[go: up one dir, main page]

Ang Marsella (Pranses: Marseille, Oksitano: Marselha o Marsiho, Inggles: Marseilles), kilala sa lumang panahon bilang Massalia (mula sa Griyego: Μασσαλία)[1][2], ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Pransiya, kasunod ng Paris, na may populasyong 852,395 sa mismong lungsod na may laki na 240.62 km² (93 mi²). Ang teritoryong urbano ng Marsella ay lampas pa sa bakuran ng lungsod at ang populasyon ay higit sa 1.4 milyon[3] na may laki na 1,204 km² (465 mi²). 1.5[4] o 1.6[5] milyong katao ang naninirahan sa buong kalakhan ng Marsella, sa gayon ito ang ikatlo sa hanay ng mga kalakhang Pranses, kasunod ng Paris at Lyon. Matatagpuan sa timog-silangang baybayin ng Pransiya sa Dagat Mediteraneo, ang Marsella ay ang pinakamalaking daungang pangkalakalan ng Pransiya at pinakamalaking lungsod na Pranses sa gilid ng Mediteraneo. And Marsella ay ang kabisera ng rehiyon ng Provenza-Alpes-Costa Azul, at gayun din ng lalawigan ng Bocas del Rodano. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na Marseillais.

Marsella

Marseille
big city, daungang lungsod, commune of France, college town
Watawat ng Marsella
Watawat
Eskudo de armas ng Marsella
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 43°17′48″N 5°22′35″E / 43.2967°N 5.3764°E / 43.2967; 5.3764
Bansa Pransiya
Lokasyonarrondissement of Marseille, Bouches-du-Rhône, Provence-Alpes-Côte d'Azur, Metropolitan France, Pransiya
Itinatag600 BCE (Huliyano)
Bahagi
Pamahalaan
 • mayor of MarseilleBenoît Payan
Lawak
 • Kabuuan240.62 km2 (92.90 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Enero 2021, Senso)
 • Kabuuan873,076
 • Kapal3,600/km2 (9,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Websaythttps://www.marseille.fr

Ang Marsella ay nagtataglay ng klimang Mediteraneo. Ang bakasyunang panahong tag-init ay umaabot sa anim na buwan, mula Mayo hanggang Oktubre, bagaman sa Abril din ay may mga panahon na mataas pa sa 20 °C (68.0 °F). Ang tag-lamig ay banayad, ang Karaniwang Panahon ay 12 °C (54 °F) sa araw at 4 °C (39 °F) naman sa gabi tuwing mga buwan ng Disyembre, Enero at Pebrero.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Duchêne, Roger; Contrucci, Jean (1998). Marseille, 2600 ans d'histoire. Fayard.
  2. Ebel, Charles (1976). Transalpine Gaul: the emergence of a Roman province. Brill Archive. pp. 5–16.
  3. http://www.demographia.com/db-worldua.pdf
  4. European Spatial Planning Observation Network, Study on Urban Functions (Project 1.4.3), Final Report, Chapter 3, (ESPON, 2007)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-21. Nakuha noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)