[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Eoseno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sistema Serye Yugto Edad (Ma)
Neohene Mioseno Aquitanian mas bata
Paleohene Oligoseno Chattian 23.03–28.4
Rupelian 28.4–33.9
Eoseno Priabonian 33.9–37.2
Bartonian 37.2–40.4
Lutetian 40.4–48.6
Ypresian 48.6–55.8
Paleoseno Thanetian 55.8–58.7
Selandian 58.7–61.7
Danian 61.7–65.5
Kretaseyoso Itaas Maastrichtian mas matanda
Subdivision of the Paleogene Period according to the IUGS, as of July 2009.

Ang Eoseno (Ingles: Eocene na may simbolong EO[1]) na isang epoch na tumagal nang mga 56 hanggang 34 milyong taon ang nakalilipas(55.8±0.2 hanggang 33.9±0.1 Ma) ay isang pangunahing dibisyon ng iskala ng panahong heolohika at ikalawang epoch ng panahong Paleohene ng Era na Cenozoic. Ang Eoseno ay sumasaklaw ng panahon mula sa wakas ng epoch na Paleoseno hanggang sa simula ng epoch na Oligoseno. Ang simula ng Eoseno ay minamarkahan ng paglitaw ng unang mga modernong mamalya. Ang huli ay itinakda sa isang pangunahing pangyayaring ekstinksiyon na tinatatawag na Grande Coupure (the "Great Break" in continuity) o o ang pangyayaring ekstinksiyong Eoseno-Oligoseno na maaaring nauugnay sa pagbangga ng isa o higit pang malaking mga bolide sa Siberia at sa ngayong Chesapeake Bay. Gaya ng ibang mga panahong heolohiko, ang strata na naglalarawan ng simula at wakas ng epoch na ito ay mahusay na natukoy[2] bagaman ang eksaktong mga petsa ay katamtamang hindi matiyak. Ang pangalang Eocene ay nagmula sa Sinaunang Griyegong ἠώς (eos, bukang liwayway) at καινός (kainos, bago) at tumutukoy sa bukang liwayway ng moderno o bagong fauna na mamalyan na lumitaw sa epoch na ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Geologic Age Symbol Font (StratagemAge)" (PDF). USGS. 99-430. Nakuha noong 2011-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The extinction of the Hantkeninidae, a planktonic family of foraminifera became generally accepted as marking the Eocene-Oligocene boundary; in 1998 Massignano in Umbria, central Italy, was designated the Global Boundary Stratotype Section and Point (GSSP).