[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Shabbat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sabado (Hudaismo))
Nakaayos ang hapag para sa Sabado: dalawang tinakpang ẖala, isang tasang pang-kidush, dalawang sasang, at mga bulaklak.

Ang Shabbat (Hebreo: שַׁבָּת‎, "pahinga" o "pagtigil") o Shabbos (Yiddish: שאבּעס) ay ang araw ng pahinga sa Hudaismo  – na ikapitong araw ang panahon ng pamamahinga o pagtigil sa pagtatrabaho o paghahanap-buhay[1]  – na sinisimbolo ang ikapitong araw sa Henesis, pagkatapos ng anim na araw ng paglikha. Sa kalendaryong Ebreo, nagmumula ang Sabado sa paglubog ng araw sa Biyernes ng pangkaraniwang kalendaryo at nagtatapos sa pagtanaw ng unang tatlong bituin sa Sabado nang gabi. Ito ang ikapitong araw sa linggong Hudyo na mula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang paglubog ng araw ng Sabado, na itinuturing na isang banal na araw na hindi pinahihintulutan ang anumang paggawa o pagtatrabaho.[2]

Ang unang reperensiya ng Shabbath o Sabbath na hindi mula sa Bibliya ay natagpuan sa isang ostracon na nahukay sa Mesad Hashavyahu na pinetsahan noong 630 BCE.[3]

Sa mga teoriyang isinulong hinggil sa pinagmulan ng Shabbat sa Hudaismo, isinulong ng Universal Jewish Encyclopedia ang teoriya ng tulad ng Asiryologong si Friedrich Delitzsch[4] na ang Shabbat ay orihinal na lumitaw mula sa siklong pangbuwan[5][6] na naglalaman ng apat na linggo na nagtatapos sa Shabbat at isa o dalawang mga hindi binibilang na araw kada buwan.[7] Ang isang rekonstruksiyon ng isang nasirang tableta ay tila naglalarawan ng isang bihirang pinatutunayang salitang Sapattum o Sabattum bilang buong buwan. Ang salitang ito ay kognato ay isinama sa Hebreong Shabbat. Ito ay itinuturing na isang anyo ng Sumeryong sa-bat ("gitnang pahinga") na pinatutunayan sa wikang Akkadiano bilang um nuh libbi ("araw ng gitnang pahinga"). Ayon kay Marcello Craveri, ang Hebreong Shabbat o Sabbath "ay halos tiyak na hinango mula sa Babilonyong Shabattu, ang pista ng buong buwan ngunit ang lahat ng bakas ng gayong pinagmulan ay nawala, na itinuro ng mga Hebreo na mula sa isang alamat ng Bibliya."[8] Ang konklusyong ito ay isang kontekstuwal na restorasyon ng isang nasirang tableta ng salaysay ng paglikha sa Enuma Elish na mababasang : "Ang [Sa]bbath ay sasalubungin mo, gitnang[buwan]an. "[9] (Tingnan din ang Kalendaryong Babilonyo)

Ayon sa Bibliya at sa mga sidur ang Sabado ay may tatlong layunin:

  1. gunitain ang paglaya ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto;
  2. gunitain ang paghinto ng Diyos sa ikapitong araw mula sa paglikha ng santinakpan;
  3. magbigay-tikim sa daigdig sa panahon ng Mesiyas.

Binibigyang halaga ng Hudaismo ang Sabado bilang isang nakalulugod na banal na araw—ang pinakamahalagang banal na araw sa kalendaryong Ebreo:

  • Ito ang unang banal na araw na nabanggit sa Bibliya, at ang Diyos ang siyang unang nagmasid nito sa pamamagitan ng paghinto sa paglikha[10].
  • Itinuturing ng liturhyang Hudyo ang Sabado bilang "babaeng ikakasal" at "reyna".
  • Ginagamit ang balumbon ng Tora tuwing bigkasan ng Tora sa liturhya ng Sabado nang umaga, na may mas mahabang pagbigkas kaysa mga ibang araw ng linggo.
  • Pinakamalubha ang parusa sa batas Hudyo para sa mga naglabag sa Sabado.[11]

Shomer Shabat (Ebreo: שומר שבת) ang tawag sa Hudyong inoobserba o sinisikap obserbahin ang Sabado.

Mga ritwal pan-Sabado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang araw ng pagdiriwang pati na rin ng dasal ang Sabado. Kinagawiang kumain ng tatlong mapagdiwang na ulam sa Sabado: ang una sa Biyernes nang gabi, ang pangalawa sa Sabado bago magtanghali, at ang huli sa hapon bago lumubog ang araw.

Maraming mga Hudyo ang pumupunta sa sinagoga sa Sabado kahit hindi nila ito ginagawa sa ibang araw ng mga linggo. Mayroong liturhya sa Biyernes nang gabi o Sabado nang umaga.

