[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pancracio ng Roma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si San Pancracio, isang ulilang taga-Sirya, ay nagtungo sa Roma na kasama ng kanyang amain at sa lungsod na ito'y naging Kristiyano ang dalawa. Siya'y nahikayat sa halimbawa ng mga unang tagasunod ni Kristo, ang kanilang pagmamahalan at katapangan sa harap ng kamatayan, kaya't nang dumating ang oras na kanilang patunayan ang kanyang pag-ibig sa Diyos at pagsampalataya kay Kristo, si San Pancracio ay hindi nag-atubiling maghandog ng kanyang buhay alang-alang kay Kristo. Namatay siyang martir sa gulang na labing-apat na taon sa panahon ni Emperador Diocleciano noong taong 304, humigit kumulang. Inilibing siya sa sementeryo ni Calepodio na pagkaraan ay pinagtayuan ni Papa Simaco ng isang malaking simbahan noong taong 500. Si San Pancracio ay itinuturing na pintakasi laban sa pananakit ng ulo at pamumulikat, at sa paghahanap ng trabaho. Sa Espanya ay may isang simbahang nakalaan sa kanya sa Santa Maria del Pino, Barcelona, na mula pa noong unang panahon ay dinudumog na ng makapal na taong humihingi ng kalusugan at trabaho.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 1 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House

Santo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.