[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Endre Ady

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Endre Ady
Kapanganakan22 Nobyembre 1877(1877-11-22)
Érmindszent, Austrya-Unggarya (Ady Endre, Romania ngayon)
Kamatayan27 Enero 1919(1919-01-27) (edad 41)
Budapest, Unang Republikang Unggaryo
NasyonalidadUnggaryo
TrabahoMakata, mamamahayag

Si Endre Ady (Unggaro: diósadi Ady András Endre, arkaikong Ingles: Andrew Ady,[1] 22 Nobyembre 1877 – 27 Enero 1919) ay makata at mamamahayag na Unggaro. Kilala sa karamihan bilang ang pinakadakilang makatang Unggaro ng ika-20 dantaon, bantog siya sa kanyang matatag na paniniwala sa progresong panlipunan at pag-unlad at para sa pagsaliksik sa kanyang mga panulaan ng pangunahing mga tanong ng makabagong Europeong karanasan: pag-ibig, temporalidad, pananampalataya, indibiduwalidad, at pagkamakabayan.

Isinilang si Ady sa Érmindszent, Kondehan ng Szilágy (bahagi ng Austrya-Unggarya noong mga panahon na iyon; isang nayon na ngayon ay Kondehan ng Satu Mare, Romania, tinatawag na Adyfalva sa Unggaro at Ady Endre sa Rumano). Kabilang siya sa isang naghihikahos na marangal na pamilyang Calvinista.[2] Ikalawa si Endre sa tatlong magkakapatid. Ang panganay, isang batang babae na nagngangalang Ilona ay namatay sa maagang edad. Pamangkin niya ang may-akda at makatang si Mariska Ady (1888-1977).

Sa pagitan ng 1892-1896, pumasok si Ady sa Calvinistang Kolehiyo sa Zilah (Zalău, Romania ngayon). Noong Marso 22, 1896, nilathala niya ang unang tula sa pahayagang Szilágy.

Nag-aral siya kalaunan ng batas sa Repormadong Kolehiyo sa Debrecen. Pagkatapos huminto sa pag-aaral, naging isang mamamahayag siya. Nailathala niya ang kanyang unang mga tula sa isang bolyum sa tinatawag na Versek (Mga Tula) noong 1899. Sa madaling panahon, napagod siya sa Debrecen (ang bayan na naging isang simbolo ng pagiging paatras sa kalaunan ng kanyang panulaan) at lumipat sa Nagyvárad (Oradea, Romania ngayon), isang lungsod na may isang mayaman na pangkalinangan buhay. Sa mga artikulo na sinulat noong 1902 para sa lokal na pahayagang Nagyváradi Napló, binigyan ng pansin ni Ady ang panlipunang katangian ng kanyang panahon. "Si Wesselényi at isang mahirap na pisante! Marahil hindi sinasadya, inukit ni maestro Fadrusz ang isang satira", na sinulat niya, na tinutukoy ang paglalahad ng Bantayog ng Wesselényi.[3][4]

Naging interesado sa politika, naging kasapi sa radikal na pangkat na Huszadik Század (Ikadalawapung Dantaon, o posible Ikadalawampung Brigada). Noong 1906, nilathala niya ang ikatlong aklat ng panulaan, ang Új versek (Mga Bagong Tula), na isang palatandaan sa panitikan at minarkahan ang pagsilang makabagong panulaang Unggaryo. Nagdala sa kanya ang ikaapat na koleksyon, ang Vér és arany (Dugo at Ginto), ng tunay na tagumpay at mapanuring pagkilala.

Isang patnugot at nangungunang pigura ng Nyugat (Kanluran), isang mahalagang pampanitkang talaarawang Unggaro. Sinulat din niya ang pampolitikang mga artikulo para sa ibang mga talaarawan na pinupulaan ang pampolitikang situwasyon ng panahong iyon. Hindi niya gusto ang nasyonalismo ng mga nangungunang partido, ngunit pinulaan niya ang kontra-nasyonalismo ng panlipunang demokratiko; alam niya na nangungulelat ang Unggaryo sa maraming mas umuunlad na bansa, ngunit malinaw na nakita din niya ang kamalian ng mga Kanluraning bansa.

Simula noong 1909, kadalasang kailangan niya ng sanitaryong paggamot para sa kanyang kalusugan, na pinahina ng sipilis. Naging kritikal ang pampolitikang situwasyon: nagproprotesta ang mga manggagawa laban sa pamahalaan, at nakita ni Ady ang isang paparating na himagsikan. Naging krisis din ang kanyang pansariling buhay; naging pabigat ng pabigat ang kanyang pangangabit kay Léda. Habang naging prominenteng makata si Ady, nawala kay Léda ang pangunahing pagganap sa relasyon. Nakipaghiwalay siya noong Abril 1912.

Noong 1914, nakilala niya ang 20-gulang na si Berta Boncza, kung saan nakikipagtalastasan siya simula pa noong 1911. Noong 1915, kinasal sila na walang pahintulot sa ama ni Berta. Sa kanyang mga tula, tinawag niya siya bilang Csinszka.

Pagkatapos ng pagpaslang kay Arkiduke Franz Ferdinand noong 1914, nakita ni Ady ang pagdating ng digmaan. Alam ng lahat na masigasig siya sa digmaan, at iniwan niya ang kanyang takot at alalahanin tungkol sa hinaharap. Nilathala niya ang kanyang huling aklat ng panulaan noong 1918. Naging malubha ang kanyang karamdaman nang sinulat niya ang kanyang huling tula, ang, "Üdvözlet a győzőnek" (Mga pagbati sa nagtagumpay). Pinahina ng sipilis ang kanyang aorta, kaya, maaring mamatay siya ng kahit anumang oras sa maraming pagdurugo. Nahalal siyang pangulo ng Akademyang Vörösmarty, isang organisasyon ng makabagong manunulat, subalit hindi niya kayang ibigay ang kanyang pambukas na talumpati; namatay siya sa Budapest noong Enero 27, 1919.

  • Versek ("Tula", 1899)
  • Még egyszer ("Muli", 1903)
  • Új versek ("Bagong Tula", 1906)
  • Vér és arany ("Dugo at Ginto", 1907)
  • Az Illés szekerén ("Sa Karwahe ni Elijah", 1909)
  • Szeretném, ha szeretnének ("Iniibig ko ang Ibigin" 1910)
  • A Minden-Titkok versei ("Ang Tula ng Lahat ng Lihim", 1911)
  • A menekülő Élet ("Ang Umaalis na Buhay", 1912)
  • Margita élni akar ("Nais mabuhay ni Margita", 1912)
  • A magunk szerelme ("Ang Ating Pag-ibig", 1913)
  • Ki látott engem? ("Sino ang Nakakita sa Akin?", 1914)
  • A halottak élén ("Nangunguna sa Patay", 1918)
  • Az utolsó hajók ("Ang Huling mga Barko", 1923)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Basil Blackwell: The Oxford Hungarian Review: Edited for the Oxford League for Hungarian Self-Determination, Bolyum 1-2 -PAHINA 135 Nilathala: Basil Blackwell, 1922 (sa Ingles)
  2. Judit Frigyesi, Béla Bartók and Turn-of-the-century Budapest, University of California Press, 2000, p. 47 [1]
  3. (sa Hungaro) Endre Ady,105. WESSELÉNYI
  4. (sa Rumano) Endre Ady,WESSELÉNYI Naka-arkibo 2012-04-26 sa Wayback Machine.