[go: up one dir, main page]

Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan. Kadalasan ang mapa ay isang dalawang-dimensiyong modelo ng isang tatlong-dimensiyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga kompyuter at mga kalipunan ng dato na siyang nagpalawig ng pagsulong ng Mga Sistema ng Heograpikong Impormasyon (Geographic Information Systems o GIS), nagagawa na ring nasa tunay na panahon at dinamiko o masigla ang paggalaw ng datos na heograpikal. Ito ay nakaguhit sa isang lapat na papel na may sukat na depende sa laki ng mapa. Ang mga elemento ng isang mapa ay ang mga sumusunod: iskala (scale), legend, pangalan ng lugar/mapa, direksiyon (north arrow), may akda ng mapa o kartograper, klase ng projection at petsa kung kailan ito ginawa at nilimbag.

Isang halimbawa ng mapa: ang mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng mga rehiyon at mga lalawigan.
Mapa ng mundo noong 1689.

Ang mapa ay ginagamit sa paglalahad ng anumang lokal na pag-aari ng buong mundo o parte nito. Puwede rin siyang gamitin upang ilahad ang anumang pamamagitan, tulad ng utak o kalawakan sa labas ng mundo. Ang mapa rin ay larawan ng isang lugar na nagpapakita ng direksiyon.

Mga uri ng mapa

baguhin

May iba't ibang uri ng mapa. Ang bawat isa ay may gamit at kahalagahan. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Mapang pisikal - uri ng mapa na naglalarawan sa anyong lupa o tubig.
  2. Mapang ekonomiko o mapa ng ekonomiya - uri ng mapa na nagpapakita ng produkto ng iba't-ibang lugar.
  3. Mapa ng klima - uri ng mapa na nagpapakita ng tipo ng klima ng iba't ibang lugar.
  4. Mapang pampolitika - uri ng mapa na nagpapakita ng mga lungsod, kabisera, lalawigan, bayan, at barangay. Ito ang madalas na ginagamit na mapa
  5. Mapa ng kalatagang-lupa (relief map sa Ingles) - uri ng mapa na nagpapakita ng mga topograpiya (mababa o mataas na lugar).
  6. Mapa historikal o mapang pangkasaysayan - uri ng mapa na nagpapakita ng makasaysayang lugar tulad ng tanggulan, bahay ng mga bayani, parke at iba pa.
  7. Mapa ng transportasyon o Mapa ng daan - uri ng mapa na nagpapakita ng mga daan, riles ng tren, paliparan, aklatan at iba pa.
  8. Mapang kultural o mapang pangkalinangan - uri ng mapa na nagpapakita ng mga museo, teatro, at iba pa.
  9. Mapang botanikal/Mapang soolohikal - uri ng mapa na nagpapakita ng mga natatanging hayop at halaman.
  10. Mapang demograpiko - nagpapakita ng populasyon sa bawat rehiyon
  11. Mapa ng piloto/Mapang aeronotikal - Nagbibigay ng impormasyon sa mga piloto. Nakalagay rito ang mga airport/landing strips/runways/navaids/VORs/ILS frequencies at ang Air traffic Frequencies/Airspaces at marami pang iba.


Heograpiya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.