[go: up one dir, main page]

Ang Rodano (Pranses: Rhône, Aleman: Rhone, Italyano: Rodano) ay isa sa mga pangunahing ilog ng Europa, na nagmumula sa Swisa at dumadaloy mula roon hanggang sa timog-silangang Pransiya. Sa Arles, malapit sa bibig nito sa Dagat Mediteraneo, naghahati ang ilog sa dalawang sangay, na kilala bilang ang Malaking Rodano (Pranses: Grand Rhône) at ang Maliit na Rodano (Petit Rhône). Ang kinahihinatnang tatsulok niyon ay siyang bumubuo ng rehiyon ng Camarga.

Tanawin ng Rodano habang dumadaloy mula sa Valais patungon Lawa ng Ginebra

Ang Rodano ay kinikilala bilang isang Class V na daantubig[1] mula sa bibig ng ilog Saona patungong dagat.

Mga sanggunian

baguhin


Usbong  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.