[go: up one dir, main page]

Ang mga Galo (Latin: Galli; Sinaunang Griyego: Γαλάται, Galátai) ay isang pangkat ng mga Selta ng Kontinental na Europa sa Panahon ng Bakal at sa panahong Romano (humigit kumulang mula ika-5 siglo BK hanggang ika-5 siglo AD). Ang lugar na orihinal na kanilang tinitirhan ay kilala bilang Galo. Ang kanilang wikang Galo ang bumubuo ng pangunahing sangay ng mga Kontinental na Wikang Selta.

Ang Galong Ludovisi, kopyang Roman mula sa orihinal na Hellenistic, Palazzo Massimo alle Terme.

Ang mga Galo ay lumitaw sa bandang ika-5 siglo BK bilang mga nagdadala ng kulturang La Tène hilaga ng Alpes (kumalat sa mga lupain sa pagitan ng Sena, Gitnang Rin, at itaas na Elba). Pagsapit ng ika-4 na siglo BK, kumalat lalo sila sa kung ano ang ngayon ay Pransiya, Belhika, Netherlands, Espanya, Portugal, Suwisa, Timog Alemanya, Austria, Republikang Tseko, at Slovakia, sa bisa ng pagkontrol sa mga ruta ng kalakalan sa mga ng ilog ng Rodano, Sena, Rin, at Danubio. Mabilis silang lumawak sa Cisalpinang Galo, Balkan, Transilvania, at Galacia.[1] Ang mga Galo hindi kailanman nagkaisa sa ilalim ng isang solong pinuno o gobyerno, ngunit ang mga tribong Galo ay may kakayahang pagsamahin ang kanilang mga puwersa sa malalakihang operasyong militar. Naabot nila ang rurok ng kanilang lakas noong unang bahagi ng ika-3 siglo BK.

Mga tala

baguhin
  1. "Gaul (ancient region, Europe)". Encyclopædia Britannica Online. Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 29 Nobyembre 2012.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)