[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Bagyong Kristine

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Kristine (Trami)
Malubhang bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)
NabuoOktubre 20
NalusawAktibo
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 100 km/h (65 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 100 km/h (60 mph)
Pinakamababang presyur985 hPa (mbar); 29.09 inHg
Namatay100+
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024

Ang Bagyong Kristine (Pagtatalagang: Bagyong Trami), ay isang malakas na bagyong tumama sa Pilipinas na ika labing isa sa buwan ng Oktubre taon'g 2024,[1]Ang sirkulasyon ay itinaas sa kategoryang Malubhang Bagyo (Severe Tropical Storm) habang papalapit ,pasubsob na direksyon-kanluran timog kanluran na namataan sa layong 250 klm silangan ng Casiguran, Aurora. Sa kasalakuyan ang bagyo ay nakapagtala ng mahigit sa 100+ ang mga nasawi, 71+ ang mga sugatan at 35+ pa ang mga mawawala.

Meteorolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang galaw ng Bagyong Kristine.

Ika Oktubre 19, 2024 nang namataan ng JMA ang isang sirkulasyon sa bahagi ng isla ng Mariana's sa Guam, Itinaas ng JTWC bilang isang Tropikal Depresyon at papanglanin sa internasyonal bilang Trami,[2]Dakong 12 AM ng umaga ika Oktubre 21 nang pumasok sa PAR ng Pilipinas ang bagyo at ipinangalan sa lokal bilang #KristinePH ng PAGASA.[3]Ika Oktubre 24 nang mag landfall ang bagyo sa bayan ng Divilacan, Isabela, pasadong 8 ng umaga, Dakong 1pm ng hapon namataan ang sentro ng bagyo sa bayan ng sa Lalawigang Bulubundukin at inaasahang lalabas sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur habang tinatahak ang Kanlurang Dagat Pilipinas, Ika Oktubre 26 ng maglandfall ang bagyo sa lungsod ng Da Nang sa Biyetnam.

Nakaantabay ang PAGASA sa kilos at galaw ng Bagyong KristinePH (internasyonal) "Trami", Maging ang NDRRMC sa posibilidad na pagtama ng bagyo sa bayan ng Palanan, Isabela. Sa posibleng pag-taas ng tubig baha sa mga ilog partikular ang Ilog Cagayan. Itinaas ng PAGASA ang mga rehiyon ng Lambak Cagayan (Rehiyon II), Rehiyong Administratibo ng Cordillera (CAR) at Rehiyon ng Ilocos (Rehiyon I).

Nagdulot ang bagyo ng malawakang pagbaha sa lungsod ng Naga, Camarines Sur, Del Gallego, Camarines Sur at naanod na mga kabahayan sa bayan ng Libon, Albay sa Rehiyon ng Bicol maging ang Rehiyon ng Calabarzon sa mga bayan ng Tagkawayan, Quezon na nalubog sa baha, pagkaputol ng tulay sa lungsod sa Calamba, Laguna at pagguho ng lupa sa bayan ng Talisay, Batangas at nakapagtala ng mga nasawi.

Sinundan:
Julian
Kapalitan
Kristine
Susunod:
'Leon (aktibo)'''