[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Momiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Momya

Ang momíya[1] (mula sa Kastila: momía; sa lumang ortograpiya: momya[2]; Ingles: mummy) ay isang bangkay na ang balat at laman ay tininggal - dumaan sa proseso ng preserbasyon - sa pamamagitan ng sinadya o hindi sinasadyang pagkakadarang sa mga kimikal, labis na lamig, lubhang kababaan ng umido, o kawalan ng hangin kapag nababad sa mga latian. Natagpuan ang mga momya ng mga tao at ibang hayop sa buong mundo, na kapwa mga resuta ng likas na pagtitinggal sa pamamagitan ng mga pambihirang mga kalagayan, at bilang mga kagamitang pangkalinangan para mapanatiling buo ang mga patay.

Nagmula ang salitang momya sa Kastilang momia na hinango naman, katulad ng mummy sa wikang Ingles, mula sa mumia ng Latin. Nagbuhat naman ang salitang Lating ito sa hiniram na salitang Persa o Arabeng mūmiyyah (مومية), na nangangahulugang bitumen. Dahil sa umitim na balat, dating pinaniniwalaang palasak o malawakang ginagamit ang bitumen sa gawaing pag-eembalsamo sa sinaunang Ehipto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/momiya#momiya
  2. English, Leo James (1977). "Momya". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.