[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Butterfly effect

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Epektong paru-paro (butterfly effect) ay isang konsepto na ang maliliit na mga sanhi ay maaaring makaapekto nang malaki. Ang terminong ito na unang ginamit sa prediksyon sa panahon ay naging talinghaga na ginagamit sa loob at labas ng agham. [1]

Sa chaos theory, ang epektong paru-paro ay ang sensitibong pagkadepende sa paunang mga kondisyon kung saan ang maliit na pagbabago ng isang deterministic nonlinear system ay pwedeng magbunga ng malalaking pagbabago sa kalaunang kalagayan sa nasabing sistema. Ang terminong ito, na nilikha ni Edward Lorenz para sa epektong matagal nang kilala, ay kinuha mula sa halimbawa na pagwawangis ng mga detalye ng isang buhawi (eksaktong oras ng pamumuo, eksaktong daang tinahak) na naimpluwensyahan ng maliliit na gambala gaya ng pagpagaspas ng pakpak ng isang malayong na paru-paro maraming linggo na bago nito. Natuklasan ni Lorenz ang epekto na ito noong kaniyang naobserbahan na ang runs ng kaniyang weather model na may paunang datos na pinaikot nang hindi ayon sa pagkasunod-sunod nito ay bigong magaya ang resulta ng mga runs noong orihinal o nung hindi naikot o hindi nagalaw na unang datos. Ang isang sobrang maliit na pagbabago sa paunang mga kondisyon ay lumikha ng ibang kinalabasan.

Ang ideya na ang maliliit na mga sanhi ay maaring magdulot ng malalaking mga epekto sa pangkalahatan, lalo na sa panahon, ay ginamit magmula kay Henri Poincaré hanggang kay Norbert Weiner. Ang likha ni Edward Lorenz ang nagpausbong ng konsepto ng karupukan ng atmospera sa isang kwantatibong pundasyon, at nagdugtong sa konseptong ito sa katangian ng malalaking klase ng mga sistema na dumadaan sa nonlinear dynamics (sa matematika, ito ang paggawi ng mga sistema—kadalasan ay mga tumbasan—na dalawa o higit pang sistema ang nababago sa paggalaw sa iisang sistema o tumbasan n, halimbawa ay ang mga deribatiba) at sa teorya ng deterministic chaos (tinatawag ding chaos theory—pag-aaral sa matematika na naglalayong tignan o obserbahan ang paggawi ng mga sistemang napakasensitibo sa mga naunang kondisyon nito). [1][2]

Isinalin mula sa Ingles na artikulo ng Wikipedia na Butterfly Effect.

  1. 1.0 1.1 "Butterfly effect - Scholarpedia". www.scholarpedia.org. Nakuha noong 2016-01-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.purplemath.com/modules/syseqgen.htm