Nestorio
Nestorius | |
---|---|
Archbishop of Constantinople | |
Ipinanganak | c. 386 Germanicia, Syria (now Kahramanmaraş, Turkey) |
Namatay | c. 450 Great Oasis of Hibis (al-Khargah), Egypt |
Benerasyon sa | Assyrian Church of the East |
Kapistahan | October 25 |
Kontrobersiya | Christology, Theotokos |
Si Nestorio ( /ˌnɛsˈtɔriəs/; in Greek: Νεστόριος; c. 386 – 450[1]) ang Arsobispo ng Constantinople mula 10 Abril 428 CE hanggang Agosto 431 CE nang kumpirmahin ni emperador Theodosius II ang kanyang pagkukundena ng paksiyon ni Cirilo ng Alehandriya sa Efeso noong 22 Hunyo. Ang mga katuruan ni Nestorio ay kinabibilangan ng kanyang pagtakwil sa matagal na ginagamit na pamagat na Theotokos (Ina ng Diyos) para kay Maria at naunawaan ng marami na nagpapahiwatig na siya naniniwalang ang Kristo ay tunay na Diyos. Gayunpaman, aktuwal na nabahala si Nestorio na ang kultong "Theotokos" ay mapanganib na malapit sa pagpipitagan kay Maria bilang isang Diyosa. Ito ay nagdulot ng kanyang alitan sa ibang mga mahahalagang indibidwal sa simbahan na ang pinakakilala ay si Cirilo ng Alehandriya na nag-akusa sa kanya ng erehiya. Ipinagtanggol ni Nestorio ang kanyang sarili sa Unang Konseho ng Efeso ngunit kinondena at inalis sa kanyang sede. Siya ay ipinatapon noong 435 CE emperador Theodosius II sa ehipto kung saan siya tumira hanggang 450 kung saan niya aktibong pinagtanggol ang kanyang ortodoksiya. Hindi tinanggap ng Simbahan ng Silangan ang pagkukundena sa kanyang mga katuruan at humiwalay sila sa ibang mga Kristiyano.