Kapitan Laut Buisan
Buisan | |
---|---|
Sultan | |
Paghahari | Kasultanan ng Maguindanao: 1597–1619 |
Buong pangalan | Kapitan Laut Buisan |
Mga pamagat | Datu Katchil Sultan Laut Buisan |
Kamatayan | 1619 |
Kahalili | Muhammad Dipatuan Kudarat |
Si Kapitan Laut Buisan (namuno: 1597–1619), kilala din bilang Datu Katchil o Sultan Laut Buisan, ay ang ika-anim na Sultan ng Maguindanao sa Pilipinas. Isa siyang inaapo ni Shariff Kabungsuwan, isang Muslim na misyonaryo na nagturo ng Islam sa Pilipinas.[1]
Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Buisan ay ang nakakabatang kalahating-kapatid ni Sultan Dimasangcay Adel (namuno: 1578–1585) at ni Sultan Gugu Sarikula (namuno: 1585–1597), na parehong may kaugnayan sa Sultanato ng Sulu.[2] Namuno siya higit sa inaanak niya, ang Rajah Muda or prinsipeng tagapagmana, pagkatapos mamatay ni Sarikula. Ang Rajah Muda ay anak ni Dimasangcay.[2] Noong 1597, natalo si Buisan sa Labanan ng Buayan. Kaya noong 1602 ay nakipagsundo siya kay Rajah Sirongan sa paglusob sa Cuyo at Calamianes sa pamamagitan ng 100 bangka.[3] Noong 1603, nahuli ni Buisan si Melchor Hurtado, isang Heswitang pari, at ito ang nagpatibay sa alyansa niya sa mga datu ng Leyte. Ngunit, dahil sa isang hindi matagumpay na pangangayaw (pangangayaw ang tawag sa paglusob ng mga bayan upang manguha ng mga alipin) noong 1606, si Buisan at ang Rajah Muda ay lumayo mula kay Sirongan at nagtatag ng bagong bayan sa Cotabato. Kinalaunan, humina ang impluwensiya ni Sirongan pagkatapos nitong pumayag na makipagsundo sa mga Kastila. Sinundan si Buisan ng kanyang anak, si Muhammad Dipatuan Kudarat (namuno: 1619-1671), na unang nakilala sa kanyang bayan dahil sa isang pangagayaw noong 1616.[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "MAGUINDANAO". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-19. Nakuha noong 13 Hulyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Majur, Cesar Adib (1999). Muslims in the Philippines. University of the Philippines Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "KAPITAN LAUT BUISAN". Nakuha noong 11 Hulyo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quirino, Carlos (1995). Who's Who in Philippine History.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)