[go: up one dir, main page]

Ang database[1] (literal na "base o 'kuta' ng mga dato") o talaan ay kalipunan ng mga dato o datos (data) na nakaayos upang madaling makuha, masuri at madagdagan. Depende sa uri ng database ang uri ng dato na kaya nitong iimbak.

Sistema ng pamamahala ng kalipunan ng dato

baguhin

Ang software na ginagamit sa pamamahala ng database ay tinatawag na Database management system (DBMS) o "sistema ng pamamahala ng kalipunan ng dato". Ang ilan sa mga kilalang database ay ang mga sumusunod: Microsoft Access, MySQL, Oracle, PostgreSQL, Sybase, Microsoft SQL Server, DB2, Firebird, IBM Cloudscape, Apache Derby. Ang MySQL, PostgreSQL, Firebird, at Apache Derby ay malalayang mga software.

Mga uri

baguhin

Relasyonal na sistema ng database

baguhin

Isang uri ng database kung saan ang mga data ay iniayos sa isang tabla. Ang mga tabla ay naglalaman ng mga data na magkakaugnay. Ang isang tabla ay binubuo ng mga tuple(row) at mga field o hanay (column). Ang isang tabla ay maaaring kumakatawan sa isang kalipunan (collection) ng mga estudyante ng isang paaralan gaya ng makikita sa ibaba:

ID Pangalan Tirahan
102 Juan dela Cruz 222 Maligaya St. Lungsod Quezon
202 Jose Santos 333 Masagana St. Tondo
104 Michael Reyes 444 Mahusay St. Paranaque
152 Lisa Aquino 555 Masinop St. Makati

Ang tuple (row) ay kumakatawan sa data ng bawat estudyante kung saan ito ay binubuo ng mga field (column) tulad ng pangalan, ID ng estudyante, at tirahan. Ang dalawang tablang magkaugnay ay inuugnay sa pamamagitan ng mga susi(key). Ang pangunahing susi (primary key) ang pagkakakilanlang walang katulad (unique identifier) sa isang tuple (row). Ang pangunahing susi ay inuugnay sa dayuhang susi (foreign key) ng iba pang tabla.

 
Dalawang tabla ng relasyonal na sistema ng database na magkaugnay. Ang Pangunahing Susi na ID ng Tablang EMPLOYEE ay iniiugnay sa dayuhang susi na EMP_ID ng tablang EMP_DATA.

Ang normalisasyon ay isang proseso ng pagsasaayos ng mga data upang maiwasan ang mga paulit ulit na impormasyon.

Obhektong orientadong database

baguhin

Isang uri ng database kung saan ang mga data ay inilararawan ng mga object o "bagay" na gaya ng ginagamit sa pagpoprogramang obhektong orientado.

 
Halimbawa ng kalipunan ng dato na nakatuon sa bagay o object[2]

Ang SQL (Structured Query Language o "Wika ng may Kayariang Pangsiyasat) ay isang wikang pamprograma na ginagamit sa pamamahala ng data sa isang relasyonal na sistema ng database. Ang pamamahala sa dato ay kinabibilangan ng pagpasok ng dato (insert), tanong o pagsiyasat (query) o pagtingin sa dato, pagbabago ng dato (update'), pagbura ng dato (delete), paglikha ng mga tabla at iskema at pagbibigay ng karapatan sa mga manggagamit ng database at iba pa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Database". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Data Integration Glossary Naka-arkibo 2012-02-18 sa Wayback Machine., U.S. Department of Transportation, Agosto 2001.

Agham  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.