[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Dionysus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 17:10, 5 Oktubre 2022 ni InternetArchiveBot (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Dionysus
2nd century Roman statue of Dionysus, after a Hellenistic model (ex-coll. Cardinal Richelieu, Louvre)[1]
Diyos ng alak, pagsasaya, teatro at ekstasiya
TahananBundok Olympus
SimboloThyrsus, grapevine, balat ng leopardo, panther, tigre, leopardo
KonsorteAriadne
Mga magulangZeus at Semele
BundokBundok Olympus
Katumbas na RomanoBacchus, Liber

Sa mitolohiyang Griyego, si Dioniso, Dionysos, o Dionysus ang isa sa Labindalawang Olimpiyano na 12 Diyos na nakatira sa Bundok Olympus. Itinuturing si Dionysos na Diyos ng ng alak, ubasan at diyos ng mga baging. Anak na lalaki siya ni Zeus kay Semele, isang babaeng tao. Si dionysos ang huling diyos na pumasok at nanirahan sa Bundok ng Olimpo. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Baco o Bacchus.[2][3]

Bilang diyos ng alak, nagagawa niyang maging masiyahin ang tao sa pamamagitan ng pag-aalok at pagpapainom ng alak. Ngunit nagagawa niya ring mabangis ang tao dahil sa pagkalasing. Dahil sa kanyang mga inumin, nabibigyan niya ng tapang ang tao, gayundin ng kakayahang makagawa ng nakatatakot na mga bagay. Iniaalay ang ilan sa mga sinaunang drama para sa kanya, dahil nakapagbibigay din siya sa tao ng malikhaing inspirasyon.[3]

Pagbabago ng tubig sa alak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Pausanias vi.26.1, sa pista ni Dionysus nang siya ay nasa Ellis, ang mga saserdote ay naglagay ng tatlong sisidlan na pinagmamasdan ng mga testigo. Sa kinaumagahan nang buksan ang pinto at pumasok ang mga tao, ang mga sisidlan ay puno na ng alak. Ayon kay Pliny ang Nakatatanda XXXI.16 at Pausanias XXVI.26.2, sa pulo ng Dagat Egeo ng Andros sa isang pista sa isang bukalan ng santwaryo ni Dionysus, ang alak ay dumaloy sa halip na tubig at kapag ang mga sampol nito ay kinuha sa santwaryo, ito ay nagiging tubig. Naxos, ang alak ay dumaloy mula sa isang bukal na isang milagro na nangyari nang ikasal si Dionysus kay Ariadne.[4]. Inulat ni Ovid na si Liber na Romanong Dionysus ay nagbigay sa anak na babae ng haring Delio na si Anius ng kapangyarihan na gawin ang anumang inumin na maging isang alak(Metamorphōsēs XIII.65). Sinalaysay naman ni Plutarch ang kwento nang ang isang bukal sa Thebes ay nag-amoy alak nang ipinangak si Dionysus at pinaliguan rito. Sa Ang Bacchae, hinampas ng isang maenad(tagasunod ni Dionysus) ang lupa ng kanyang thyrsus at ang diyos na si Dionysus sa sandaling iyon ay nagpadaloy ng alak.

Pinaniniwalaan ng mga iskolar na ito ang pinagkunan ng kwento ng pagbabago ni Hesus ng tubig sa alak sa Ebanghelyo ni Juan upang ipakitang si Hesus ay mas dakila kay Dionysus.

Pagbuhay sa kanyang inang Semele mula sa patay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Diodorus Siculus(90-30 BCE) sa kanyang History IV.25.4, si Dionysus ay tumungo sa Hades upang buhaying muli ang kanyang inang si Semele na naging imortal kagaya ni Dionysus.

Kulto ni Dionysus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kulto ni Dionysus ay nagmula pa sa Gresyang Myceneo(1750 BCE-1050 BCE) dahil ang kanyang pangalan ay natuklasan sa Mycenean Linear B tablets as 𐀇𐀺𐀝𐀰, di-wo-nu-so.[5][6][7] Si Dionysus ay karaniwang makikitang nakasakay sa isang leopardo suot ang balat nito o sa isang karrong hila ng mga panther sa mitolohiya at makikila rin sa thyrus na kanyang dala dala. Bukod sa ubasan at halamang nakakalasong ivy, ang punong igos ay isa rin niyang simbolo.

Ang Dionysia (/daɪəˈnaɪsiə/) (Griyego: Διονύσια) ay isang malaking pisa sa sinaunang Athens bilang parangal sa Diyos na si Dionysos na binbuo ng mga pagtatanghal sa teatro ng mga trahedyang dramatiko at mula 487 BCE ay mga komedya. Ito ay mahalagang bahagi rin ng Mga Misteryong Dionysio.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Another variant, from the Spanish royal collection, is at the Museo del Prado, Madrid: illustration.
  2. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Dionysos, Bacchus". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  3. 3.0 3.1 "Dionysus, God of the Vines, God of Wine". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 360.
  4. Otto
  5. Raymoure, K.A. "di-wo-nu-so". Minoan Linear A & Mycenaean Linear B. Deaditerranean.[patay na link]
  6. Adams, John Paul (2005). "Dionysos". California State University.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Kerenyi (1976).

MitolohiyaGresyaRoma Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Gresya at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.