa, sa loob ng 10 minuto. Ito ay kinukuha nila sa listahan ng 140 na pangalan, na nanggaling sa 14 na bansa at teritoryo na kabilang sa komite ng ESCAP/WMO.

  • Ewiniar (2401)
  • Maliksi (2402)
  • Gaemi (2403)
  • Prapiroon (2404)
  • Maria (2405)
  • Son-Tinh (2406)
  • Ampil (2407)
  • Wukong (2408)
  • Jongdari (2409)
  • Shanshan (2410)
  • Yagi (2411)
  • Leepi (2412)
  • Bebinca (2413)
  • Pulasan (2414)
  • Soulik (2415)
  • Cimaron (2416)
  • Jebi (2417)
  • Krathon (2418)
  • Barijat (2419)
  • Trami (2420) (aktibo)
  • Kong-rey (2421) (aktibo)
  • Yinxing (unused)
  • Toraji (unused)
  • Man-yi (unused)
  • Usagi (unused)
  • Pabuk (unused)
  • Wutip (unused)
  • Sepat (unused)

Epekto sa Panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan Petsang aktibo Tugatog Bilis ng hangin Presyur Naapektuhan Pinsala
(USD)
Namatay Sang.
Mga pumasok o nabuo sa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas
Aghon (Ewiniar) Mayo 23–30 Malakas na bagyo 140 km/h (85 mph) 970 hPa (28.64 inHg) Pilipinas, Hapon, Alaska $20.88 milyon (PHP 1.19 bilyon) &0000000000000006000000 6 [6]
Buchoy (Prapiroon) Hulyo 19–24 Malubhang bagyo 110 km/h (70 mph) 980 hPa (28.94 inHg) Pilipinas, Timog Tsina, Vietnam, Laos, Thailand, Cambodia >$18.9 milyon (PHP >1.08 bilyon) &0000000000000023000000 23
Carina (Gaemi) Hulyo 19–27 Malakas na bagyo 165 km/h (105 mph) 940 hPa (27.76 inHg) Pilipinas, Taiwan, Silangang Tsina, Mga Isla ng Yaeyama, Indonesia, Cambodia, Singapore, Hilagang Korea $305 milyon (PHP 17.23 bilyon) &0000000000000126000000 126
Dindo (Jongdari) Agosto 17-21 Bagyo 75 km/h (45 mph) 998 hPa (29.47 inHg) Taiwan, Mga Isla ng Miyako, Mga Isla ng Yaeyama, Tangway ng Korea Wala &0000000000000000000000 Wala
Enteng (Yagi) 240831|Agosto 31-Setyembre 8} Malakas na bagyo 195 km/h (120 mph) 915 hPa (27.02 inHg) Palau, Pilipinas, Timog Tsina, Hong Kong, Vietnam, Laos, Thailand, Myanmar >$16.6 bilyon (PHP 517 bilyon) &0000000000000840000000 840
Ferdie (Bebinca) Setyembre 9-18 Malakas na bagyo 130 km/h (80 mph) 965 hPa (28.50 inHg) Guam, Hilagang Kapuluang Mariana, Pilipinas, Mga Isla ng Ryukyu, Silangang Tsina $1.42 bilyon &0000000000000008000000 8
Gener (Soulik) Setyembre 15-20 Bagyo 65 km/h (40 mph) 992 hPa (29.29 inHg) Pilipinas, Vietnam, Laos, Thailand, Cambodia, Myanmar $22.63 milyon &0000000000000029000000 29
Helen (Pulasan) Setyembre 15-21 Bagyo 85 km/h (50 mph) 992 hPa (29.29 inHg) Guam, Hilagang Kapuluang Mariana, Pilipinas, Silangang Tsina, Timog Korea, Hapon Di-alam &0000000000000012000000 12
Igme (17W) Setyembre 20-21 Depresyon 55 km/h (35 mph) 1002 hPa (29.59 inHg) Pilipinas, Taiwan, Mga Isla ng Ryukyu, Silangang Tsina Di-alam &0000000000000000000000 Wala
Julian (Krathon) Setyembre 26-Oktubre 4 Malakas na bagyo 195 km/h (120 mph) 915 hPa (27.02 inHg) Pilipinas, Taiwan, Mga Isla ng Ryukyu $336 milyon &0000000000000018000000 18
Kristine (Trami) Oktubre 19-aktibo Malubhang bagyo 95 km/h (60 mph) 985 hPa (29.09 inHg) Palau, Pilipinas, Taiwan $83.2 milyon &0000000000000082000000 82
Leon (Kong-rey) Oktubre 24-aktibo Bagyo 65 km/h (40 mph) 994 hPa (29.35 inHg) Guam, Hilagang Kapuluang Mariana Wala &0000000000000000000000 Wala
Mga nasa labas ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas
Maliksi Mayo 30–Hunyo 1 Bagyo 65 km/h (40 mph) 998 hPa (29.47 inHg) Timog Tsina, Taiwan Di-alam &0000000000000000000000 Wala
03W Hulyo 13–15 Depresyon 55 km/h (35 mph) 1000 hPa (29.53 inHg) Vietnam, Laos, Thailand Wala &0000000000000000000000 Wala
Ampil Agosto 4–19 Malakas na bagyo 155 km/h (100 mph) 950 hPa (28.05 inHg) Mga Isla ng Bonin, Hapon, Alaska Wala &0000000000000000000000 Wala
Maria Agosto 5–14 Malubhang bagyo 100 km/h (65 mph) 980 hPa (28.94 inHg) Mga Isla ng Bonin, Hapon Wala &0000000000000000000000 Wala
Son-Tinh Agosto 10–14 Bagyo 65 km/h (40 mph) 994 hPa (29.35 inHg) Alaska Wala &0000000000000000000000 Wala
Wukong Agosto 12-15 Bagyo 65 km/h (40 mph) 1002 hPa (29.59 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Agosto 19-26 Depresyon Hindi tukoy 1006 hPa (29.71 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Agosto 19 Depresyon 55 km/h (35 mph) 1006 hPa (29.71 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Agosto 20 Depresyon Hindi tukoy 1006 hPa (29.71 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
Shanshan Agosto 21-Setyembre 1 Malakas na bagyo 175 km/h (110 mph) 935 hPa (27.61 inHg) Guam, Hilagang Kapuluang Mariana, Hapon, Timog Korea >$100 milyon (PHP >5.65 bilyon) &0000000000000006000000 6
TD Agosto 30 Depresyon Hindi tukoy 1006 hPa (29.71 inHg) Hapon Di-alam &0000000000000000000000 Wala
Hone Setyembre 1-8 Depresyon 55 km/h (35 mph) 1004 hPa (29.65 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
Leepi Setyembre 2-6 Bagyo 65 km/h (40 mph) 1002 hPa (29.59 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Setyembre 4-6 Depresyon Hindi tukoy 1006 hPa (29.71 inHg) Hapon Di-alam &0000000000000000000000 Wala
Cimaron Setyembre 24-27 Bagyo 65 km/h (40 mph) 1002 hPa (29.59 inHg) Wala Di-alam &0000000000000000000000 Wala
Jebi Setyembre 25-Oktubre 2 Malubhang bagyo 110 km/h (70 mph) 985 hPa (29.09 inHg) Guam, Hilagang Kapuluang Mariana, Hapon, Mga Isla ng Kuril Di-alam &0000000000000000000000 Wala
TD Setyembre 26-27 Depresyon Hindi tukoy 1006 hPa (29.71 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
Barijat Oktubre 5-11 Bagyo 85 km/h (50 mph) 990 hPa (29.23 inHg) Guam, Hilagang Kapuluang Mariana, Mga Isla ng Kuril, Tangway ng Kamchatka Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Oktubre 6-7 Depresyon Hindi tukoy 1006 hPa (29.71 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Oktubre 12-14 Depresyon 55 km/h (35 mph) 1006 hPa (29.71 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
TD Oktubre 16-17 Depresyon Hindi tukoy 1008 hPa (29.77 inHg) Wala Wala &0000000000000000000000 Wala
Kabuuan ng panahon
33 bagyo Mayo 23 – Kasalukuyang nangyayari 195 km/h (120 mph) 915 hPa (27.02 inHg) PHP 540 bilyon 1153


