Kuskus
Ibang tawag | Kesksou, Seksu, Ta'ām, Barboucha, Aberbouch | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Kurso | Pangunahing pagkain, katabing pagkain o panghimagas | ||||||
Lugar | Numidia[1][2][3] | ||||||
Pangunahing Sangkap | Semolina | ||||||
Baryasyon | Moghrabieh, maftoul | ||||||
150 kcal (628 kJ)[4] | |||||||
| |||||||
|
Ang kuskus (Arabe: كُسْكُس, romanisado: kuskus) ay isang tradisyunal na ulam sa Hilagang Aprika[5][6] ng pinasingawang maliliit na[a] butil ng nirolyong semolina[7] na kadalasang inihahain kasama ang nilagang nilagay sa ibabaw. Minsang niluluto ang mihong perlas, sorghum, bulgur, at iba pang mga sereal sa katulad na paraan sa ibang mga rehiyon, at kuskus din ang tawag sa kinalabasang pagkain.[8][9]
Isang pangunahing pagkain ang kuskus sa buong lutuing Maghrebi Alheriya, Tunes, Mauritanya, Marruekos, at Libya.[10][11] Naisama ito sa lutuing Pranses at sa simula ng ikadalawampu dantaon,[12] sa pamamagitan ng kolonyal na imperyo ng Pransya at ng Pieds-Noirs ng Alheriya.[13][14][15]
Noong 2020, idinagdag ang kuskus sa tala ng Pamanang Pangkalinangan Di-Nahahawakan ng UNESCO.[16]
Etimolohiya
Ang salitang "kuskus" (alternatibo bilang cuscus o couscous) ay unang nabanggit noong unang bahagi ng ika-17 dantaong Pranses, mula sa Arabeng kuskus, mula sa kaskasa ('bayuhin'), at malamang na nagmula sa Berber.[17][18][19] Pinatutunayan ng katawagang seksu sa iba't ibang diyalektong Berber gaya ng Kabyle at Rifain, habang ang mga diyalektong Berber na Sahariyano gaya ng Touareg at Ghadames ay may bahagyang magkaibang anyo, keskesu. Ang malawakang heograpikal na pagpapakalat ng katawagang ito ay mariing nagmumungkahi ng lokal na pinagmulang Berber nito, na nagbibigay ng karagdagang suporta sa malamang na mga pinagmulang Berber nito gaya ng iminumungkahi ng lingguwistang Alherlinong na si Salem Chaker.[17]
Ang ugat ng Berber na *KS ay nangangahulugang "mahusay na nabuo, mahusay na pinagsama, bilugan."[17][18] Maraming pangalan at pagbigkas para sa kuskus ang umiiral sa buong mundo.[20]
Paghahanda
Tradisyunal na gawa ang kuskus mula sa semolina, ang pinakamatigas na bahagi ng butil ng durum na trigo (ang pinakamatigas sa lahat ng anyo ng trigo), na nagigiling sa gilingang bato. Winiwisikan ang semolina ng tubig at inirolyo gamit ang mga kamay upang bumuo ng maliliit na mga bulitas, binudburan ng tuyong harina upang panatilihing magkahiwalay, at sasalain pagkatapos. Anumang mga bulitas na masyadong maliit para tapusin, ang mga butil ng kuskus ay mahuhulog sa salaan at muling igulong at iwiwisik ng tuyong semolina at igulong sa mga bulitas. Nagpapatuloy ang prosesong ito na masinsinang paggawa hanggang mabuo ang lahat ng semolina sa maliliit na butil ng kuskus. Sa tradisyunal na paraan ng paghahanda ng kuskus, nagsasama-sama ang mga pangkat ng mga tao upang gumawa ng malalaking bulto sa loob ng ilang araw, na ipapatuyo sa araw pagkatapos at gagamitin sa loob ng ilang buwan. Maaaring kailangang muling basain ang gawang-kamay na kuskus habang inihahanda ito; nakakamit ito sa pamamagitan ng isang proseso ng pagbasa-basa at pagsingaw sa ibabaw ng nilaga hanggang maabot ng kuskus ang nais na gaan at lambot na kabuuan.[21]
Sa ilang rehiyon, ginagawa ang kuskus mula sa farina o mahinang paggiling ng sebada o mihong perlas .
Sa modernong panahon, karamihan na naka-makina na ang produksyon ng kuskus, at binebenta ang produkto sa buong mundo. Maaaring igisa ang kuskus bago ito lutuin sa tubig o ibang likido.[21] Ang wastong nilutong kuskos ay magaan at malambot, hindi malagkit o magaspang.
Pagkilala
Noong Disyembre 2020, nakuha ng Alheriya, Mauritanya, Mauruekos, at Tunes ang opisyal na pagkilala para sa kaalaman, paraan paano gawin, at mga kasanayan na nauukol sa produksyon at pagkonsumo ng kuskus sa Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity (Talang Kinakatawan ng Pamanang Pangkalinangan ng Sangkatauhan na Di-Nahahawakan) ng UNESCO. Pinarangalan ng magkasanib na pagsusumite ng apat na bansa bilang isang "halimbawa ng internasyonal na kooperasyon."[22][23]
Mga pananda
- ↑ Kadalasang nasa mga 2 milimetro (0.079 pul.) sa diyametro, bagaman mayroon din pino (1 mm) at mas malaking uri (3 mm o higit pa) sa Hilagang Aprika.
