Li Bai
Si Li Bai o Li Po (Tsino: 李白; pinyin: Lǐ Bái / Lǐ Bó) (701-762) ay isang Tsinong manunula. Bahagi siya ng isang pangkat ng mga iskolar na Tsino na tinatawag na ang "Walong Imortal ng Kalis ng Alak" sa isang tula ng kanyang kasamang manunula na si Du Fu. Tinuturing si Li Bai, kasama si Du Fu, bilang isa sa dalawang pinakadakilang manunula sa kasaysayan ng panitikan sa Tsina. Tinatayang mahigit sa 1,100 sa kanyang mga tula ang nanatili pa hanggang sa ngayon. Unang nilathala sa kanluraning wika ang mga gawa ni Li Po noong 1862 ni Marquis d'Hervey de Saint-Denys sa kanyang Poésies de l'Époque des Thang (Mga Tula mula sa Kapanahunan ng Tang).[1] Sa mga nagsasalit ng wikang Ingles, napakilala ang mga gawa ni Li Bai sa pamamagitan ng isang publikasyon ni Herbert Allen Giles na History of Chinese Literature (1901) at sa pamamagitan ng liberal, ngunit malatulang impluwensiya, na salin ng Hapong bersyon ng kanyang mga tulang ginawa ni Ezra Pound.[2]
Li Bai | |
---|---|
Kapanganakan | 701 Sui Ye |
Kamatayan | 762 Dan Tu |
Trabaho | Manunula |
Nasyonalidad | Tsino |
Panahon | Tang dynasty |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ D'Hervey de Saint-Denys (1862). Poésies de l'Époque des Thang (Amyot, Paris). Tingnan Minford, John at Lau, Joseph S. M. (2000)). Classic Chinese Literature (Columbia University Press) ISBN 978-0-231-09676-8.
- ↑ Pound, Ezra (1915). Cathay (Elkin Mathews, London). ASIN B00085NWJI.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.