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Lea, Adam; Wood, Nick (Mayo 7, 2023). Extended Range Forecast for Northwest Pacific Typhoon Activity in 2024 [Pagtatayang Pinalawig ang Sakop Para Sa Aktibidad Sa Hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2024] (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Tropical Storm Risk Consortium. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Mayo 6, 2023. Nakuha noong Mayo 7, 2023.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Lea, Adam; Wood, Nick (Hulyo 5, 2024). Early July Forecast for Northwest Pacific Typhoon Activity in 2024 [Maagang Hulyong Pagtataya Para Sa Aktibidad Sa Hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2024] (Ulat) (sa wikang Ingles). Tropical Storm Risk Consortium. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 20, 2024. Nakuha noong Setyembre 2, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Lea, Adam; Wood, Nick (Agosto 7, 2024). Early August Forecast for Northwest Pacific Typhoon Activity in 2024 [Maagang Agostong Pagtataya Para Sa Aktibidad Sa Hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2024] (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles).{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Seasonal Climate Outlook January – June 2024 [Pana-panahong Pagtataya sa Klima Mula Enero - Hunyo 2024] (PDF) (Ulat). Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Enero 15, 2024. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Hunyo 10, 2024. Nakuha noong Hulyo 23, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 161th Climate Forum (July–December 2024) [161th Pagtalakay sa Klima (Hulyo-Disyembre 2024)] (PDF) (Seasonal Climate Outlook). Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Hunyo 26, 2024. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Hulyo 19, 2024. Nakuha noong Hulyo 23, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Aghonph); $2