[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Karapatang sibil at pampolitika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Karapatang sibil)

Ang mga karapatang sibil at pampolitika ay isang uri ng mga karapatan at mga kalayaan na nagsasanggalang o nabibigay ng proteksiyon sa mga indibiduwal mula sa hindi kinakailangang kilos ng pamahalaan at nagbibigay katiyakan o kasiguruhan sa kakayanan ng isang taong makiiisa sa buhay sibil at pampolitika ng estado na walang diskriminasyon o paniniil. Kabilang din dito ang paniniguro sa pagkakaroon ng proteksiyon ng tao ukol sa kanyang pisikal na integridad, pagiging patas sa pagpapatupad ng proseso ng batas; proteksiyon mula sa diskriminasyon batay sa kasarian, relihiyon, lahi, oryentasyong seksuwal; kabilang pa rin ang kalayaang pampananampalatay o pananalig ng isang tao, sa pagpapahayag ng mga pananalita, ng pakikiisa sa ibang tao, kalayaan sa pamamahayag; at partisipasyong pampolitika.

Sa ibang mga pakahulugan, maaaring tumukoy din ang karapatang sibil sa ilang iba't ibang mga bagay-bagay:

  • Mga karapatang legal o mga karapatang ibinibigay ng mga nasyon sa mga nasa loob ng kanilang hurisdiksiyon; minsan silang tinatawag na karapatang sibil sa mga hurisdiksiyon ng karaniwang batas. Kaiba ito sa mga karapatang likas o natural o karapatang pangtao, na itinuturing ng maraming mga iskolar o dalubhasa bilang na pinanghahawakan ng mga tao dahil likas nang maipanganak sila.
  • Ang mga karapatang sibil, sa mga hurisdiksiyon ng sibil na batas, ay mga karapatan o mga kapangyarihan maisasagawa sa ilalim ng batas na sibil, na kinabibilangan ng mga bagay na tulad ng kakayahan sa pakikipagkasundo o pakikipagkontrata. Sa mga hurisdiksiyon ng batas na sibil, ang mga pagdedemanda o mga demandahan sa pagitan ng pribadong mga partido para sa mga bagay na katulad ng hindi pagtupad sa kontrata o sinasadyang kamalian o pananakit ay kalimitang ipinadarama sa pamamagitan ng mga termino ng paglabag sa isang karapatang sibil.
  • Ang kilusang pangkarapatang sibil, isang kalipunan ng pambuong-mundong mga kampanya para sa pagkakapantay-pantay o ekuwalidad sa harap ng batas.