[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Stanley Kubrick

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Stanley Kubrick (1975)

Si Stanley Kubrick (26 Hulyo 1928 - 7 Marso 1999) ay isang Amerikanong direktor ng pelikula. Itinuturing si Kubrick bilang isa sa pinakamagigiting mga direktor ng ika-21 daang taon.

Ipinanganak siya sa Lungsod ng Bagong York ngunit higit na namuhay sa Britanya. Iginagalang ang kanyang mga pelikula dahil sa maraming laman nitong mga detalye at simbolismo. Marami sa kanyang mga pelikula ang napakakontrobersiyal kapag una silang ipinapalabas. Isang halimbawa ay ang pagtatalik at karahasan sa kanyang pelikulang A Clockwork Orange na nakabagabag sa maraming mga tao noong una itong ilabas noong 1971. Naging napakalaki ng reaksiyon ng pelikula sa Nagkakaisang Kaharian kaya't inihinto ni Kubrick ang pagpapalabas ng pelikula roon sa loob ng mahigit sa 25 mga taon. Namatay si Kubrick dahil sa atake sa puso noong 7 Marso 1999.

Listahan ng mga pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Fear and Desire (1953)
  • Killer's Kiss (1955)
  • The Killing (1956)
  • Paths of Glory (1957)
  • Spartacus (1960)
  • Lolita (1962)
  • Dr. Strangelove or: How I Learned to Stop Worrying and Love the Bomb (1964)
  • 2001: A Space Odyssey (1968)
  • A Clockwork Orange (1971)
  • Barry Lyndon (1975)
  • The Shining (1980)
  • Full Metal Jacket (1987)
  • Eyes Wide Shut (1999)

TaoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.