Tigdas
- Huwag itong ikalito sa rubella, ang tigdas na Aleman.
Ang tigdas (Ingles: measles, rubeola, morbilli, o English measles) ay isang uri ng sakit na dahil sa birus ng tigdas, na maaaring maging isang malubhang karamdaman. Ang pagkakaroon ng tigdas ay maaaring magdulot ng singaw sa balat, pamamantal, ubo, tumutulong sipon mula sa ilong, iritasyon o pangangati ng mga mata, at lagnat. Ang tigdas ay maaaring kahantungan ng pagkakaroon ng impeksiyon sa tainga, iba pang mga impeksiyon, pulmunya, mga uri ng atake (o ataki, na kinasasamahan ng pangingisay at pamumulagat), pinsala sa utak, at kamatayan.[1]
Paghawa at pagkalat
Ang tigdas ay kumakalat sa ibang mga tao sa pamamagitan ng hangin, subalit maaari rin itong makuha dahil sa pagiging malapit sa isang tao na naimpeksyon na.[2]
Bakuna
Maiiwasan ang tigdas pamamagitan ng pagpapabakuna na ginagamit ang bakuna laban sa tigdas, beke, tigdas na Aleman, at bulutong-tubig. Maaaring ibigay ang bakuna sa mga bata at sa mga taong nasa hustong gulang rin. Nang wala pang mga bakuna, ang tigdas ay napaka karaniwan, lalo na sa mga bata. Kung ihihinto ang programa ng pagbabakuna laban sa tigdas at ang iba pang mga sakit na nabanggit, magbabalik ang paglaganap ng mga sakit na ito.[2]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.