[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kalayaang sibil

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa legal o makabatas na kahulugan, ang mga kalayaang sibil, kilala rin bilang mga kalayaang pangmamamayan, mga kalayaan ng mga mamamayan, mga kalayaan pangsibilyano at mga kalayaan ng sibilyan, ay ang payak na kalayaan ng isang tao, katulad ng kalayaan sa pagsasalita at pagtitipun-tipon, at ang proteksiyon ng mga karapatang ito laban sa pakikialam ng pamahalaan. Kasama sa iba pang pangkaraniwang mga kalayaang sibil ang karapatan ng mga tao, kalayaan sa relihiyon, karapatan sa nakalaang proseso, karapatan sa patas na paglilitis, karapatan na magkaroon ng pag-aari, at karapatan sa pribasidad. Kasama ng mga karapatang sibil, o ang mga garantiya sa pamamagitan ng batas ng patas na pagtrato at pagkakataong patas para sa lahat ng mga tao, isa ang mga kalayaang sibil sa mga kalayaan, mga proteksiyon, at benepiso na ginagarantiyahan para sa mga tao sa pamamagitan ng batas at ng tradisyon o kaugalian.[1]

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Estados Unidos, ang "gulugod" ng mga kalayaang sibil ay ang sampung mga pagbabago o susog sa batas na ginawa sa Konstitusyon ng Estados Unidos. Tinatawaga ng mga sampung mga pababagong pangkonstitustyon na ito bilang Panukalang Batas ng mga Karapatan, na nagtatala ng payak na mga karapatan, mga kalayaan, at mga proteksiyon ng bawat isang mamamayan ng Estados Unidos.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Civil Liberties and Civil Rights". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 313.
  2. "American civil liberty", Bill of Rights", Legal Problem Solver, Reader's Digest, pahina 64.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.