[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Bahay ng prostitusyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang bahay ng prostitusyon, bahay-talikan, bahay-putahan, o bahay-kantutan (Ingles: brothel, bordello, cathouse, knocking shop, whorehouse, strumpet house, sporting house, house of ill repute, house of prostitution, bawdy house, atbp) ay isang gusaling pangnegosyo kung saan ang mga parukyano ay maaaring makilahok o gumawa ng mga gawaing seksuwal sa pamamagitan ng mga patutot.[1] Sa mga lugar na ang prostitusyon o ang pagpapatakbo o operasyon ng mga bahay ng prostitusyon ay ilegal, ang mga establisamyentong katulad ng parlor ng masahe, bar, o mga bahay-hubaran, ay maaari ring mag-alok ng mga serbisyong seksuwal sa mga parukyano. Sari-sari at iba-iba ang sukat at estilo ng mga bahay ng prostitusyon, pati na ang nasasaklawan ng mga paglilingkod na pangseks na matatanggap.

Ang mga batas na tumataban sa mga bahay ng prostitusyon ay iba't iba sa pagitan ng mga bansa pati na sa loob ng mga bansa, at nagpapabagu-bago sa loob ng mga kapanahunan. Sa ilang mga hurisdiksiyon, ang mga bahay ng prostitusyon ay legal at pinangangasiwaan, habang sa iba ang mga ito ay ilegal. Subalit, kahit na sa mga hurisdiksiyon na namamahala ng mga bahay ng prostitusyon, mayroong mga bahay ng prostitusyon na umaandar sa labas ng opisyal na sistemang pinapayagan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

NegosyoSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.