Maliban sa Araw ng Pagbabayad-sala, na itinutukoy sa Tora bilang "Sabado ng mga Sabado," ipinag-iibang araw ang mga araw ng pag-aayuno kapag magsasabay ang mga ito sa Sabado. Ang mga naglalamay o nagsi-shiv'a (Ebreo: שבעה) ay panlabas na nagpapakanormal at pinagbabawalan sa kahabaan ng araw na ito na publikong magpakita ng mga tanda ng pagdadalamhati.

Ayon sa panitikang rabiniko, inuutos ng Diyos ang mga Hudyo na obserbahin at alalahanin ang Sabado, at binibigyan itong tanda ng pagsindi ng sasang sa Biyernes bago lumubog ang araw ng mga babaeng Hudyo, madalas ang ina/asawa, bagaman kinakailangan gawin ito nang sarili ng mga lalaking naninirahang mag-isa. Kinagawiang magsindi ng dalawang sasang, bagaman mayroong ilan na nagsisindi ng higit pa ayon sa bilang ng mga anak.[12]

Bagaman karamihan sa mga batas pan-Sabado ay mapaghigpit, pinakakahulugan ng Talmud ang ikaapat ng Sampung Utos sa Eksodo bilang nagpapahiwatig ng mga positibong utos pan-Sabado. Ilan sa mga ito ang:

  • ang pagki-kidush (pagsasabanal) sa isang tasa ng alak pagsimula ng Sabado bago ang unang ulam at sa pagtapos ng mga umagahang dasal;
  • ang pagkain ng taglong mapagdiwang na ulam (Ebreo: shalosh se'udot);
  • ang pagha-havdala (hiwalayan) sa isang tasa ng alak at gamit ang mahahalimuyak na pampalasa at isang sasang paglubog ng araw sa Sabado;
  • ang paglugod sa Sabado (Ebreo: עונג שבת, oneg Shabat)--pagsasaya sa pamamagitan ng kainan, kantahan, pagsasama-sama sa mga kapamilya, atbp.;
  • ang pagpaparangal ng Sabado (Ebreo: kavod Shabat), o paghanda para sa parating na Sabado sa pamamagitan ng pagligo, pagpapagupit, at paglinis o pagsasaayos ng bahay o, sa Sabado mismo, ang pagsuot ng mapagdiwang na kasuotan at ang pag-iwas na di-nakalulugod na usapan.

Kinagawiang iwasan ang usapan tungkol sa salapi o negosyo tuwing Sabado.[13]

Mga alternatibong katawagan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Committee on Bible Translation (1984). "Sabbath". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B10.
  2. American Bible Society (2009). "Sabbath". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
  3. "Mezad Hashavyahu Ostracon, c. 630 BCE". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-30. Nakuha noong 2012-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Landau, Judah Leo. The Sabbath. Johannesburg, South Africa: Ivri Publishing Society, Ltd. pp. 2, 12. Nakuha noong 2009-03-26.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Joseph, Max (1943). "Holidays". Sa Landman, Isaac (pat.). The Universal Jewish Encyclopedia: An authoritative and popular presentation of Jews and Judaism since the earliest times. Bol. 5. Cohen, Simon, compiler. The Universal Jewish Encyclopedia, Inc. p. 410.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Joseph, Max (1943). "Sabbath". Sa Landman, Isaac (pat.). The Universal Jewish Encyclopedia: An authoritative and popular presentation of Jews and Judaism since the earliest times. Bol. 9. Cohen, Simon, compiler. The Universal Jewish Encyclopedia, Inc. p. 295.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cohen, Simon (1943). "Week". Sa Landman, Isaac (pat.). The Universal Jewish Encyclopedia: An authoritative and popular presentation of Jews and Judaism since the earliest times. Bol. 10. Cohen, Simon, compiler. The Universal Jewish Encyclopedia, Inc. p. 482.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Craveri, Marcello (1967). The Life of Jesus. Grove Press. p. 134.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pinches, T.G. (2003). "Sabbath (Babylonian)". Sa Hastings, James (pat.). Encyclopedia of Religion and Ethics. Bol. 20. Selbie, John A., contrib. Kessinger Publishing. pp. 889–891. ISBN 978-0-7661-3698-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-09. Nakuha noong 2009-03-17.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Henesis 2.1-3
  11. Lebitiko 26, Mga Bilang 15.32-36 (pagbabato)
  12. Shulan arukh, Oraẖ ẖayim, ika-261 kab.
  13. Isaías 48.13
  14. Abriol, Jose C. (2000). "Sabat, Exodo 20:8". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Mateo 12:1 - Ang Salita ng Diyos: Bibliang salin sa Tagalog". Bibles International. {{cite web}}: Unknown parameter |accessmonthday= ignored (tulong); Unknown parameter |accessyear= ignored (|access-date= suggested) (tulong)