Bleda
- Ang artikulong ito ay patungkol sa kapatid na lalaki ni Attila ang Hun. Para sa sari ng ibong bulbul, tingnan ang Bleda (ibon).
Si Bleda[1] o Buda (c. 390 – 445) ay isang pinunong Hun, na kapatid na lalaki ni Attila na Hun. Bilang mga pamangkin ni Rugila, si Attila at ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaking si Bleda ang humalili kay Rugila sa trono. Nagtagal ang pamumuno ni Bleda nang may 11 mga taon hanggang sa kaniyang kamatayan. Bagaman ibinabakasakali[nino?] sa buong kasaysayan na pinaslang siya ni Attila habang nasa isang paglalakbay ng pangangaso, hindi talaga nalalaman kung paano siya namatay. Subalit mayroong pang isang teoriya o panukala na tinangka ni Bleda na patayin si Attila habang nasa isang paglalakbay ng pangangaso, subalit natalo siya ni Attila, dahil si Attila ay isang mandirigmang may kasanayan. Isa sa ilang mga bagay na nalalaman hinggil kay Bleda ay ang pagkakamit niya ng isang Morong unano na may pangalang Zerco, pagkaraan ng kampanyang militar ng mga Hun noong 441. Talagang ikinasiya ni Bleda si Zerco kung kaya't iginawa ni Bleda ang pandak ng isang kasuotang may baluti upang masamahan ni Zerco sa pangangampanyang pangmilitar.