[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Karahanan ng Butuan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sinaunang Butuan
But'ban[1]
bago ang taong 1001–1597[2][3]
Mapa ng Karahanan ng Butuan noong 1521. Kabilang sa mapa ang bayan ng Butuan (maitim na kayumanggi), mga lupaing sakop nito (kayumanggi), at ang mga lupaing napapaimpluwensiyahan nito. (maliwanag na kayumanggi).
Mapa ng Karahanan ng Butuan noong 1521. Kabilang sa mapa ang bayan ng Butuan (maitim na kayumanggi), mga lupaing sakop nito (kayumanggi), at ang mga lupaing napapaimpluwensiyahan nito. (maliwanag na kayumanggi).
KabiseraNakasentro sa ngayo'y Lungsod ng Butuan
Karaniwang wikaButuanon,[4] Lumang Malay, iba pang mga wikang Bisaya
Relihiyon
Hinduismo, Budismo at Animismo
PamahalaanMonarkiya
Kasaysayan 
• Itinatag
bago ang taong 1001
• Unang binanggit sa mga tala ng Dinastiyang Song
1001
• Pagsupil ng Imperyong Kastila matapos ang huling pinuno na si Raha Siagu ay nakipagsandugo kay Fernando Magallanes
8 Septyembre 1597[2][3]
SalapiPiloncitos,[5] palitan ng paninda
Pinalitan
Pumalit
Kasaysayan ng Pilipinas
Barangay
Bireynato ng Bagong Espanya
Silangang Indiyas ng Espanya
Bahagi ngayon ng Pilipinas
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Karahanan ng Butuan (tinatawag ring Kaharian ng Butuan; Butuanon: Gingharian hong Butuan; Sebwano: Gingharian sa Butuan; Intsik: 蒲端國, Púduānguó sa mga tala ng Tsino) ay isang noo'y maunlad at umuusbong na kabihasnan sa Pilipinas na matatagpuan sa hilaga't-silangang Mindanao na nakasentro sa ngayo'y kasalukuyang lungsod ng Butuan bago dumating ang mga mananakop. Kilala ito sa pagmimina ng mga ginto, ang mga produktong ginto nito at ang malawak na pakikipagkalakalan nito sa buong Nusantara. Ang kaharian ay nagkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa mga sinaunang kabihasnan ng Hapon, Tsina, India, Indonesia, Iran, Cambodia, at mga pook na ngayo'y nasa Thailand.[6][7]

Ang mga balangay na natuklasan sa silangan at kanlurang pampang ng Ilog Agusan ang nagpasiwalat nang higit sa kasaysayan ng Butuan. Dahil dito, ang Butuan ay itinuring naging pangunahing daungang pangkalakalan sa rehiyon ng Caraga noong panahong klasikal.

Sa mga tala ng Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinapakita ng mga patunay na ang Butuan ay mayroon nang ugnayan sa Dinastiyang Song ng Tsina noong taong 1001 AD. Ang Butuan sa panahong yaon ay nangmimina ng ginto at isang sentro ng kalakalan sa hilaga't-silangang Mindanao, kilala sa paggawa ng mga kasangkapang metal at sandata, mga instrumentong musikal at gintong alahas. Sa mga salaysay ng Song Shih, itinala ang unang pagdating ng isang Butuan tributaryong misyon (Li Yui-han 李竾罕 at Jiaminan) sa imperyal na hukuman ng Tsina noong ika-17 ng Marso, 1001 AD at inilarawan ang Butuan (P'u-tuan) bilang isang maliit na bansang Hindu na may Budismong monarkiya sa dagat na nagkaroon ng madalas na ugnayan sa Kaharian ng Champa at patigil-tigil na ugnayan sa Tsina sa ilalim ng haring nagngangalang "Kiling" (Ch'i-ling).[8][9] Nagpadala ng sugo ang hari sa ilalim ng I-hsu-han, na may pormal na pang-alala na humihiling ng pantay na katayuan sa protokol ng hukuman kasama ang ipinadalang sugo ng Champa. Ngunit ang kahilingan ay kalauna'y tinanggihan ng imperyal na hukuman, marahil dahil sa pagpapabor nito sa Champa.[10]

Noong 1011 AD, sampung taon ang nakalipas, ang bagong pinuno na nagngangalang "Sri Bata Shaja" ang nagtagumpay na makamit ang pantay na diplomatiko sa Champa sa pagpapadala kay Likanhsieh. Ginulat ni Likanhsieh si Emperador Zhenzong sa paghandog ng isang memoryal na nakaukit sa isang gintong tableta, ilang puting dragon (Bailong, 白龍), alkampor, mga bulaklak mula sa Maluku, at isang alipin mula sa Dagat Timog Tsina sa gabi ng isang mahalagang seremonya ng pag-aalay.[11][12] Itong pagpapakita ng kapusungan ang nagpasimula ng interes ng Tsina sa maliit na kaharian at ang diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot sa karurukan nito noong Dinastiyang Yuan.