Mga sanggunian
- ↑ Chemache, Loucif, Farida Kehal, Hacène Namoune, Makhlouf Chaalal, at Mohammed Gagaoua. "Couscous: Ethnic making and consumption patterns in the Northeast of Algeria." Journal of Ethnic Foods 5, blg. 3 (2018): 211-219. “Couscous or seksu (Image 1) in Berber language or kuskus in Arabic is by origin a Numidian (the Berber population of Numidia) dish…” (sa Ingles)
- ↑ Hammami, Rifka, Reine Barbar, Marie Laurent, at Bernard Cuq. "Durum Wheat Couscous Grains: An Ethnic Mediterranean Food at the Interface of Traditional Domestic Preparation and Industrial Manufacturing." Foods 11, blg. 7 (2022): 902. pp.1-2. “Part of the origin of couscous is related to Numidians, the Berber population of Numidia. The culinary historian Lucie Bolens describes primitive pots that closely resemble the main cooking utensil of couscous, which is the couscoussier, found in Kabylia in tombs coming from the period of Berber king Massinissa” (sa Ingles)
- ↑ Bolens, Lucie (1990). La cuisine andalouse, un art de vivre: XIe-XIIIe siècle (sa wikang Ingles). Albin Michel. ISBN 9782226041005. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Health Benefits of Couscous". WebMD (sa wikang Ingles).
- ↑ "Couscous". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chemache, Loucif; Kehal, Farida; Namoune, Hacène; Chaalal, Makhlouf; Gagaoua, Mohammed (Setyembre 2018). "Couscous: Ethnic making and consumption patterns in the Northeast of Algeria". Journal of Ethnic Foods (sa wikang Ingles). 5 (3): 211–219. doi:10.1016/j.jef.2018.08.002. ISSN 2352-6181.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shulman, Martha Rose (23 Pebrero 2009). "Couscous: Just Don't Call It Pasta". The New York Times. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taylor, J.R.N.; Barrion, S.C.; Rooney, L.W. (2010). "Pearl Millet—New Developments in an Ancient Food Grain" (PDF). Cereal Foods World (sa wikang Ingles). 55 (1): 16–19. doi:10.1094/CFW-55-1-0016. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Agosto 2019. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Codex Alimentarius (Codex Standard) (1995)" (PDF) (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Naylor, Phillip C. (Mayo 2015). Historical Dictionary of Algeria (sa wikang Ingles). Rowman & Littlefield. p. 195. ISBN 978-0-8108-7919-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soletti, Francesco; Selmi, Luca (2006). Turismo gastronomico in Italia, Volume 1 (sa wikang Ingles). Touring Club Italiano. ISBN 978-88-365-3500-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sainéan, L. (1921). "L'HISTOIRE NATURELLE DANS L'OEUVRE DE RABELAIS (8 e et dernier article)". Revue du Seizième siècle (sa wikang Ingles). 8 (1/2): 1–41. ISSN 0151-1823. JSTOR 41851648.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wagda, Marin (1997). "L'histoire d'une migration culinaire". Hommes & Migrations (sa wikang Ingles). 1207 (1): 163–166. doi:10.3406/homig.1997.2982.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tabois, Stéphanie (2005). "Cuisiner le passé. Souvenirs et pratiques culinaires des exilés pieds-noirs". Diasporas. Histoire et sociétés (sa wikang Ingles). 7 (1): 81–91.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Albert-Llorca, Marlène (2004). "La mémoire des Pieds-noirs : une transmission impossible ?". Horizons Maghrébins - le droit à la mémoire (sa wikang Ingles). 51 (1): 169–176. doi:10.3406/horma.2004.2250.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UNESCO adds couscous to list of intangible world heritage". Al Jazeera English (sa wikang Ingles). Disyembre 16, 2020. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 Chaker, Salem. "Couscous : sur l'étymologie du mot" (PDF). INALCO - Centre de Recherche Berbère (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2011-08-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang ":0" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ 18.0 18.1 Chastanet, Monique; Franconie, Hélène; Sigaut, François (Marso 2010). Couscous, boulgour et polenta. Transformer et consommer les céréales dans le monde (sa wikang Pranses). Karthala Editions. ISBN 978-2-8111-3206-4. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang ":2" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Perry, Charles (1990). "Couscous and Its Cousins". Sa Walker, Harlan (pat.). Oxford Symposium on Food & Cookery, 1989: Staplefoods : Proceedings (sa wikang Ingles). Oxford Symposium. pp. 176–178. ISBN 978-0-907325-44-4. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Foucauld, Charles de (1950–1952). Dictionnaire touareg-français : dialecte de l'Ahaggar (sa wikang Pranses). Paris: Impr. nationale de France. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 Asbell, Robin (Agosto 2007). The New Whole Grain Cookbook: Terrific Recipes Using Farro, Quinoa, Brown Rice, Barley, and Many Other Delicious and Nutritious Grains (sa wikang Ingles). Chronicle Books. ISBN 978-1-4521-0042-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UNESCO - Knowledge, know-how and practices pertaining to the production and consumption of couscous" (sa wikang Ingles). UNESCO. Disyembre 1, 2020. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Couscous joins UNESCO Intangible Cultural Heritage list". Deutsche Welle (sa wikang Ingles). Disyembre 17, 2020. Nakuha noong Mayo 19, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)