[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Asklepios

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Asclepius)
Asclepius, Asklepios
Si Asklepios at ang kanyang pinuluputan ng ahas na tungkod.[1]
Si Asklepios at ang kanyang pinuluputan ng ahas na tungkod.[1]
Diyos ng medisina, pagpapagaling, pagpapabata at mga doktor
SimboloIsang tungkod na napuluputan ng ahas
KonsorteEpione
Mga magulangApollo at Coronis
Mga anakHygieia, Iaso, Aceso, Meditrina, at Panacea

Sa mitolohiyang Griyego, si Asklepios  – binabaybay ding Asclepio, Asclepios, o Asclepius  – ang diyos ng pagbibigay-lunas sa karamdaman, o diyos ng medisina o panggagamot, pagpapagaling, at paghihilom. Anak na lalaki siya ng diyos na si Apollo at ni Coronis, isang babaeng tao. Sa kasalukuyang panahon, ang kanyang tungkod na tinatawag na tungkod ni Asklepios ang ginagamit na tatak o sagisag ng makabagong medisina. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Esculapio o Aesculapius.[2]

Ipinapatay ni Apollo sa kanyang kapatid na babaeng si Artemis si Coronis gamit ang kanyang mga pana. Huli na nang si Apollo ay nagsisi sa kanyang galit at ang katawan ni Coronis ay sinusunog na sa apoy na pangpuneral. Gayunpaman, ipinatanggal ni Apollo sa kanyang kapatid na lalakeng si Hermes ang sanggol na si Asclepius sa sinapupunan ni Coronis. Ang batang si Asklepios ay ibinigay sa centauro upang palakihin. Si Asklepios ay binigyan ng dalawang mga bote ng dugo mula sa Gorgon Medusa na pinatay ng bayaning si Perseus sa tulong ni Athena. Ang dugo mula sa kanang bahagi ng katawan ni Medusa ay nagbuhay muli. Ang dugo mula sa kaliwang bahagi ng katawan ni Medusa ay nakalalason. Ang iba ay nagsasaad na nakamit ni Asklepios ang kapangyarihan na bumuhay muli ng mga patay mula sa isang halaman na ginamit ng ahas upang buhaying muli ang isa pang ahas na pinatay ni Asklepios nang kanyang tungkod. Sinimulan ni Asklepios na gamitin ang kanyang kapangyarihan na bumuhay ng mga patay ng may malaking kasigasigan. Kanyang binuhay si Hippolytus na anak ni Theseus nang ang kanyang karwahe ay bumangga. Ang isa pang binuhay muli ni Asklepios ay si Glaucon na anak ng Haring Minos ng Creta na namatay sa pagkakalunod sa isang tangke ng pulot. Ang isa pang binuhay ni Asklepios ang isang dakilang mangangasong si Orion na namatay sa tibo ng alakdan dahil sa kanyang binagabag ang diyosang si Artemis. Sa pagbubuhay muli ni Asklepios ng mga namatay, ang daigdig ng mga namatay ay nauubusan ng populasyon. Si Hades na diyos ng ilalim na mundo ay dumaing kay Zeus sa pagkawala ng mga namatay. Bilang tugon, pinatamaan ni Zeus si Asklepios ng kulog at kidlat. Si Apollo ay nagalit sa pagkamatay ng kanyang anak na si Asklepios at naghiganti sa pamamagitan ng pagpaslang sa tatlong mga may isang matang nilalang na mga Cyclopes na gumawa ng mga kulog at kidlat ni Zeus. Upang palubagin ang galit ni Apollo, muling binuhay ni Zeus si Asklepios at inilagay siya sa kalangitan bilang konstelasyon na Ophiuchus.[3] Sa ilang sanggunian, pinatay ni Zeus si Asklepios ng kulog at kidlat dahil kanyang muling binuhay si Hyppolitus at tumanggap ng ginto para dito.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Statue of Asclepios of the Este type. Pentelic marble, Roman period copy of ca. 160 AD after a 4th-century BC original. From the temple of Asclepios at Epidaurus (National Archaeological Museum, Athens, inv. 263).
  2. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Asklepios". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  3. Apollodorus, Bibliotheca 3. 121 (trans. Aldrich) (Greek mythographer C2nd A.D.)
  4. Philodemus, On Piety (trans. Campbell, Vol. Greek Lyric IV Stesichorus Frag 147 & Cinesias Frag 774) (C7th to 6th B.C.)