Panahon ng mga Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Ekspedisyon ni Magallanes, naganap ang kauna-unahang Misang Katoliko sa Pilipinas. Naganap ang misa noong 31 Marso 1521 sa pulo ng Mazaua (Limasawa) na pinamumunuan ni Rajah Kolambu, kasama si Rajah Siagu, ang Rajah ng Butuan ng panahong iyon.[13][14]

Noong 1596, nagsimula ang misyong Katoliko ng mga Kastila na pinamunuan ni Padre Valerio de Ledesma sa Butuan upang makapagtatag ng balwarte ang mga Kastila sa Mindanao upang labanan ang banta ng mga Moro. Noong 8 Septyembre 1597, nasinayan ang kauna-unahang simbahan sa Butuan. Sa panahong iyon ay nagsimula na ang pamamahala ng mga Kastila sa Butuan. Kamakailan ay napalitan ng mga Agustino Rekolekto ang mga Hesuwito sa pamamahala sa Butuan.[15][16][17]

Mga nahukay na kasangkapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang garing pantatak ng Butuan na nasa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa Maynila.
Ang Paleograpong Pilak ng Butuan na nahukay noong dekada '70 sa Butuan sa loob ng isang kabaong na yari sa kahoy. Ang mga nakaukit na sulat ay nagpapakita ng impluwensiyang Hindu-Budismo, marahil isang anyo ng sinaunang pagsulat sa Pilipinas (c. ika-14 hanggang ika-15 dantaon).

Mangilan-ngilang mga banga ang nahanap sa Butuan na nagpapahiwatig sa yaman ng kaharian at ang pag-iral ng mga dayuhang tradisyon.[18] Ilan sa mga bangang ito ay pinetsahan bilang mga sumusunod:

  • Sathing Phra (900 hanggang 1100 AD)
  • Haripunjaya (800 hanggang 900 AD)
  • Mga Hapon (ika-12 hanggang ika-16 na dantaon)[19]
  • Mga Tsino (ika-10 hanggang ika-15 dantaon)
  • Mga Khmer (ika-9 hanggang ika-10 dantaon)
  • Mga Thai (ika-14 hanggang ika-15 dantaon)
  • Champa (ika-11 hanggang ika-13 dantaon)
  • Persia (ika-9 hanggang ika-10 dantaon)

Ang mga artepaktong natuklasan sa paligid ng arkeolohikong pook ng Ambangan sa Barangay Libertad na nagpapatunay sa mga makasaysayang tala na nakipagkalakalan ang Butuan sa India,[20] Hapon, Tsina, at mga bansa sa Timog-silangang Asya sa gitna ng kapanahunang ito.[21]

Mga pinagmulan ng pangalang "Butuan"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalang Butuan ay pinaniniwalaang umiral matagal na bago dumating ang mga manlulupig na Kastila sa Pilipinas. Isang maaaring indikasyon nito ay ang isang rinosero na garing pantatak na may disenyong nakaukit sa sinaunang Habanes o maagang sulat Kawi (ginamit bandang ika-10 dantaon) kung saan, ayon sa isang iskolar na Olandes, ay mababasa bilang But-wan. Maaari rin ito nagmula sa salitang batuan (Garcinia morella), isang may kaugnayan sa manggostan na prutas na madalas makakita sa Mindanao. Isa pang alternatibo ay nagmula ang pangalan kay Datu Bantuan, maaaring isang dating datu sa rehiyon.[22]

Mga naitalang pinuno

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Maharlikang Pamagat ng Namumunong Raha Mga kaganapan Mula Hanggang
Datu Bantuan - 989
Kiling Ang Embahada ng I-shu-han (李竾罕) 989 1009
Sri Bata Shaja Sadya ni Likanhsieh (李于燮) 1011 ?
Raha Siagu Pagsupil ni Fernando Magallanes ? 1521
Linampas Anak ni Raha Siagu 1521 1567
Silongan Raha ng Butuan na ibinaptismo sa Kristianismo sa ngalang Felipe Silongan 1567 1596

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 24, 2017. Nakuha noong Pebrero 28, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schreurs, Peter (1982). "Four Flags Over Butuan". Philippine Quarterly of Culture and Society. 10 (1/2): 26–37. ISSN 0115-0243.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ""Butuan City – Historic City and the Home of the Balangays"".
  4. Fred S. Cabuang (Setyembre 6, 2007). "Saving Butuanon language". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 30, 2008. Nakuha noong 2009-10-09. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. http://opinion.inquirer.net/10991/%E2%80%98piloncitos%E2%80%99-and-the-%E2%80%98philippine-golden-age%E2%80%99
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-01. Nakuha noong 2018-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. http://whc.unesco.org/en/tentativelists/2071/
  8. "Timeline of history". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-23. Nakuha noong 2009-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. https://www.filipiknow.net/visayan-pirates-in-china/
  10. William Henry Scott Prehispanic Source Materials: For the Study of Philippine History, p. 66
  11. Kabanata 7 hanggang 8 ng Song Shih
  12. https://www.filipiknow.net/visayan-pirates-in-china/
  13. Valencia, Linda B. "Limasawa: Site of the First Mass". Philippines News Agency. Ops.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2007. Nakuha noong Nobyembre 12, 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Lacuata, Rose Carmelle (Agosto 20, 2020). "Limasawa, Not Butuan: Gov't Historians Affirm Site of 1521 Easter Sunday Mass in PH". ABS-CBN News (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Mission, Jesuit Bukidnon. "Jesuit Bukidnon Mission". Jesuit Bukidnon Mission (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Dayon, Rica. "Order of Augustinian Recollects". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  17. Schreurs, Peter (1982). "Four Flags Over Butuan". Philippine Quarterly of Culture and Society. 10 (1/2): 26–37. ISSN 0115-0243.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Luna, Lillian (2004). MAPEH for Secondary Students. Art Books and History Books. St Bernadette Publications Inc. ISBN 971-621-327-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. [1]
  20. [2]
  21. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-01. Nakuha noong 2018-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Historic Butuan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-30. Nakuha noong 2009-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)