Homograpo
A homograpo (mula sa Griyego: ὁμός, homós, "pareho" at γράφω, gráphō, "sulat") ay isang salita na pareho ang anyo ng pagkakasulat nito sa ibang salita subalit iba ang kahulugan.[1] Bagaman, may ilang mga talahuluganan ang pinipilit na ang kailangang iba rin ang tunog ng mga salita,[2] habang ang sinasabi ng Oxford English Dictionary na dapat may "ibang pinagmulan" ang mga salita.[3] Sa Ingles, tinatala ng The Oxford Guide to Practical Lexicography ang iba't ibang uri ng homograpo, kabilang ang mga salitang dinidiskrimina na mayroong ibang klaseng salita, tulad ng hit, ang pandiwang to strike (ihampas), at hit, ang pangngalang a blow (isang suntok).[4]
Kung, kapag sinasalita, ang mga kahulugan ay maaring ipagkaiba ng iba't ibang mga bigkas, mga heteronimo din ang mga salita. Ang mga salitang na may parehong pagsulat at bigkas (i.e. ay parehong homograpo at homopono) ay tinuturing mga homonimo. Bagaman, sa mas maluwag na kaisipan, maaring mailapat ang katawagang "homonimo" sa mga salitang may parehong pagsulat o bigkas. Kritikal na mahalaga ang paglilinaw ng homograpo sa sintesis ng pananalita, pagproseso ng likas na salita at ibang larangan. Ang magkaparehong sinulat na magkaibang kaisipan na kung saan hinuhusgaan ito na pundamental na pareho ay tinatawag na mga polisema: halimbawa sa Ingles, ang wood (sustansya) at wood (ang lugar na natatakpan ng mga puno).
Sa Ingles
Mga halimbawa:
kung saan ang dalawang salita ay binabaybay na magkapareho subalit binibigkas ng magkaiba. Dito, hindi posible ang pagkalito sa sinalitang wika ngunit maaring mangyari sa sinulat na wika.
- bear (pandiwa) – isuporta o madala
- bear (pangngalan) – ang hayop na oso
kung saan ang mga salita ay magkapareho sa baybay at bigkas ( /bɛər/), subalit iba ang kahulugan at pambalarilang tungkulin. Tinatawag itong mga homonimo.
Sa Tagalog
Mga halimbawa na parehong ang baybay ngunit iba ang bigkas:
- baka (pang-abay) [ˈbaka] – siguro o posible
- baká (pangngalan) [bɐˈka] – ang hayop na baka
- pito (pangngalan) [ˈpito] – matinis na tunog na gawa ng pagpuwersa ng hininga sa isang maliit na butas sa pagitan ng bahagyang bukas na labi o sa pagitan ng mga ngipin na tinatawag din na silbato
Mga halimbawa na parehong baybay at bigkas:
- araw (pangngalan} – isang yunit ng panahon na karaniwang tumatagal ng 24 oras
- araw (pangngalan) – ang pinkasentrong bituin ng sistemang solar
- buwan (pangngalan} – isa sa 12 bahagi ng taon
- buwan (pangngalan) – ang likas na satelayt ng isang planeta
Talasanggunian
- ↑ "One of two or more words that have the same spelling but differ in origin, meaning, and sometimes pronunciation, such as fair (pleasing in appearance) and fair (market) or wind (wĭnd) and wind (wīnd)" (sa wikang Ingles).
- ↑ Homophones and Homographs: An American Dictionary, 4th ed., McFarland, 2006, p. 3. (sa Ingles)
- ↑ Oxford English Dictionary: homograph (sa Ingles).
- ↑ Atkins, BTS.; Rundell, M., The Oxford Guide to Practical Lexicography, OUP Oxford, 2008, pp. 192 - 193. (sa Ingles)